Iba talaga pag palaging nahuhuli, walang natitira. Ang bagal ko kasi yan tuloy naunahan. Iba talaga nagagawa ng madiskarteng tao - nagagawa ang mga bagay na gusto ng walang pumipigil sa kanilang sarili. Sayang at hindi ako nakapagpakuha ng litrato sa isang babaeng hinahangaan ko ngunit isang beses ko palang nakita. Hindi ko alam kung nadala lang ako ng palabas nila kaya ako nagkakaganito. Panibagong inspirasyon na naman na haharapin at gugulo sa isip ko. Pero wala akong magagawa kung ganito ako dahil pinaninindigan ko kung sino at ano ako. Wala akong dapat gayahing ibang tao dahil sila ay sila at ako ay ako. Magmumukmok na lamang ba ako dito ng makita ang litrato ng aking kaklase kasama s'ya at binigyan pa nya ng remembrance na talagang hindi malilimutan.. May kung anong init na naramdaman sa loob na hindi ko mawari kung pagseselos ba na may kasamang inggit at galit o kung normal lang ba. Pinangunahan kasi ako ng hiya at kaba... natatakot mahusgahan ng mapanuring mga mata ng taong nakapaligid sakin. Siguro itatago ko na lang itong mga litrato na pinadala sakin ng isa kong kaklase para maalala ko s'ya dahil sa palagay ko yun na rin ang huling makikita ko s'ya. Buhay nga naman may makita lang na kaiga-igaya sa mata agad na nahuhulog ang loob dun sa bagay na iyun. May buhay pang naghihintay kaya mabuti pa sigurong kumilos na ko at bumalik sa dati kong mundo..
Maraming salamat Kaye ng 'Batang Rizal'.
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
yah! bad trip ung masyadong napapag iwanan,,,
ReplyDeletemadalas ako ganun din,,
pro minsan ung mga bagay na gusto natin makuha kahit d dumarating,,,
mey lalapit satin na higit pa sa inaasan natin lahat,,,
eto-just remember,,, libre mangarap pero masamang mag ilusyon,,,
salamat sa pagtambay sa bLog ko,,,
buti naman nawawari mo ung pangalan kong "juan",,,
lahat ng tao sa pilipinas ay si juan,,, hehehe