Tuesday, April 15

Kalat

Ang hirap naman maglinis ng kalat ko
Doon sa loob ng aking kwarto
Iniisa-isa ko ang mga di na kailangan
Nang magamit ko ang iba pang espasyo

Tinitingnan mabuti bago itapon
Ang bawat papel na hinahawakan ko
O kaya'y inihiwalay ko
Baka pwede pang maibenta

Matagal na kong naniniwala
Sa kasabihang nabasa sa libro
Na may pera nga sa basura
Basta't wag ka lang mamilosopo

Matuto tayong maglinis ng kwarto
Kung ayaw mong matambakan ng basura
Baka iyan pa ang maging dahilan
Ng biglang pagyaman mo...

2 comments:

  1. tama!!
    pwedeng extra job
    basurero..
    hehh jowk

    ReplyDelete
  2. Kalat,
    Tula na iyong sinulat.
    Nanghahamak bagkus nanghihikayat,
    Sa tama at kung ano'ng nararapat.

    d^^b

    ReplyDelete

Hello!

Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!

6 Money Habits that Will Not Make You Rich

The six poor money habits to avoid are: • Neglecting savings : Failing to set aside a portion of income (ideally 10%) consistently before pa...