Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Thursday, December 2

Tamang Pag-inom ng Vitamins: Umaga o Gabi?

Dalawang beses na kong muntik mapahamak nang dahil lamang sa pag-inom ng vitamins.. Nung una taong 2009, kasalukuyang nag-oojt ako at ang ikalawa nitong taon lang na ito, 2010.

Kwento ko muna yung una. Pauwi ako nun galing ojt at nakasakay na sa bus pauwing Bicutan (9am-5pm kasi ang pasok ko nun). Habang mabilis ang pagtakbo ng bus ay biglang inihinto ng drayber at nagulat na lang ako na wala na pala ang suot kong salamin. Nalaman ko na lang na humagis pala ito ngunit di ko alam kung sa harap ba, sa likod o sa labas ng bintana. Hinanap ko ito.. di pa naman ako sanay ng walang salamin.. Sumakit ang ulo ko kakahanap at pinagpawisan ng malamig. Yun pala ang epekto kapag puyat tapos nag-take ka pa ng vitamins sa umaga. Hilong hilo na para bang gustong pumikit ng mga mata mo subalit gising na gising ang diwa mo. Mabuti na lang at nakita ng ale ang salamin ko (di ko na maalala kung sa harap ba o sa likod natagpuan) na hinanap ko ng dalawampung minuto. Para akong tanga sa kakasabi ng ganito, "Patulong naman po maghanap ng salamin ko wala po kasi akong makita..." Ikaw kaya mo ba yun? Muli, salamat kay ate.

Ang ikalawa naman ay uminom din ako ng vitamins dahil na-excite ng sobra sa bagong bigay ng kuya ko, panibagong vitamins. Di naman ako puyat nun, sa katunayan nga kumpleto pa ang tulog ko, yun nga lang mid-shift ang schedule ko sa trabaho (this time trabaho na di na ojt, hehe), 5:30 pm - 2:30 am. Pauwi ako nun subalit di na sa loob ng bus kundi sa loob ng shuttle ng kumpanya. Ang naranasan ko: sumakit ng sobra ang ulo ko at hilong-hilo..

Lesson learned:
Ang tinutukoy ko namang vitamin eh yung multivitamins dahil pag vitamins C ay ok naman at di ko nararanasan ang mga nabanggit sa itaas (kahit kulang pa ang tulog ko). Mas magandang uminom nito pag gabi bago matulog. Dahil sabi ng mga taong nakapanayam ko (at base na rin siguro sa karanasan nila), ang epekto daw ng pag-inom nito ay lalakas/gagana kang kumain at papatulugin ka. Parang ganito: gustong gusto ng katawan mong matulog subalit gising ang diwa mo.

Target ko kasing tumaba (yung tama lang) kaya ako nagte-take ng vitamins. Ayun, na-ishare ko lang para alam nyo na din.

Take note:
Pag vitamins C ok lang kahit umaga o gabi mo inumin pero pag multivitamins kagaya ng centrum, enervon atbp ay nirerekomenda kong inumin nyo ng gabi bago matulog. ^^,

Para punan ang impormasyong inihain ko dito, narito ang bago kong post na hango sa komento ng ating kaibigan sa post na ito. Mali Ako Sa Deklarasyon Kung Kailan Nga Ba Dapat Uminom Ng Vitamins


Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

51 comments:

  1. ang vitamins kasi ay food supplements na dapat inumin lng after eating your largest meal. ito ay para maabsorb ang vitamin otherwise it will go to waste. ang pagkahilo mo cguro ay dahil sa ibang factors but not the vitamins ora mismo. opinion ko lng!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you for sharing your knowledge here. I think makagawa ng bagong post para iklaro ang mga bagay bagay tungkol sa vitamins. :)

      Delete
  2. magpatingin kana baka may sakit ka.lalo na lagi ka pala kulang sa tulog.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Pamela sa concern. Pero dati pa yan, nung centrum pa ang vitamins ko.

      Delete
  3. Ok naman sakin ang centrum tuwing umaga ako nag tetake hnd naman ako inaantok depende po siguro sa tao..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks po sa pagreply sir/ma'am. I think hindi sa vitamins ang reason ng aking pagkahilo before. Siguro dahil sa stress at puyat. Hehe

      Delete
    2. Ok din ba kng SA Gabe bago aq matulog uminun nan centrum
      Tnkz po

      Delete
    3. Hi Drintoot, I already corrected this post on this blog post: http://manlalakbay88.blogspot.com/2013/11/kailan-nga-ba-dapat-uminom-ng-vitamins.html

      If you have time, kindly check that post of mine. Also, at the last or bottom part of the post, you will see a link. Thank you for your comment. :)

      Delete
    4. tanong lang. tumaba po ba kayo sa centrum ? kase gusto ko rin po magkalaman kaya magtetake na rin po ako ng centrum. saka anong oras nyo po iniinom? thank you!

      Delete
    5. Hilow sir tanung lang pwdy ba arawaraw take Ng centrum vitamens din sabayan araw2x Ng lowfat milk

      Delete
  4. Tanong ko nga po pwede bang centrum sa umaga? Tapos mx3 sa gabi?

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'm not sure if it is okay to take 2 different vitamins in a day because I'm not in a position to answer and claim that it is okay. Anyway, mas maganda siguro kung centrum lang, centrum lang. Kung mx3, mx3.

      For more information about mx3, check their site which I googled online http://www.mx3.ph/faqs/ (By the way, I'm not affiliated with them).

      Delete
  5. Pde magtanong?? ano ba ung Maxvit?? doblemeaning kc ung comercial... Parang Rogin E ba sya??? daily pag ttake?? or Viagra sya??? na sa tuwing my loving2x lang gagamit??? tnxx....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello sir. I will try to answer your question though I'm not in a position to answer. Anyway, base sa nakita ko through searching sa Google, multivitamins sya. At the same time, pwede din syang gamitin tuwing may loving2x. If you want to get clear answer, better ask a physician. Thank you sa pagbisita sa blog ko. :)

      Delete
    2. Hmmm. Hi ! First time ko pa lang gumamit ng vitamins . revicon forte multivitamins iniinom ko . may idea po ba kayo kung ilang tablets para lumabas agad ang resulta ??

      Delete
    3. Hi Rahnariv,

      Usually pag vitamins kelangan everyday kang nagtetake. Wag kang lalagpas sa isa kasi baka ma overdose ka. Isang tableta tama na. Again, inuulit ko mas okay pa rin humingi ng advice from physician kasi sila ang mas nakakaalam kung makakabuti or makakasama ba sayo ang pag-inom ng vitamins. Muli maraming salamat sa pagbisita sa blog ko.

      Delete
  6. Bakit ganun nag ttake nmn ako ng enervon multi vitimins. Kaso minsan paputol putol . nakakalimitan ko kasi uminum ee okay lng ba yun ?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala namang masama kung makalimutan mo uminom lalo na kung paminsan minsan. Pero ang pagtake ng vitamins araw-araw ginagawa yun para may enough energy ka at iwas sakit. Anyway, palagi kong sinasabi na mas mabuting magtanong sa physician kasi sila ang mas nakakaalam kung makakabuti or makakasama ba sayo ang pagtake ng vitamins. Maraming salamat sa pagbisita sa aking munting blog.

      Delete
  7. Hi! Tanong ko lang po, pwede ba uminom ng enervon after lunch? Pag pumapasok kasi ako papunta school, di ako nag aalmusal kaya di ako nakakainom ng enervon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello sir/ma'am, First of all I am not an expert here so don't believe 100% everything I will say here. Walang kaso kung after lunch ka uminom ng enervon as long as tuwing pagkatapos mo kumain.

      Pero much better kung morning pa rin para ma-maximize ng buong katawan mo ang vitamins na dulot ng enervon.

      Still, consult first your physician bago ka magtake ng any vitamins baka kasi mamaya allergic ka or something. Anyway, salamat sa pagbisita sa blog kong ito.

      Delete
  8. Hi po sa lahat. Sir tanong ko lng po na nginginig po yung tuhod at kalamnan ko.pero pag maka take aku ng stresstabs mawawala po. Ano po ibig sabihin nito kolang aku sa b-complex

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Bryan, thank you for leaving your comment here. First of all, I would like to say that I am not in a position to give advice kasi I'm not an expert when it comes to this topic. But I did my research and I found this http://stresstabs.sg/how_stresstabs_works.

      I think you're right. We need B-complex esp. if our schedule is hectic or sobrang stressfull ng work environment natin. Nagtetake din ako ng B-vitamins before kasi namamawis palad ko at nanginginig. Ayun okay naman ang resulta.

      Kagaya nga ng palagi kong sinasabi, mas mabuti kung magpapakunsulta ka sa physician para safe lalo pa't usaping kalusugan ang nakataya dito.

      Muli maraming salamat Bryan for allowing me to answer your concern.

      Delete
  9. hi. ...nangangakati. ung katawan. ko. dulot ba tu. nang pag inum nang multivitamins

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Sir. Pasensya na kung ngayon lang ako nakareply.

      Posible sir na dahil sa pag-take nyo ng multivitamins kaya kayo nangangati. Maaaring allergic kayo sa ingredients ng vitamins na iniinom nyo.

      Mas mabuti kung magpakonsulta muna kayo sa physician kung pwede nyo bang inumin ang vitamins na tine-take nyo nang sa ganun maging klaro ang lahat.

      Maraming salamat sa pagbabasa ng aking munting blog.

      Delete
    2. sir pde po ba ang ferro sulfate pag ka may fracture? curious lang

      Delete
    3. Hi Dandan Duad, I already answered your question below. Kindly read na lang po. Salamat. :)

      Delete
  10. sir pede po ba ang ferro sulfatr
    e pag may fracture ako? kasi nasemento tong kanang braso ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Dandan Duad,

      Thank you for your question.

      Honestly, I'm not the right person and fit to answer your question if it is okay to take Ferro Sulfate when you have a fracture. But if you want an honest answer, I think you'd better consult your doctor or physician.

      I did some searches and I found that Ferro Sulfate should take when you have iron deficiency o kulang sa dugo. Here's the link for more details: https://www.drugs.com/ferrous_sulfate.html

      But still, mas okay pa din na kumunsulta ka muna sa mga dalubhasa just to make sure. Baka kasi magka side effect kung basta basta ka na lang iinom.

      I hope nakatulong ako kahit papano. Salamat uli sa pagbisita sa aking mumunting blog.

      Delete
  11. .,hello po..
    .,Magtanong n din po ako khit lagi nyong nisasabing d kau professional..
    .,bale..nraspa ako last january, 2017..
    .,den..fron then..hndi n nwla hilo q..ska..hirap s paghinga..lalo s gabi..pati ang pananakit ng laman ng ktwan q ee..hndi naalis..
    .,s tingin nyo kya ee anemic nq?
    .,dhil s pgkakaraspa ko?

    .,bale..ngstart ako mgtake ng multivitamins diz February..
    .,multicaps ung take ko..
    .,ska..b-complex..
    .,ok lng bng mgkasabay ko silang itake?

    .,tenki in advance qng skling mgrply k..
    .,God Bless en more power to you..

    .,zna po..maeducate nyo ako khit konti..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi ma'am,

      Pagpasensyahan nyo na kung natagalan ang pagsagot ko sa tanong ninyo.

      Muli bago ang lahat, pinapaalalahanan ko po kayo na mas mabuti na komunsulta sa mga dalubhasa kesa maniwala sa mga sabi-sabi o opinyon ng iba kagaya ko.

      Base sa aking pagsasaliksik, kayo po ba ay kagagaling lang sa panganganak? Sapagkat halos lahat ng nabasa ko ay tungkol roon. Narito ang ilang impormasyon tungkol sa raspa: http://www.buhayofw.com/medical-advice/other-diseases-of-ofws/ano-raspa-dilation--curettage-matris-buntis-uterine-bleeding-cerv-55012cd3e01ed#.WMC-nBKGNUM

      I think you should take pain relievers instead kagaya ng binanggit sa website link na pinaste ko. Ayokong magrekomenda ng kahit anong vitamins baka kasi kung mapano at we don't know if it has side effects.

      Again, consult your doctor first for the right information and treatment.

      Maraming salamat sa pagbisita at pagbibigay komento dito sa aking mumunting blog.

      Delete
    2. Ask kulangpo ok langpo bah bago matulog na Ako mag take nang centrum advance...salamat

      Delete
    3. Ask kulangpo ok langpo bah bago matulog na Ako mag take nang centrum advance...salamat

      Delete
  12. .,Hello po..
    .,ahm..mg ask n din ako sayo..mgbakasali na meron k ding mshare skin..

    .,bale..naraspa ako last january 2017..
    .,frm then..hndi n nwla ang hilo q..pananakit ng kalamnan..minsan..hirap aq hinga from lalamunan..ung feeling n maga lng ang tonsil q..merong tym n kumakabog dibdib q..ayun..
    .,so..ngstart aq mgtake ng b complex diz february..
    .,pro..still..meron p din aq hilo..(konti lng nman)
    .,so..ngtake n din aq ng multivitamins kc naisip q..bka anemic nako dhil n nwlan ako ng dugo..
    .,pk lng bng pgsabayin ang multivitamins en b complex?

    .,anu p po b ang dpat kong gwin.?

    .,slmat po s tym for reading mine..
    .,more power to your blog..
    .,God Bless..

    .,tenki in advance !

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po im boy and 28 yrs old tatanong ko lang po kung ok lang sabay na iniinom ang centrum , pharmaton and pharex ? iniinom ko po kasi ito ng sabay sabay after lunch bali pang 4 days ko na po iniinom yung pharmaton kasabay nung iba pero dati centrum and pharex lang ang iniinom ko .. wala naman po akong nararamdamang iba pa hingi lang po ako ng advice kung ok lng po ba yung pag take ko ng gamot ng sbay sabay .. thx

      Delete
    2. Hi Kuro chan,

      In my opinion, mukang delikado yang ginagawa nyo unless you asked for your doctor's advice kung yan talaga ang ipinayo nya sa inyo.

      Nagsearch ako online kung ano ba ang vitamins na pharmaton at pharex, since centrum aware ako na multivitamins sya.

      Pharmaton same sya ng centrum na multivitamins and as for Pharex para syang B Complex or B-Vitamins.

      I think it's not a good idea na sabay sabay nyo silang inumin. Mamili ka lang sa kanilang tatlo. The fact na multivitamins ang centrum at pharmaton, mamili ka lang sa kanilang dalawa kung alin ang sa tingin mong mas effective.

      As for Pharex, I think it's just a B-Complex Vitamin, meaning dun lang sya nakafocus. Basically, ang B-Complex para sya sa mga pasmado or nanginginig ang mga kamay or (Deficiency in B vitamins can cause a number of symptoms, including tiredness, anemia, loss of appetite, depression, abdominal pain, muscle cramps, hair loss, and eczema.). Again ang multivitamins, usually kumpleto na sya so parang sobra sobra na kung magtetake ka pa ng b-vitamins the fact na nagte-take ka na ng multivitamins.

      Again, I am not an expert or physician so I am not the right person to ask. Pero kung ating titignan yung ginagawa nyo, Kuro chan, baka ma over-dosage ka nyan kung tatlong magkakaibang vitamins ang iniinom mo. Nakakatakot po yan.

      Ask your doctor for best advice.

      Anyway, thanks for visiting my blog. :)

      Delete
  13. Hello po im 28 yrs old tatanong ko lang po kung ok lang bang sbay na ini inom ang centrum , pharmaton and pharex ginagawa ko po ito after ng lunch may 4 days ko na po itong ginagawa .. pero sa pang 4 days ko pa lang po ginagawa yung inumin ng sabay sabay yung tatlo dati kasi centrum at pharex lang po ang iniinom ko ..

    ReplyDelete
  14. Pwede bang sabay uminum ng stress tab at Rogen e.. Umaga stress tab at Gabe rogen e. Thanks

    ReplyDelete
  15. naguguluhan ako sir, kelan ba tamang pag inom ng centrum multivitamins? after meal? o before meal?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Sir, maraming salamat sa pagbisita sa aking munting blog. Para sa akin, mas gusto ko magtake ng multivitamins after meal. Dapat kasi may laman ang ating tyan bago uminom ng vitamins. Muli, mas mainam pa rin na kumunsulta sa isang doktor at dalubhasa. Salamat.

      Delete
  16. Hi po pwede po b pagsabayin ang enervon c at revicont forte sa isang araw?interval po every 12hrs... Po pag inum ng bwat isa.

    ReplyDelete
  17. pwede pobang inumin ang propan sa gabe bago matulog?

    ReplyDelete
  18. Nakakaantok kapag umaga ang pagtake ng multivitamin pwedepiba after ng lunch o beforemag dinner

    ReplyDelete
  19. Hi,tanong ko lang kung pwedeng inumin sabay ang mx3 at enervon sa isang araw?
    Thanks

    ReplyDelete
  20. Pedeng magtanong ilang beses pede uminom ng multivita po ty.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po. Kung ang tanong nyo po ay kung ilang beses ba dapat uminom ng multivitamins sa isang araw, ang sagot ay isang beses lang. Mas mainam kung iinom ka pagkatapos ng heavy meal sa umaga o hapon. Pero mas prefer ko sa umaga. Again, palagi kong sinasabi na mas mabuting kumunsulta sa isang dalubhasa. Salamat sa pagbisita. :)

      Delete
  21. Hai mam ask ko lng po pwede po bang inumin ang centrum sa gabi?den ask narin po ako madalas po akung mahilo pwede po ba yung centrum sakin nag chnge kasi ako ng multivitamins from enervon to centrum

    ReplyDelete
  22. Ask lang po anong oras po effective inumin ang enervon sana po masagot nyo salamat

    ReplyDelete
  23. Hi ask ko lang po sana if ok lang uminom ng strestabs bago matulog?

    ReplyDelete
  24. Bawal po ba Yun pag sabayin sa isang araw ang enervon at folic acid? Uminom po ako folic acid after launch tapos pag Gabi enervon po iniinom ko ..Yun po ba dahilan ang pagsusuka ko?

    ReplyDelete

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.