Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Sunday, December 21

Sarah Geronimo, Ang Nagpabago ng Takbo ng Buhay ko

Mula ng maging tagahanga nya ako maraming nagbago sa buhay ko. Mas lalong naging meaningful kumpara dati na parang palaging naghihintay na matapos ang araw at titingin sa panibagong bukas... Ngayon bawat araw may saysay.. may kwenta.. Isa nga syang mabuting ehemplo at modelo sa mga kabataan. Nagkaroon din ako ng madaming kaibigan dahil sa kanya kung tawagin ay popster. Hindi ako palakausap na tao at lalong hindi palakibo pero nabagong bahagya iyun dahil sa aming iniidolo. Wala palang kaso kahit mapalalaki o babae ka man pagdating sa tinitingala mong tao. Hindi nakakapagpababa ng pagkalalaki kung babae man ang idolo mo dahil maling mali iyun.. Ganun ako dati pero ngayon proud akong masabing sarah fan. Oo aminado ako na mas maraming babaeng fan si sarah at kakaunti lang ang lalaki pero ang ipinagtataka ko bakit ako nahila dati naman ayaw ko sa kanya at niloloko ko pa yung kapatid kong gusto sya. Tsaka ko lang napagtanto na gusto ko sya nung mapanood ko yung MMK nila ni jlc. Napabilib talaga ako kasi bukod sa mahusay ng kumanta eh magaling din palang artista. Marami pa syang talento na bibihira sa mga performer natin sa pinas. Marunong din syang sumayaw, maghost ng isang palabas, endorso ng napakaraming produkto at modelo sa mga kabataang tulad ko. At hindi lang pala sa kabataan malakas ang karisma nya pati mga bata, matatanda at yung mga nanay at tatay natin ay idolo sya. Isa pa pala, kaya mahal sya ng madaming tao e dahil sa kanyang mabuting pag-uugali. Napaka humble nya as in super kaya hindi maipagkakailang pati mga fans nya ganun din. Hindi sya plastic. Kung anong nakikita natin sa kanya sa tv eh ganun ang tunay nyang personalidad. Walang halong kaplastikan at wala sa bukabolaryo nya ang salitang inggit, away at gimik. Yan ang nagustuhan ko sa kanya at mananatili akong popster forever. Inspirasyon na talagang pinagpapasalamat ko dahil nagkaroon ng kulay ang aking buhay. Palagay ko pinadala sya ni GOD upang ilagay sa tamang landas ang mga kabataang naliligaw at hindi alam ang ganda ng buhay. Buti nahanap ko sya kundi 50% ng buhay ko ang kulang kung hindi. Bilib din ako sa galing nya sa pag-awit dahil hindi lang sa isang genre ng music ang alam nya. Kaya nyang mag rock, ballad, opm, rap, jazz, rnb at madami pang iba na hindi mo aakalaing magagawa nya.

Yan si Sarah Geronimo, isang bibihirang nilalang sa panahon ko! ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Friday, December 19

My Own Creation.

This is my work! I like Sarah Geronimo very much. Nothing can change my admiration for her. It's just a start of my work and I hope I create more in the future.
What do you think... Is it better to add my creativity to her photo just like the picture below or remain the simplicity and not overdecorated it just like the picture above?

Saturday, December 13

Medyo Nalinawan Na Ko Sa Gusto Mong Ipunto.

Nang mapakinggan ko ang usapan sa pagitan ng ate at papa ko ay nagliwanag bigla ang isip ko. Bumukas sa ipinupunto nya sa akin dati pa at iniwang nakatiwangwang ang dating paniniwalang inakala kong tama. Wag mong iisipin ang sasabihin ng iba sa lahat na gagawin mo dahil hindi ka magiging masaya. At isa pa opinyon lang nila yun sa yo at none of their business. Kagaya nga ng palaging sinasabi ko na maikli lang ang buhay ay tila pinapayagan ko pang maging malungkot ito dahil sa paniniwalang lumamon na sakin noon. Wag kang magpapadikta at magpapakontrol sa iba dahil kung magkagayun ay maihahalintulad ka sa isang robot kung saan walang sariling pag-iisip. Sabi pa ng papa ko nasa demokratiko kang bansa kaya may karapatan kang sabihin ang nasasaloob mo. Pero in a nice way and right choice of words. Kung papairalin mo ang emosyon mo at puro emosyon na lang ay maaaring mauwi sa malawakang di pagkakaunawaan. Kung puro isip lang ganun din. Kaya mahalagang ibalanse ang lahat ng bagay para maging masaya sa pananatili sa mundo. Sa ngayon nahaharap ako sa isang malaking hamon... Whether sasabihin ko ba ang personal feelings ko or mananatili pa rin akong takot at bahag ang buntot..

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Paboritong Linya...

Dalawa sa mga paborito kong linya na madalas ng ibinabato ng mga artista sa soap opera at pelikula ay ang:

"Ano to?! Anong gagawin ko dito!???"
"Para san pa?! Para ano pa?!"

Yan ang dalawang linyang nagpapabalik-balik sa aking isip. Yung una ay sinabi ni John Lloyd Cruz sa pelikulang A Very Special Love kung saan katambal nya si Sarah Geronimo. Napakagaling ng pagkakabitiw nya ng linyang iyon na tyak na tatamaan ka sa kaloob-looban ng iyong buto. At ang huli ay linya ni Hero Angeles sa pelikulang Can This Be Loved kung saan katambal naman niya si Sandara Park.

Maganda ang mga linyang nabanggit sa itaas at pakiramdam ko malaki ang epekto nito sa akin. Paliwanag ko isa-isa.

Ano to?! Anong gagawin ko dito?!


Thursday, December 11

Natapos Na Rin!

Grabe! Ang saya ko sa araw ko. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa eskwela ay kakaunti pa lang ang may alam. Tanging mga kaibigan at kabarkada ko lang ang malakas ang memorya, hehe. Lumipas ang maghapon ay nanatiling sikreto ang pilit na tinatago at nanguntsaba pa ng iba na wag ipagsabi at manahimik na lang. Hanggang sa umabot sa klase namin sa ecology ay nagulat na lang ako nung ako na ang magsasalita sa harapan. Biniro ko lang si Abbey na "More pa raw oh" dahil sa request nila na isa pa ay may isang naglakas loob na umawit ng "Happy Birthday to you... Happy Birthday to you...". Syempre nahawa na rin ang iba at sunod sunod na ang pagkanta ng happy birthday. Nagtangka pa nga kong umiwas dahil hindi ko inaasahan ang ganong pangyayari. Haha! Yun ang di ko malilimutan dahil kahit papaano pala ay importante rin ako sa mga kaklase ko. Kahit isa lang akong normal na nilalang sa mundo. Pero hindi ko na ipagpipilitan pa dahil napag-isip isip ko na ang sinabi ng isang taong mahalaga sa akin. Wag nating ibaba ang sarili dahil tayo ang gumagawa ng kahihinatnan ng buhay although nakalatag ng lahat sa harapan natin ang mga pwedeng maging resulta. Ikaw na lang ang bahalang pumili base sa'yong kilos, gawa at pag-iisip. Maraming salamat sa inyo mga kaklase ko lalo na sa mga kaibigan ko at syempre dun sa dalawang naging sanhi ng kasiyahan ko. Yun ay walang iba kundi sina mondz at navz. Happy blogging! ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Wednesday, December 10

Birthday Blast: Not A Teenager Anymore!

Waaah!. Ang bilis talaga ng araw. Grabe kaarawan ko na naman. Teka ilang taon na ba ko? 18...19... 20... Teka wag ng magsinungaling pa. Beinte anyos na ko at kung iisipin ang tanda ko na. Ano nga bang nangyari sa dalawampung taon na iyon sa buhay ko... Ayoko ng mag-isip at sa tingin ko ay ilalaan ko na lang ang bawat segundo ng aking hininga sa mga taong mahal ko. Wala akong sasayanging oras dahil mga minsan darating din ang araw na kinakatakutan ko. Kaya habang maaga ay iparamdam ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal dahil baka sa huli ay magsisi ako. Tama na muna ang pag-eemote dahil mahalaga ang araw na ito (ang araw kung kelan ko nasilayan ang ganda ng buhay. Teka wala akong maalala, haha!)

Saturday, December 6

New Things I Discovered That Captivated My Attention

I will place here two new things that made me wonder about the things they can do. Those were not ordinary things because they caught my attention as I explore their capabilities and features. It is very rare to amuse me and capture my interest. Let's initiate it simultaneously.

First and foremost I just want to share this wonderful game that captured me. The title of the game is Virtual Villager, a game which you can play in your pc. It's a simulation type of game in which you have the power to decide, control and lead the people in their everyday lives. It's about the survival and development. The thing that made me think deeply is how is it still running even the program is not open or though the computer is turned off... What technique or magic they did to make this kind of game? I'm still amazed about the way they design it... If you want to try the game, download it from the net and you will experience the same things I had. ^^
So far there are four to be chosen and played from.
  • Virtual Villagers 1: A New Home
  • Virtual Villagers 2: The Lost Children
  • Virtual Villagers 3: The Secret City
  • Virtual Villagers 4: The Tree of Life

Mahal Mo o Ang Taong Gusto ng Puso Mo?

"Bakit ang puso minsan naliligaw kahit may mahal na?
Bakit nagkakagusto pa sa iba?
Ganun ka ba?
Just in case, sino ang pipiliin mo?
mahal mo... or.. ang taong gusto ng puso mo?"

Ganun talaga ang tao. Hindi nakukuntento. Hindi lang sa ganitong bagay kundi sa lahat ng pagkakataon. Sa tanong na kung sino ang pipiliin ko: ang mahal ko o ang taong tinitibok ng puso ko... Parang ang gulo ata ng tanong.. Parang magkadugtong sila.. Pag mahal mo dahil gusto ng puso mo. Pero meron din namang tao na nagsasabing mahal nya ang isang tao (para may masabi lang) ngunit hindi naman tapat at seryoso. Marahil dito naman nagkakaiba at nagkakaroon ng tsansa ang tanong na ito. Kaya hindi ko rin masasabi ng ganap na magkaugnay ang dalawang ito.

Tuesday, December 2

Free Access of Internet Using SELECTED Cellphones!!

Talaga nga naman ang henerasyon ngayon ang bilis magbago. Hindi ko alam na meron nito... Alam kong pwede kang mag-access sa internet gamit ang cellphone pero di ko alam na pwede palang libre... Biruin mo pwede ng mag-browse sa wikipedia at mag log-in sa ym ng libre kahit wala kang load. Pag may load ka kasi tyak kakaltasan nila ng bayad. Ganun kadaling madaya ang mga mobile companies sa Pilipinas. (SMART & GLOBE). Pero bago mangyari ang lahat ng yan kelangan mo muna: unang una ay internet-enabled yung phone mo. tapos magrerequest ka ng settings for configuration para gumana. Teka pano ba magrequest?? Actually hindi ko pa alam pero nang tanungin ko yung kaklase ko na nagbebenefit dito ang sabi nya ay magtetext ka lang sa number provided by either of these two then voila! Makakatanggap ka na ng reply at instruction on how to activate it in your phone. Ganun lang kadali. Namangha ako sobra! Gusto kong subukan lalo na IT course ko kaso ang problema wala pa kong pambili ng mamahaling telepono... Sana lang hindi pa sya madetect ng SMART or GLOBE kapag nakabili na ko. May cellphone naman ako kaya lang lumang modelo. Pwedeng pang.... (teka ibang topic na to. another entry ito. sayang din eh haha!)

Take note: Wala pa kong trabaho at kasalukuyang nasa 3rd year college.

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Monday, December 1

Brickgame, Gameboy at PlayStation Portable...

Dati pag meron ka ng bg sikat ka na. Kakainggitan ka na ng mga tao especially mga kalaro mo. Pero dumaan ang ilang dekada at na face out na sya. Dumating si gb at nahimok ang mga kabataang bumili ng kanila dahil sa sikat na sikat na larong pokemon. Kahit ako naadik. Nagpupunta pa nga ako sa bahay ng pinsan ko para lang makalaro. At ngayon psp naman. Aba!
parang walang katapusan ang pag eevolve ng mga bagay-bagay. Pag wala ka nito aba nangangahulugan na nahuhuli ka na kahit pa may bg o gb ka pa. Ang teknolohiya ay patuloy na tumutuklas ng ikagaganda ng mga bagay bagay at yan ay dahil sa science. Puro pagbabago walang makakapigil...

Gaano Kadalas Magbago Ang Isip Ng Tao?

Mabilis magbago ang isip ng tao. Mapa segundo o minuto man ay may mga bagong kaisipan na dumadating sa atin. Nawawala kaagad ang dating paniniwala. Kumbaga napapatungan ng karanasan ang dati at luma na. Mapa-interes man, paniniwala, at sa lahat ng bagay ay may puwang ang pagbabago sa isang tao. Walang hanggang 'satisfaction' o 'contentment' ang bawat isa sa atin. Kagaya na lang nitong kowts na ito ng cellphone.

"kala ko,
pag mahal mo sya
at mahal ka rin nya,
ok na..
di pa pala..
masakit pero..
pwedeng..
ngayon mahal ka nya,
pero bukas,
hindi na..
ganyan kabilis magbago ang isip ng tao.."


Ang Sagot Ni Manlalakbay!

"..amf! oi ikaw..kapal mu! duh! sabit k lng!"

Don't care if louse sucks blood from its host. That's life! And it's needed for the earth acts normally.

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Thursday, November 27

Panatilihing Malinis Ang Ating Katawan

Ang entry na ito ay para sa mga taong tamad maligo na pag inabutan ng katamaran ay ipinagpapabukas na kagaya ko hehe!
Napag isip-isip ko lang nitong mga nagdaang araw na dapat lang pala na panatilihin nating malinis ang ating pangangatawan kung paanong pinalilinis natin ang ating ispiritwal. Bakit ko nasabi ito dahil pahiram lang Nya ito sa atin.. Aba! mahiya ka naman. Kung ako nga nahiya dapat ikaw din! ^_^ Happy blogging!

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Wednesday, November 26

WINDOWS XP Black 2nd Edition (Heavy User Environment Edition)

Ngayon alam ko na ang mga bagay sa likod ng pirated software na ito. Una palang nagtaka na ko kung bakit nakagawa ng customized na xp version. Nagduda na ko na ang gumawa nito (na sa tingin ko pinoy) ay may iba pang balak bukod sa mabigyan ng magandang os ang mga kagaya kong
user. Yun yung pagkakalat ng virus at malware kapag ininstall na ang ginawa nyang os.

Nagtataka lang ako kung paanong ang licensed software na hindi maaaring i-customized ay nagawa nyang mabago (dahil hindi open ang source code nito like open source softwares). Ang galing mo kapatid pero hindi mo na ko kelan maloloko...

Tuesday, November 25

Kaya Ko Pala Kung Gugustuhin Ko

Akala ko nawala na ang dating powers ko.. Akala ko tuluyan na kong nanghina at inagawan ng memorya.. Hindi pa pala. Kung gugustuhin pala natin ay maibabalik ang dating inakala nating kinuha sa'tin. Nasa loob lang pala naghihintay na mapansin.

Sunday, November 23

Ilatag Ko Na Nga Ang Nakatago...

1ST:
November 6-7: The author Michael Crichton died because of cancer.
He was known by his book "Jurassic Park".

2ND:
The fact that you cannot kiss your elbow is enough to make you realize that some things seem to be so close, yet, they are bound to be beyond your reach..

What do you think about this one? It's true and it happens to me every time. I can not reach the one who made me believe I should live.

3RD:
Nang nagmahal ako I believe in everything:
love at first sight, happy endings, destiny, fairy tales and even magic.
Pero ng nasaktan ako tama sila no words can define love kundi
-wow it hurts!

Ang Saya Ko Kahit Nalaman Kong Panaginip Lamang..

Ang sarap ng pakiramdam pag ang mga ninais mong bagay ay biglang natutupad.. nangyayari.. at sunod-sunod ang dating sa iyo subalit biglang mawawala ang saya sa isang iglap pag nalaman mong panaginip lang pala.

Kabaligtaran ang nangyari sakin kahit bunga lang ng isang malikhaing isip at mapanlakbay na diwa ang lahat... TUWA. Tuwa dahil matagal ko ng hinihintay at pinapangarap ang ganitong bagay na memorable sa bawat umiidolo sa kanya. Gusto ko lang sanang magpasalamat sa isang kakilala kundi dahil sa kanya ay hindi ako makakapag 'hello' sa taong espesyal sa akin (dito sa normal na mundo). Akin munang isasalarawan ang panaginip ko.

Wednesday, November 12

Hindi Raw Kwalipikado...

Sa iba'y tila isang basura
Para sa akin ay isa ng obra maestra
Hindi nila nakikita
Pambabalewala ang sagot nila

Masayang-masaya na ko sa mga tula
Na nagagawa ko
Subalit bakit sa kanila ay iba
Kung ituring ang akin ay bato

Sunday, November 9

Sa Mga Gustong Maging Writer...

Kung sa palagay mo malabong mangyari ang pinapangarap mong maging isang manunulat, dyan ka nagkakamali. Dito palang sa ginagawa ko matatawag ka ng isang writer... yun nga lang tanging sarili mo lang ang nagdeklara at nagsabi. Ang mahalaga naman maipahayag mo kung anong nasa loob ng isip mo at emosyon na matagal ng nagngangalit bumulusok palabas.. hindi mo lang alam kung paano. Ang tanging gamot lang na makakalunas ay ilatag sa puting papel o sa espasyong ibinigay sayo ng libre kagaya nito (blog). Walang masama kung susubukan at masasabi mong sa wakas isa na akong ganap na writer! yun nga lang hindi sa KANILA...

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Duet of Sarah and Howie, thought as one of the tracks of highscool musical?

I'm really glad after hearing that from my brother when I played their 1st carrier single I'll Be There from Just Me (Sarah's 5th and latest album). I'm still awestruck by that compliment because she's my idol and the person I am looking up to. I'm very proud of her and believe that she's not far from being an international artist. It's just a start of her fruitful success and I hope we, fans of Sarah, will never get tired in supporting her whenever she needs us.

Thursday, November 6

Ang Mayayaman Lalong Yumayaman?

Dati sang-ayon ako sa normal ng namumutawi sa labi ng mga kababayan natin pero nang marinig kong muli mula sa bibig ng mama ko, agad tumutol ang isip ko...

"Ang mayayaman lalong yumayaman at ang..."


Sam Milby, David Cook ng Pilipinas!

Dalawa sa kaklase ko ang nagsabi na kaboses ni Sam Milby si David Cook nang pinahulaan ko sa kanila kung sino ang kumakanta dun sa mp4 ko (Buong Buhay Ko, themesong ng Ligaw na Bulaklak). Nagulat naman ako dahil di lang isa kundi dalawa ang nagsabi at nakapansin. Wala lang nai-share ko lang sa inyo.

Wednesday, November 5

A Very Special Love Main Menu!!!



According to the uploader of this video from youtube, this is the main menu of A Very Special Love (movie) but I doubt about it so I ask him/her if it is the real one. I'm still waiting for his response and willing to update the words I write here. Thanks for watching!

May Panahon...

May panahon para isilang sa mundo
May panahon para malagutan ng hininga
May panahon para sa isang bagay
Huwag sanang magmadali sa buhay

Sa bawat maliit na bagay
Na ating ginagawa
Ay may malaking epekto
Sa ating hinaharap

Monday, November 3

Mabuti Pang Simulan Mo Na!

Kung gusto mong maibsan ang kalungkutan o kasiyahang nadarama gumawa ka ng journal (o diary para mas madaling maintindihan) kaso napaka tradisyunal na nito sa panahon ngayon pero isa sa mga mabisang paraan para mahasa ang ating kaisipan. Uso na ngayon blog (modernong pamamaraan ng pagsulat kung saan ay maaari mong ipahayag ang mga nasasaloob mo sa internet gaya nitong blog ko).

Base ito sa shout out ng kaibigan ko sa friendster. Pramis epektib, subukan nyo! ^__^

Sunday, November 2

Salesladies, Ano Kaya Kung...

Pambungad sa mga reader (meron kaya... haha!)

"Saleslady, ano kaya kung sa mall na lang kayo magbihis ng damit pantrabaho..."

Nais ko lang sanang isapubliko ang topic na ito. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero malamang marami rin wala lang pakialam.. agaw atensyon kasi sila at mukang normal na sa kanila ang manamit ng ganun.

Friday, October 31

Ayoko Na Ng Gabi...

Dati sa tuwing tatanungin ako ng ate ko kung anong mas gusto ko sa dalawa, araw o gabi, lagi kong isinasagot ang gabi sa kadahilanang magandang pagmasdan ang mga bituin sa langit, pati na ang buwan bukod pa sa katahimikang idinudulot nito.. Kabaligtaran naman kung araw na talagang abalang-abala ang mundo sa kani-kanilang buhay.. ni hindi nga natin marinig ang tawag ng ating kalikasan. Pero ang lahat ng ito'y biglang nagbago simula ng may pumanik na tarantado at lintik (dapat nga isang malutong na PI kaso panget naman tingnan) na magnanakaw sa bahay namin nung kaarawan ng kapatid ko... (nito lang Setyembre ng taon). Sa susunod na entry ko na lang ikukwento ang buong detalye dahil di ko pa feel ngayon.

Monday, October 27

Guduerz First Video "Ale"

I will quote a friend's description on this video.

"This is our first successful video production for Multimedia subject this 3rd-year first term. Hope you'll enjoy the film! [Fred! sisikat ka, dude!]
d^_^b "



Wohoo! Ang Galing ng Idol Ko Parang si Celine Dion

Lalo akong ginanahan nang marinig ko ang mga pangungusap na ito:

"Wohoo! Ang galing ng idol ko. Parang si Celine Dion..." ang nasambit ng isang babae habang paparaan ako sa karinderya sa Pamilihang Bayan ng Taguig (Lower Bicutan). Pag kasi narinig nating karinderya halos lahat sila ay mayroong telebisyon. Gusto ko sanang huminto sandali para mapanood din ang idolo ko subalit tinubuan na naman ako ng makahiya sa ulo. Yun, ang ending tuloy-tuloy ako sa paglalakad habang ang isip ay naiwan doon.

Sunday, October 26

Rumor: The Deadliest Illness of Our World

I was not glad by the news
I heard from a friend
That you were already taken
So I lose hope for your love

Days passed by swiftly
Without even noticing it
But somehow I discovered
That everything was a lie

Friday, October 24

Panibagong Inspirasyong Nahugot

Kahit antok na antok na ko eh heto’t susubok pa rin sumulat.

Marami akong inspirasyon ngayon. Mula sa pang-araw-araw kong pamumuhay, mga kantang pinapakinggan tulad na lang ng kanta ni Rico Blanco (Your Universe) at sa mga advices ng ate ko na kakausap ko lang kanina.


Thursday, October 23

Hindi Pa Rin Nagbabago!

Napakabagal ng sistema ng enrollment sa PUP-???. Kahit computer system na at hindi tradisyunal ang pamamaraan eh ganun pa din. Kelan kaya bibilis ang pag-usad ng pila nang sa ganun hindi na maperwisyo ang mga estudyante?? Hindi lang naman kami ang makikinabang doon pati mga faculty staff ay giginhawa ang gawain at hindi na mangangailangan ng S.A. (Student Assistant) na dagdag gastos pa sa bulsa nila (kung sa bagay hindi naman talaga sa kanila galing ang pera kundi sa mga estudyante din at kalimitan na kinukurakot). Binabansagan kong mga dakilang sipsip ang mga S.A. dahil sunud-sunuran sila sa kanilang among walang ibang alam kundi ang magpahirap kahit wala naman sa lugar (kagaya ni penguin).

Connecting VB.NET to MS SQL Server 2000

Wanna acknowledge the first two websites where I got my knowledge to complete our project in DBMS, please pay attention to him/her thru clicking links. Don't forget to visit the other sites I listed here.

Normalization in DBMS.

I accessed and read the following articles on September 18 in the morning. The rest were onwards!

Wednesday, October 22

Masasabi Ko Sa Achievements Ni Sarah

Talagang pinaghirapan nya ang lahat bago marating kung nasan man sya ngayon. Maraming tao ang nagmamahal sa kanya dahil sa katangiang meron s'ya na sa panahon ngayon ay bibihira na.

Congrats Sarah! ^_^

A Very Special Love Updates!

Ang saya naman! Halos 120 million agad ang kinita ng movie (A Very Special Love) sa loob ng isang linggo pa lamang. Sobrang bonus talaga ito sa ABS-CBN at Viva dahil pinagpartner nila ang dalawang ito (Sarah and John Lloyd) at di natakot sumugal. ^_^

Sa ngayon magdadalawang buwan na ang lumipas matapos ipalabas ang pelikulang ito na tumagal ng mahigit isang buwan sa sinehan at ang kabuuang kinita ay 198 million na halos magdadalawang daang milyon ayon sa iba. Ang galing! Dahil sa naging maganda ang resulta ay magkakaroon ng part 2 ang tambalang ito. I can't wait! ^__^

Buti Nakumbinse!

Napabilib ni Sarah ang kaklase ko at nakuha pa nyang sabihing "Total Performer" ang aming prinsesa. Totoo naman eh mapa-singing man, acting, hosting o modeling talagang kaya n'ya. Kaya there is no doubt about it. ^_^

Alam kong alam mo kung sino ka, hehe.

Tuesday, October 14

Baka Nadala Lang...

(Karugtong ng 'Ouch')

Marahil nadala lang ako sa role n'ya kaya napansin s'ya ng puso ko. Kung hindi siguro s'ya nagtanghal dun o kaya'y hindi ako nanood at nakasalubong ko s'ya sa daan ay isa lang s'ya sa milyong-milyong babaeng nakita ko. Nabighani kasi ako kung paano n'ya dinala ang role n'ya bilang isang batang babae na nag-aalala at may espesyal na pagtingin sa kanyang kaklaseng si Pepito. Sa kanya nga lang natuon ang titig ko tuwing lumalabas siya sa entablado. Hanggang sa makita ko s'ya sa labasan ay palihim kong inuukol ang namuong damdamin. Marahil isa na naman itong ilusyong tila humuli sa natutulog na pag-ibig. Ni hindi ko alam kung sino s'ya, kung anong uri ng pagkatao meron s'ya. Ang tanging alam ko lang ay nakita ko s'ya sa play na ang "Batang Rizal..."

Monday, October 13

Ouch...

Iba talaga pag palaging nahuhuli, walang natitira. Ang bagal ko kasi yan tuloy naunahan. Iba talaga nagagawa ng madiskarteng tao - nagagawa ang mga bagay na gusto ng walang pumipigil sa kanilang sarili. Sayang at hindi ako nakapagpakuha ng litrato sa isang babaeng hinahangaan ko ngunit isang beses ko palang nakita. Hindi ko alam kung nadala lang ako ng palabas nila kaya ako nagkakaganito. Panibagong inspirasyon na naman na haharapin at gugulo sa isip ko. Pero wala akong magagawa kung ganito ako dahil pinaninindigan ko kung sino at ano ako. Wala akong dapat gayahing ibang tao dahil sila ay sila at ako ay ako. Magmumukmok na lamang ba ako dito ng makita ang litrato ng aking kaklase kasama s'ya at binigyan pa nya ng remembrance na talagang hindi malilimutan.. May kung anong init na naramdaman sa loob na hindi ko mawari kung pagseselos ba na may kasamang inggit at galit o kung normal lang ba. Pinangunahan kasi ako ng hiya at kaba... natatakot mahusgahan ng mapanuring mga mata ng taong nakapaligid sakin. Siguro itatago ko na lang itong mga litrato na pinadala sakin ng isa kong kaklase para maalala ko s'ya dahil sa palagay ko yun na rin ang huling makikita ko s'ya. Buhay nga naman may makita lang na kaiga-igaya sa mata agad na nahuhulog ang loob dun sa bagay na iyun. May buhay pang naghihintay kaya mabuti pa sigurong kumilos na ko at bumalik sa dati kong mundo..

Maraming salamat Kaye ng 'Batang Rizal'.

Monday, September 15

A Very Special Love Truthful Reviews

I WILL MAKE IT AN ENTRY IN MY BLOG... SUPER VERY TRUE!

~ Manlalakbay


"5 Reasons Why I Love This Movie [A Very Special Love]:


Different Web Browsers I Wanna Try!

I just wanna share these wonderful sites of web browsers to everyone. Right now, I'm using the google chrome browser and as far as I see it is good and simple. I like it for this approach because I'm not into a complicated one. But maybe after a week, I will try flock browser for it says that you don't need to visit different sites one at a time. In flock, some sites (their available sites) are integrated in it just like a portal that will save us time. So come on! Go on and pay a visit. Happy reading. ^_^

Karanasan ko nung September 12...

Ang lungkot ko naman ng mabalitaan ko na hindi ako pinalad na makapasok sa Chronicler, official paper ng school namin, malamang dahil sa mga katha kong sagot nung nag-eksam kami. Pero lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na "everything happens for a reason". Malamang may mas magandang nakalaan sakin si God why He didn't give it to me, why He let that thing happen.

Monday, September 1

I Don't Wanna Be A Scientist...

In life, everyone can be a scientist but I don't want to because in my generation it's hard to be one... I just keep on doing the proven and tested experiments again and again and wonder the great things it shows (but was already seen by almost everyone and nothing's new). Hope I discover my own without reinventing the wheel...

Thursday, August 21

What Time Is It?

When I was a kid
I longed to grow up
So that I can do the things I wanna do
And I can be the person I wanna be

But now that I am mature
Have a mind on my own
It seems that I want to go back in the past
Regretting the things I didn't do

Days pass by so swiftly
Until one day you will see
You will say that "parang kailan lang"
And state "parang kahapon lang"

Thursday, August 14

I Don't Believe In Portable Software...

Ngayon kumbinsido na ko at naniniwala na kapag mamimili ka rin lang between Full Version and Portable Version, it should not be a portable. Imbis na compressed at portable ang kukunin at ida-download sa internet para makatipid sa memory (no need to install) ay yung full version na lang ang i-download (yung exe or setup talaga). Makakatipid ka nga sa storage memory ng hard disk mo (kapag portable) pero pag ginagamit mo na kulang-kulang at may mga features na hindi gumagana. Unlike dun sa huli (full version) na kahit gaano kalaki at katagal pa yun i-download okey lang dahil magagamit mo talaga ng ayos. Kahit na minsan package sya, meaning pag ininstall mo may kasamang software na mai-install na hindi mo naman magagamit o kailangan.. Ang sakin lang okey lang naman yun as long as hindi nakakasama o nakakaabala sa ginagawa ko. Tsaka e di pag di na masyadong ginagamit, i-uninstall na agad.

Tuesday, August 5

Pelikulang "A Very Special Love" Pinirata din?!

Ang sakit naman makita ang isang pelikula sa isang bangketa lalo na kung pinagbibidahan ng artistang iniidolo mo. Hayun at naikalat na agad. Tatlong araw palang ang nakakalipas mula nung ipalabas sa sinehan meron na agad naglipana. Ang saya ko nung mga sandaling napanood ko ang movie na handog ng Star Cinema at Viva Films, ang "A Very Special Love", na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Ito'y idinerek ni Cathy Garcia Molina na kilalang-kilala sa pelikulang 'light romantic'. Minsan tuloy naisip ko kung walang piratang nagkalat sa pinas malamang sobra-sobra pa ang bilang ng mga nanood sa sinehan at doble-doble pa ang kikitain ng Star at Viva.

Monday, July 28

Kung Anu-ano Lang...

Sa wakas ay ayos na ang aming computer
Hindi na ko magmumukang kawawa
Makakatipid na rin ako
Makakabawi sa mga nagdaang mga gastos

Ilang araw at linggo ding nagtiis
Hinintay pa na magkapera ang kuya ko
Di bale makakabawi din ako
Maghintay hintay lang kayo

Sa wakas ay makakapag advance study na din
Nahuhuli na kasi ako sa palagay ko
Maraming mga bagay pa ang dapat kong malaman
Pero kelangan ng kaunting pag-iingat

Pakakaingatan ko ang aming computer
Sa mga virus at pag-iinstall ng software
Pero tingin ko'y walang pahinga
Ang sarili sa pag-aaral

Panibagong Libangan

Ang sarap gumawa ng tula
Tapos gagawing kanta
Eto ngayon ang libangan ko
Musika ang aaralin ko

Ayokong masabing may kanta lang
At paulit ulit ang tunog
Kaya pag may libreng oras
Maghahanap ako sa net

Monday, July 14

Lasenggo

Eto na naman sila
Naririnig kong papalapit na
Ang lalakas ng mga tinig
Talagang dinig na dinig

Samot saring kwentuhan
Ang maririnig galing sa kanila
Kanya kanya ang bida
Pagbigyan mo na lang sya

Pagod at Puyat

Nanghihina na ang katawan ko
Inaantok na rin ako
Unti unti ng napapapikit
Ang mga matang kulang sa tulog

Dahil sineseryoso ko na
Ang nakuhang kurso
Pagod at puyat nga
Ang kalaban ko

Buhay Programmer/I.T.

Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng buhay I.T.
Dumaan ang 1st yr. at 2nd yr. pero parang ordinaryo lang
At ngayong sandali ko lang talaga naramdaman
Kung ano ba ang kursong kinuha ko

Ngayon pa lang kinakabahan na ako
Kung ano ba ang naghihintay na kapalaran ko
Sunod sunod ba naman ang major subjects
At sinamahan pa ng katakot takot na projects

Friday, May 16

How to Deal With a Stage-Fright?

Here are some tips I got from my college professor, hope you like it! ^^

9 P's

Prior
Proper
Preparation
Prevent
Poor
Performance of the
Person
Putting on
Presentation

Thursday, May 1

Nag-crash Uli Ang MP4 Ko!!

Kaasar talaga kahapon! Dapat 'to kahapon ko pa naipost kasabay nung "Nangunguna Pa Rin..." kaso ngayon lang ako nagkaroon ng chance pero anyway heto na at wala nang dapat ipag-alala. ^^

Nangunguna Pa Rin...

Kahit wala pala ang tulong ko sa pagboto sa kanta ni idol pot mangunguna pa din. Biruin mo halos magta-tatlong araw akong hindi nakinig ng "D Amazing Tres" (segment portion/program sa wrr 101.9, isang radio station dito sa Pilipinas) at ngayong gabi lang ako nakinig gulat ako no.1 s'ya. Galing talaga ng mga popsters! Marami nga talagang tagasuporta si Sarah. Hindi lang ako sure kung anong puwesto s'ya nung mga nagdaang araw (mula Lunes hanggang kaninang 4 ng hapon) pero sigurado namang pabalik-balik ito sa karera hehe. Hindi naman sa hindi na ko boboto naghihintay lang uli ng load mula sa papa ko at balik boto na naman. Keep on voting mga kapwa ko popsters! ^_^

Monday, April 28

What MP4 Do You Have, Original or Imitation?

Wow! May bago na naman akong natutunan sa aking pag-uusisa. Ang .amv video extension/format pala ay para lang sa mga gawang chinese na mp4/ipod.. Sa madaling sabi hindi orihinal dahil .mp4 pala (video format) ang tinatanggap sa mga original na ipod/mp4 pag gusto mong lagyan ng movies ang portable player mo.

Sunday, April 27

First Song, Advanced Study and Taglish Site

First Song
Sa ngayon nakagawa na ko ng kauna-unahan kong kanta. May pagka-rock ang dating n'ya. Tungkol iyun sa paglisan ng isang tao sa kanyang mahal dahil hindi n'ya alam o maintindihan ang damdamin n'ya sa taong iyun. Kung may pagkakataon ay irerekord ko ulit yung song na kinompose ko pero meron na kong nairekord kaso hindi pa final dahil sinubukan ko lang kung anong kalalabasan. Ipo-post ko nga rito yung download link para mapakinggan nyo pati na rin yung lyrics nung kanta. Sana magustuhan n'yo, hintayin n'yo na din yung pinal na rekord at pagtyagaan n'yo na lang muna ito. NOTE: Panget boses ko, hehe! ^^ Keep on reading!

Sunday, April 20

Sugarfree

Ang sarap pakinggan ng mga kanta
ng aking paboritong banda
Naririto ako sa harapan ng computer
tumitipa ng gagawing tula

Habang pinapakinggan ang kanilang awitin
tila napupunta ako sa dati kong buhay
Na sanay iningatan na lang
nang hindi na nanghihinayang

Saturday, April 19

RJ Jimenez Inpires Me Too

Isa din sa idol ko sa paggawa ng kanta ay si RJ Jimenez ng Pinoy Dream Aacademy. Ang galing n'ya kasing sumulat ng lyrics. Talagang tagos sa puso kapag iyong napakinggan. Magaling pang mag-compose ng music & melody parang si Yeng Constantino. Karapat-dapat lang s'yang maging isa sa mga iskolar ng nasabing paligsahan at ngayon may part 2 pa para sa susunod na pasisikatin ng ABS-CBN. Kaso minsan hindi ako bilib sa pagpili nila ng grand winner kasi madalas nadadaan sa itsura at hindi talaga sa tunay na layunin ng contest. I mean yung performance isinasantabi nila.

Friday, April 18

Karanasan Sa Pagsa-submit ng Demo..

Gusto kong maging songwriter kagaya ni Mr. Ogie Alcasid o ni Ebe Dancel ng Sugarfree. Sa ngayon nakahanap ako ng article sa net on How to Get Better at Writing Lyrics. Nakakasulat ako ng lyrics at nalalagyan ng melody pero walang instruments na gamit. Sa oras na to may kaunti na kong alam sa pagsusulat dahil sa mga nabasa ko at kung paano mag-submit ng demo sa isang kompanya.

Tuesday, April 15

Kalat

Ang hirap naman maglinis ng kalat ko
Doon sa loob ng aking kwarto
Iniisa-isa ko ang mga di na kailangan
Ng magamit ko ang iba pang espasyo

Tinitingnan mabuti bago itapon
Ang bawat papel na hinahawakan ko
O kaya'y inihiwalay ko
Baka pwede pang maibenta