Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Saturday, February 27

Ang Payo Mo

Mahirap namang bantayan
Ang ating nararamdaman
Ang payo mo'y tila nagpagulo
Sa isipan at damdamin ko

Sinasabi mong di totoo
Ang lahat ng emosyon ng tao
Masyado raw itong mapanlinlang
Huwad at pwede kang masaktan

Ang sabi mo wag gumawa ng paraan
Para lang makasama ka
Maging natural lang daw
Para walang ilangan

Madali daw mairita ang babae
Pag dikit ng dikit ang lalake
Sa ganun daw sila naiilang
Pero ganun ba ko sayong harapan

Wednesday, February 24

Huling Tula Ko Para Sayo

Ano ba naman ang laban ko sa taong di mo naman nakikita
Pero gusto n'yang makasama
Kesa sa palagi naman n'yang nakikita
Pero di gustong makasama

Dun palang talong-talo na
Bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili sa kanya
Apektado pa rin kahit di naman naging sila
Masakit pa rin ang lahat sa kanya

Di ko alam kung madali lang akong sumuko
O sadyang loser lang ako
Naisantabi ang mga pangarap ko
Mga pangako'y napabayaan ko

Friday, February 12

Kaibigan

Nais ko lamang ibahagi sa inyo ang nagawa kong tula para sa isang kaibigan na crush ko. Inaalay ko sa kanya ito bago ang araw ng mga puso ngayong 2016.

Sana'y magustuhan ninyo.

K - asama kita kahit sa'n magpunta
A - ninag ang liwanag pag ika'y dumungaw na
I - law kang tumanglaw sa madilim kong gabi
B - uwang mailap sa akin ay humuli

I - lang beses ba kitang gustong makita
G - abi-gabi halos tayo'y magkasama
A - muin ang matampuhing artista
N - a sayo'y totoo ang pagsinta

Advance Happy Valentines Day! =)

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!