Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Sunday, December 26

Makabagong Paraan ng Pagsusulat

Sa panahon ngayon tila napaglilipasan na ng panahon ang mga nakasanayan nating pamamaraan ng pagsulat. Maging ang pagsusulat ng araw-araw nating pamumuhay o diary ay apektado na rin. Dati-rati kung may bagay tayong nais isulat at ibig nating mabasa ng iba ay talagang napakahirap bago mapaabot sa mambabasa. Nandyan ang involve ang pera o capital, panahon at mga ambag ng iba na nagsanay sa propesyong may kinalaman sa pagbuo ng libro. Pwede din namang ipadala ang mga sanaysay o tula sa mga paligsahan sa inyong baryo. Pero kung ikaw ang tipo ng ayaw ipabasa sa iba at gustong maging confidential ang naisusulat ay gumagawa na lang ng journal o diary at pinagsasama-sama sa isang notbuk (pag napuno na panibagong notbuk uli).

Ganyan din sa mundo ng blog o blogospera. Ang lahat ay pwedeng idaan na lang sa internet. Ang maganda pa nito libre at kahit sino ay pwedeng gumawa upang maipaabot sa mambabasa. Kung trip mong imbakan ng pang-araw-araw mong pamumuhay at ayaw ipabasa sa iba ay pwede rin naman. Dito ay maaari ka ng marinig at maipaabot ang iyong kaisipan, opinyon, suhestyon at kung anu-ano pa.

Minsan tuloy iniisip ko, kung buhay pa kaya si Rizal malamang nagba-blog din sya. Blogerista din syang matatawag. Kaya lang kagaya nga ng sinabi ko kahit sino pwedeng mag-blog, marinig pa kaya sya o dili kaya'y magkaroon ng mambabasa? Kung sa bagay depende din naman sa nilalaman ng blog ang pagkakaroon ng maraming mambabasa at di na yun nakapagtataka kay Rizal dahil isa syang magaling na manunulat. Yun nga lang kailangan nyang makipagkumpetensya sa iba dahil sobrang laganap ang blog dito pa lang sa Pilipinas. Siguro mas magandang maipayo ko sa kanya, mabuti pang gumawa na lang sya ng libro tutal mayaman naman ang angkan nila dun mas malaki ang tsansa dahil kaunti lang ang ayaw gumasta o walang pera.

Realization:
Kahit gaano pa ka-makabago ng panahon natin ngayon, wag nating kalimutan ang ating dati na at nakasanayang sistema ng pagsusulat. Kami ngang may isang computer sa bahay, dalawa o tatlo atang laptop/netbook nagagawa pa ring isulat ang iba-blog ko sa papel bago tuluyang i-publish. Mas kakaiba kasi ang pakiramdam kumpara sa nasa harapan ka ng computer at nakaupo sa cubicle eh. Basta yun na yun.

Happy writing! ^_^


Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

6 comments:

  1. nakamamanghang paksa! Nakatutuwang isipin na kung si Rizal nga naman ay may-akda ng isang blog, tiyak na marami syang tagasubaybay. Marami tayong matututunan sa kanya lalo na sa pagiging pilipino natin. Bagaman napagalaman na natin ang kanyang buhay noong tayo'y nag-aaral pa sa kolehiyo, siguradong mapapatawa nya rin tayo sa kanyang mga banat, hindi ba? :)

    Naaliw ako sa pagbabasa nito. Naalala kong kaya ako gumawa ng sariling blog dahil bukod sa may napagbubuhusan ako ng aking mga saloobin, kapag wala na ako sa mundong ito ay may maiiwan para sa aking mahal sa buhay na maaari nyang basahin upang malaman ang aking ugali at mga karanasan.

    Mahilig pa rin naman akong magsulat sa mga kwaderno. Dahil alam kong makakalimutin ako kung kaya't lahat ng magagandang ideya ay agad kong isinusulat. :D

    ReplyDelete
  2. wow ang haba! hehe.

    isang bagay lang ang pinapangambahan ko at alam mo kung ano yun, na ang blog na libre ay pwedeng mawala anumang oras nilang (owner nitong blogger) gustuhin. maaaring nalugi o napagdesisyunan na nilang magpabayad. kaya nga ako minsan napapaisip ako na maghost ng sarili kong blog at magbayad kasi dun sigurado ka. pag kasi may binibigay ka may matatanggap ka parang ganun.
    nagbabasa kasi ako ng ibang blog at etong paksang ito ang pumukaw sakin na baka mabalewalang lahat ng post ko. dapat pinag-iisipan na natin ang hosting, domain at kung anu-ano pa!
    anyways thanks sa napakagandang komento. :)

    ReplyDelete
  3. Ipagpaumanhin mo ngunit hindi ako sang-ayon dyan dahil ang Blogger ay produkto ng Google at sila ang isa sa top 3 largest companies na sumunod sa Microsoft at Apple Co. kaya't tila imposible pang mangyari iyan.

    Ang blog ay ginawa upang kahit sino ay, gaya nga ng nabanggit mo, "maaari ka ng marinig at maipaabot ang iyong kaisipan, opinyon, suhestyon at kung anu-ano pa." Freedom of Speech, ika nga.

    Ngunit kung magkagayon man na may bayad, maraming alternatibong mga free blog host tulad ng Tumblr at Posterous.

    ReplyDelete
  4. "na ang blog na libre ay pwedeng mawala anumang oras"

    http://www.blogger.com/content.g
    wag ka nang mag-alala. :D

    ReplyDelete
  5. ay ganun pala un, ahaha! thanks for clearing my worries. ngayon makakahinga na ko ng ayos. pero isang bagay pa rin ang iiwan ko.. Na walang permanente sa mundo, na wag makuntento sa kaalamang meron ka lalong lalo na sa larangan ng teknolohiya baka minsan magising ka na lang di na pala akma ang nalalaman mo dahil napag-iiwanan ka na. masaya ang mag-eksperimento at alamin ang mga bagay bagay as long as alam mo ang hangganan at limitasyon mo.

    anyways, mukang lumalalim ang tagalog natin kaibigan ah. ahaha! thanks at nabisita ka sa blog ko. :)

    ReplyDelete

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!