Showing posts with label tanong. Show all posts
Showing posts with label tanong. Show all posts

Saturday, October 17

The Secret Formula to Make a Love Team Click

Know it here!

Do you watch "Be Careful With My Heart"? It's a morning tv show aired in the Philippines, from Mondays-Fridays. The theme of it is about the meeting of a cute, sweet, naughty girl with a strict, bad-tempered, rich boss.

I love how their chemistry hook me everytime I watch it after my work. And that led me to this conclusion...

What is the Formula?

The secret formula to make a tandem (love team) click is making their characters acting like this: a naughty girl and serious guy. This is the reason why the chemistry of Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz became a hit and caught the eyes of many. Their two previous movies topped the Philippine Box Office Movies (based on the movie revenues).

Filipinos are easily inclined to this kind of love story. Actually, it is also the same formula used by Koreans, Taiwanese and other Asian countries (we just adopt it). I remember before, how Filipinos became crazy over the Taiwanese group called F4. Fans were composed of children to old. And up to now, the feeling remains in my memory.

Anyway, this formula can't be just used by any love team. Because it still depends between the two persons involved and how they will form their so-called chemistry. It will show naturally and cannot be made when needed.

Does my observation make sense?

(Old Article - 2012)

Saturday, October 3

Naghahanap Pa Ng Extrang Pagkakakitaan

Bukod sa job, work o trabaho ay naghahanap pa ko ng extrang pagkakakitaan.

Hindi natin masasabi na stable ang ating trabaho sapagkat worldwide o globally na ang tanggalan o pagle-lay off ng mga employees. Magugulat at iiyak ka na lang kung sakaling isa ka sa kanila at hindi mo iyun napaghandaan.

Kaya kasalukuyan kong ginagawa ay nagtatabi at binubuo ko na ang Emergency Fund na katumbas ng 3 months ng expenses namin. Sa praktikal nga eh dapat atleast 6 months pero pasasaan ba at darating din tayo dun.

Sa ngayon, bukod sa natatanging work ko lang ang source of income ko, ay sinimulan ko ng mag-invest kahit noon pa sa Philippine Stock Market. Dati nag-iinvest lang ako sa mga kumpanyang gusto ko at alam kong di basta magsasara o malulugi pero ngayon nag-iba ako ng stratehiya.

Nag-iinvest na ko sa REITS para every 3 months or quarterly ay may makukuha akong cash dividends. Ayan ang isang paraan para kumita pa ko ng additional bukod sa aking trabaho.

Ang isa pa na bahagyang maliit at di talaga masasabing extra eh yung paglalaro ng games via ShopBack. Di lingid sa ating kaalaman na sa ShopBack ay pwede kang kumita ng cashback at pag nakaabot ka ng 200 pesos na threshold ay pwede mo itong i-transfer at i-withdraw sa iyong e-wallet or bank account. Ginagamit ko lang dati ang ShopBack sa tuwing may bibilin ako sa Shopee or Lazada pero ngayon sa simpleng pag-iinstall ng partner games nila sa smartphone mo eh kikita ka na ng pera.

Ang isa pang paraan para makabawas-bawas sa babayaran sa mga bibilhin mo sa Shopee ay ang pag-accumulate ng Shopee coins. Marami kang pwedeng gawin sa Shopee na tasks araw-araw like mag-check in, mag-browse ng stores/products, mag-claw ng random prizes at s'yempre manood ng libre at free short dramas. Sa ganitong paraan ay makakaipon ka ng coins na kung saan ay pwedeng magamit yun pang-less sa total na babayaran mo sa tuwing bibili ka sa Shopee platform.

Ano pa nga ba ang iba pang paraan? Nag-iisip ako na mag-invest sa global funds kung saan buwan-buwan ay bumibili ako ng worth 1,000 pesos na units. Nagiging posible ito sa pamamagitan ng pagclick ng Funds sa Maya, then proceed sa Seedbox Funds. At ang una kong nabili at nasimulan lang nitong September 1 ay ATRAM Global Equity Opportunity Feeder Fund. Kabibili ko lang uli nitong October 1 ng worth 1,000 pesos na units at kasalukuyang di pa nag-rereflect sa aking portfolio sapagkat may waiting period s'ya ng atleast 4 business days.

Kung umabot ka hanggang dito, tatanungin kita kung mayroon ka pa bang ibang alam kung paano kumita ng pera sa legal at safe na paraan?

Bago ko pala makalimutan, ang high-yield savings account or digital banks, ay isang mabisang paraan para madagdagan ang iyong ipon. Kung narinig mo na ang MariBank, Maya Savings, CIMB, GoTyme at iba pa, iyon ang aking tinutukoy.

Saturday, September 19

I-steam Ang Corn Pwede Pala

Namiss kong kumain ng mais sapagkat madalas namin makita ng wife ko ang mais sa tuwing naggo-grocery kami.

Gusto ko sanang kumuha at bumili kaya lang sa tuwing maiisip ko ang proseso ng pagluluto ay napapaurong ako.

Naka induction stove kasi kami. Since need magpakulo ng tubig para lang makapagluto ng mais ay naiisip ko na magastos at malakas kumunsumo iyon ng kuryente kaya ang ending eh wag na lang.

Then recently lang eh bumili kami at sabi ko sa sarili ko, okay lang once lang naman namin yun gagawin. One time, binanggit sa akin ng asawa ko na pwede raw i-steam ang corn at isabay sa sinaing namin. Di ako naniniwala na posible yun kasi never pa ko nakakita ng ganun dati. Naalala ko pag nagluluto kami dati (nung mga panahong single pa ko) ng mais ay pinapakuluan namin ito hanggang sa maluto. At kung minsan, may mga nakikita akong naglalako ng lutong mais sa kalsada kung saan (base sa obserbasyon ko) ay waring naka-submerged ang mga mais sa loob ng isang malaking stainless na lutuan habang iniluluto.

Subalit iba naman ang obserbasyon ng aking asawa. Sa pagkakaalam nya ay parang ini-steam daw ang mga iyun. Hanggang sa sinubukan nga nyang isabay habang nagsasaing sa rice cooker namin at i-steam (may kasama palang extra utensil ang rice cooker namin na pinapatong lang sa ibabaw; ilagay ang ilang piraso ng mais sa loob pagkatapos ay takpan).

At laking gulat ko na pwede pala! Naluto ang mga mais at halos walang pinagkaiba sa inuluto sa mainit at kumukulong tubig.

Bagong kaalaman at natutunan mula sa aking asawa. Bukod sa pwede na kami makakain ng mais ng walang kahirap-hirap, ay laking tipid din sa pagkunsumo ng kuryente sapagkat isinasabay lang namin sa pagsasaing ng kanin.

Kayo mga kaibigan, matagal nyo na rin bang alam to o ngayon lang after mabasa ang blog post ko na ito?

Saturday, August 1

Moshi Manju: Pinipilahan!

Sa tuwing magagawi kami sa SM Megamall, di namin nakakalimutang bumili ng masarap na merienda na Moshi Manju. Isang Philippine based store na nagtitinda ng freshly-made na small hot bread na may palaman sa loob (chocolate man o caramel/yema).

Ang "Moshi" ay galing sa Japanese greeting (moshi moshi), at ang "Manju" ay tumutukoy sa traditional Japanese sweet buns.

Photo Credits to Moshi Manju Official FB Page

Madalas namin bilhin ay yung chocolate-flavored. Ang aroma nito ay kalat na kalat sa paligid at langhap na langhap ito ng mga taong namimili sa Supermarket Building B.

Pagkatapos namin mag-grocery ay direcho na ang aking asawa upang bumili ng masarap, fluffy at tasty na Moshi Manju. 130 pesos lang ang isang box na may 24 pcs. na. Tinitipid namin iyun at kinakain tuwing almusal at merienda.

Tatlong beses palang namin nae-encounter ang store branch nila. Bukod sa SM Megamall Supermarket Building B, ay meron din sa may Market Market Taguig at Robinsons Galleria Ortigas.

Tara at tikman nyo na rin mga kaibigan. Kung natikman nyo na at suki rin kayong kagaya namin, alin sa mga flavor ang pinakagusto at pasado sa panlasa nyo?


Tuesday, June 30

Importance of Beep Card

Ang laki ng benepisyo ng pagkakaroon ng Beep card para sa aming mag-asawa.

Lalo ngayon na nakatira kami dito sa Boni, Mandaluyong ay kitang-kita ang dulot nitong ginhawa sa amin.

Gamit na gamit namin ito sa pagsakay ng MRT patungo sa aming pupuntahan (Ayala Station, Taft Station o Shaw Station).

Dati pumipila pa ko para bumili ng single-journey card doon mismo sa loob ng MRT Station subalit may mga times na sobrang haba ng pila at napapansin ko na bakit ang iba dire-diretso lang sa pagpasok at pagtap ng kanilang kulay asul na card.

Doon ako nagpasya at naimpluwensyahan ng asawa ko na kumuha na rin ng sarili kong Beep card (sya kasi may sarili at hinihintay pa nya kong makabili ng single-journey card).

Hindi lang sa MRT nagagamit ang Beep card, kundi pati sa pagsakay sa BGC Bus.

Sana mas lumawak pa ang sakop nito nang sa ganun cashless na ang lahat ng transaksyon at napaka-convenient na rin.

Sa mga Beep card users, sumasang-ayon ba kayo sa blog post kong ito?

Sunday, February 2

Nasaan Na Kaya Ang Mga Financial at Business Guru Na Makukulit?

Naglilinis ako ng mga emails sa inbox ko at napansin ko na ang mga dating aktibo at mga guru na nagtuturo dati ay tila nawala, huminto, at naglahong parang bula.

Ang dami ng financial guru na nagtuturo dati na tuluyan ng nawala sa internet at maging mga official websites nila ay non-existent na.

Mukang sa simula lang sila mahusay at matapos dumaan ang mahabang panahon ay tuluyan na nilang tinalikuran ang kanilang advocacy to help other people become rich.

Napansin mo rin ba at napatanong nasaan na ba sila?

Saturday, October 19

Blog Post Query 1

Android Confirmation Options:

Why Cancel option is always on the left side of the Ok option? It looks weird to me as I used to seeing cancel on the right side of the Ok when I was in college. Is there a particular reason why this is the norm?

I think I should ask ChatGPT, Gemini or Copilot why is that so. If you have an idea or know the answer, feel free to leave your comment below. Thanks!

By the way, here's the answer to this query of mine.

Sunday, May 8

Z-Lasik Plan at Shinagawa, Ortigas Branch

Nakakita ako ng 3 blogposts na naglalahad tungkol sa z-lasik para luminaw ang dating malabong mga mata.

Nakakaengganyo dahil mula highschool ay nakasalamin na ko. Nais kong maranasan ang magkaroon ng 20/20 vision subalit naroroon ang kaba kung safe nga ba sumailalim sa ganoong operasyon at magkano ang magagastos.

Naririto at basahin ang mga nasabi kong blogposts mula sa kapwa nating pinoy na blogger.

My Z-Lasik Plan at Shinagawa Lasik and Aesthetics

My LASIK Screening at Shinagawa Ortigas Branch

My Z-Lasik Experience at Shinagawa: A Life-Changing Decision

Enjoy!

Sunday, February 13

Kelan Pwedeng Magpa-Booster Shot?

Sa mga nalilito pa rin kung kelan pwedeng magpa-booster shot matapos ang 1st and 2nd dose nila, naririto ang ilang bagay na dapat mong malaman.

- Dapat lumipas na ang tatlong buwan matapos silang mabakunahan ng 2nd dose. At kabilang sa uri ng vaccine na pasok rito ay ang mga sumusunod:

• Astrazeneca

• Moderna

• Pfizer

• Sinovac

• Sputnik

- Habang dalawang buwan lang kung ikaw ay nabakunahan ng Janssen (Johnson & Johnson).

Kaya tara na't magpa-booster shot. Hindi lang ito para sa kapakanan mo kundi para sa ikabubuti ng mga taong nakapaligid sayo.

Mahal mo sila diba, kaya wag ng magpabukas-bukas pa. Hikayatin mo rin sila.  =)

Saturday, August 21

Namiss Ko Ng Magsulat Dito

Grabe 7 months na pala ang nakakalipas mula nung huling nakapagsulat at nakapagpost ako dito sa aking personal blog site.

Namiss ko ng bumalik at magsulat muli. Napakalaki talaga ng pagbabago sa buhay natin mula ng tamaan ang buong mundo ng COVID-19. Grabe at sobra ang idinulot nito sa pang araw-araw nating pamumuhay. Nagkaroon bigla ng tinatawag na new normal at ang mga tao sa labas ay nakasuot ng facemask at faceshield. Naroon na palaging dala ang kani-kanilang alcohol at mahigpit na ipinapatupad ang social distancing.

Ang dami ko ngang namimiss na simula ng nagka-pandemic. Namiss kong manood ng sine, magbowling at mag-ice skating.

Pero may kwento ako sa inyo. Mukang nakaganda pa sa akin ang pandemic na ito sapagkat nahanap ko na sa wakas ang aking love of my life. Finally, nagkagirlfriend na rin ako. Yun nga lang hindi na naabutan nina mama at papa pero alam ko na masayang masaya sila sa akin. Soon, sa simbahan na ang tuloy at ihaharap ko sya sa dambana. Magsusumpaan sa harapan Nya na magmamahalan habang buhay.

Excited na ko sa buhay. Di na rin ako bumabata kaya mas mabuting i-enjoy ko na ang buhay na kasama sya.

Kaya ikaw na nagbabasa, wag mong i-take for granted ang buhay mo. Ang mga tao sa paligid mo na tunay na nagmamahal sayo. Iparamdam mo sa kanila kung gaano mo sila kamahal. Maikli lang ang buhay kaibigan kaya habang andyan pa sila, ibaba mo muna ang cellphone mo or itigil ang kung anumang ginagawa mo. Puntahan at kamustahin mo sila. Baka mamaya huli na pala ang lahat. Ikaw din magsisisi ka.

Masingit ko lang din, oo importante ang pera pero hindi mo dapat ito ginagawang mas importante pa sa lahat ng bagay. Ang relasyon pa rin ang dapat bigyan ng halaga. Dahil kahit gaano pa karami ang ating naipong yaman dito sa lupa, kung oras na natin, wala na. Finish na. Di ka pwedeng makiusap o makipagnegosasyon na pwede pa bang bumili ng ilang minuto ng buhay ko?

Mag ipon ka habang bata ka, walang masama dun. Kasi mahirap tumanda ng wala kang pera.

Stop na muna at kung anu-ano ng random thoughts ang na-iblog ko. Basta babalik pa rin ako dito pag na-inspire uli at may maisipang isulat. Tsaka habang libre pa si blogger/blogspot. Mga minsan di natin masasabi, baka maging mala Friendster or Multiply ang mangyari rin dito.

Kaya salamat sa pagbabasa (kung may nagtiis mang magbasa :D)

Saturday, January 23

The Merging of BPI and BPI Family

Is it true that BPI Family and BPI will merge together?

I just read in my email about it but I'm not sure how true and legit that is.

Will do a research about it or if you know that the said news is real, please let me know.

That merging will benefit all of their customers as those banks are owned by one parent company. Having a separation is just complicating things more and that is what we've experienced for so many years.

Thursday, July 25

Ang Digital Product o Course Mo Ba ay Ginto?


Lahat na lang ng natatanggap kong emails, lahat nagbebenta. Hindi ba sila nagsasawang kulitin ang nananahimik kong mundo?

Lahat sila gusto ng aking atensyon. Feeling ko tuloy artista ako na ang dami-daming pera o kaya'y Oppa sa isang Kdrama. :D

Sunday, August 20

Isang Daang Tula Para Kay Stella



Napanood ko na yung 100 (Isang Daang) Tula Para Kay Stella.

Sobrang nakarelate ako sa character ni JC Santos na si Fidel sa pelikula dahil sa mga sumusunod:

- lahat ng emosyon ko pagdating sa babae ay idinadaan ko sa tula. Yun ang dahilan kaya nung mapanood ko palang yung trailer, sinabi ko sa sarili ko pagshowing nito papanoorin ko talaga to.

- ikalawa, may speech defect ang bida sa pelikula which is di nalalayo sakin at aminado naman ako.

Maganda ang pelikula at nirerecommend ko ito para sa mga taong mahilig din magsulat at magbasa ng mga tula.

Thursday, February 9

Dalawang Bagay

Mas kinikilig ka pag ang topic ay s'ya
Habang nagkkwento ka’t ako ang kasama
Masakit sakin yun dahil alam mo naman
Na ikaw ang laman ng puso’t isipan

Sunday, September 15

Libreng Phone or Tablet Basta Mag-Avail Ka Ng Plan

Nagtataka ako kung bakit kabi-kabila ang promo ng mga Giant Telecommunications dito sa Pilipinas. Nandyan ang Globe na nag-ooffer ng mga kilalang brand ng cellphones at tablets at hindi naman pahuhuli ang SMART at Sun sa mga bago nilang pakulo.

Monday, April 8

My Only Negative Comment to Cherry Mobile Burst

I don't know if it is only happen to Cherry Mobile Burst that the battery is easily drained up whenever you enable wi-fi to use internet and play games. This is the only negative comment I can say to this awesome phone. I really love it as it is so affordable and offers same or more features like what other branded and expensive phones offer (including iPhone, Samsung Galaxy S3 and others).

Tuesday, May 1

Canon A2400 IS or Nikon S3100?

Guys! Do you have some experiences in using any of these two point and shoot camera? I'm still undecided on what to buy between these two. Please help me to choose. Thanks!

Monday, April 16

Do you think this is true?

"Sunglasses is allowing you to stare at someone without getting caught"

I wish I could wear a black sunglasses (shades) so I can do the above quote but the problem is I am not allowed to. I already wear an eyeglasses...

I am a nearsightedness person who needs an eyeglasses just to continue my everyday living. Without this, I may be considered useless and incompetent living creature.

Sunday, October 16

Problemang Damdamin..

Totoo kaya ang nararamdaman ko o sadyang paghanga lamang ito? Di ko lubos maintindihan kung tunay ang nararamdaman ko o humahanga lamang ako.

Saturday, December 6

Mahal Mo o Ang Taong Gusto ng Puso Mo?

"Bakit ang puso minsan naliligaw kahit may mahal na?
Bakit nagkakagusto pa sa iba?
Ganun ka ba?
Just in case, sino ang pipiliin mo?
mahal mo... or.. ang taong gusto ng puso mo?"

Ganun talaga ang tao. Hindi nakukuntento. Hindi lang sa ganitong bagay kundi sa lahat ng pagkakataon. Sa tanong na kung sino ang pipiliin ko: ang mahal ko o ang taong tinitibok ng puso ko... Parang ang gulo ata ng tanong.. Parang magkadugtong sila.. Pag mahal mo dahil gusto ng puso mo. Pero meron din namang tao na nagsasabing mahal nya ang isang tao (para may masabi lang) ngunit hindi naman tapat at seryoso. Marahil dito naman nagkakaiba at nagkakaroon ng tsansa ang tanong na ito. Kaya hindi ko rin masasabi ng ganap na magkaugnay ang dalawang ito.

6 Money Habits that Will Not Make You Rich

The six poor money habits to avoid are: • Neglecting savings : Failing to set aside a portion of income (ideally 10%) consistently before pa...