Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Sunday, November 23

Ang Saya Ko Kahit Nalaman Kong Panaginip Lamang..

Ang sarap ng pakiramdam pag ang mga ninais mong bagay ay biglang natutupad.. nangyayari.. at sunod-sunod ang dating sa iyo subalit biglang mawawala ang saya sa isang iglap pag nalaman mong panaginip lang pala.

Kabaligtaran ang nangyari sakin kahit bunga lang ng isang malikhaing isip at mapanlakbay na diwa ang lahat... TUWA. Tuwa dahil matagal ko ng hinihintay at pinapangarap ang ganitong bagay na memorable sa bawat umiidolo sa kanya. Gusto ko lang sanang magpasalamat sa isang kakilala kundi dahil sa kanya ay hindi ako makakapag 'hello' sa taong espesyal sa akin (dito sa normal na mundo). Akin munang isasalarawan ang panaginip ko.

Sa palibot ng maraming tao (nakalimutan ko na kung kilala ko ba sila ganito talaga sa mundong ito kung gaano kalinaw ang mga eksena ganun din kalabo pag nagising ka na... Ang swerte ko pa nga dahil kahit papaano ay may naalala ako) isinigaw ng aking kakilala nang ubod ng lakas ang.. "Sarah may gustong sabihin sayo si Jethro". Pangalawang ulit nyang ginawa. At ang sagot ko ay dalawang magkasunod na 'Hello' with matching taas ng kamay na nagbigay daan para mapansin ako. Kahit sa napaka busy nyang buhay ay atleast kahit papano nasabi ko sa kanya ang mga bagay na gusto kong sabihin noon pa, yun nga lang sa panaginip...

Sinulat ko noong Nobyembre 14.

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.