Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Monday, November 4

Mali Ako Sa Deklarasyon Kung Kailan Nga Ba Dapat Uminom Ng Vitamins

Napag-alaman kong mali pala ang deklarasyon ko kung kailan nga ba dapat uminom ng vitamins sa post kong ito. Nagpapasalamat ako sa isang mambabasa at nag-effort na mag-iwan ng kanyang komento doon.

Na ang tamang oras pala ng pag-inom ng kahit anong uri ng vitamins ay pagkatapos kumain ng heavy meal (lunch) at hindi isyu kung umaga ba o gabi.

Ang post na iyon ay naisulat ko pa noong kasalukuyang ojt days ko (2009) at napansin kong maraming tao ang naging interesadong basahin iyon.

Ang pag-inom ng vitamins ay nagbibigay ng ganang kumain at punan ang ating katawan ng nutrients/minerals na kinakailangan nito sa pang araw-araw. Tumutulong din itong bigyan sigla ang ating katawan at dagdag enerhiya upang matugunan ng tama at wasto ang anumang uri ng gawain. Kaya ang pagsasabing ang pag-inom ng vitamins ay sa gabi ay isang malaking mali at kalokohan. Pwede pang sabihing sa umaga sapagkat eto ang simula ng araw.

Humihingi ako ng pasensya sa pagbibigay ng maling impormasyon sa inyo at sana sa munting post na ito ay napunan ko ang pagkukulang ko.

Kaya sa'yo mr. o ms. commentator (anonymous kasi at di nagbigay ng kahit anong pangalan), maraming salamat sa pagpuna ng maling impormasyon na inihain ko.

Tara inom tayo ng vitamins: Vitamins C man o multivitamins.

Kung di mo naitatanong ang vitamins ko eh Essentials from Usana. :)

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

32 comments:

  1. Hindi pala wasto kung mag take ako ng vitamins tapos mag exercise ng 20 or 30 minutes bago kumain.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes sir. Dapat talaga ang vitamins iniinom tuwing pagkatapos kumain. Much better kung after breakfast. :)

      Delete
  2. Vits ko dn yan dati,maganda yan mahal nga lng ehe.,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes sir/ma'am. Medyo mahal nga lang kaya ngayon di na sya ang vitamins ko. Paminsan-minsan eh bumibili na lang ako ng b-complex or b-vitamins na generic. Mura pa hehe.

      Delete
  3. shet. First day ko mag take today dahil first day ko sa work. eeenng. mali ako. bukas nalang ng hapon ako iinom :)

    salamat sa post mong ito :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. No problem. Kahit naman ako mali ng pagtake ng vitamins before. Just keep visiting my blog.

      Delete
  4. Umiinom aq ng vit C sa umaga.taz ferrous sa tanghali at Propan at ferrous pa din sa gabe.
    Anlakas q kumain.ngpapataba...tama ba ung ginagawa q?mga 2weeks q p lng iniinom

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Rapshody,

      Actually, I have no right to be consulted when it comes to taking up vitamins. I just share my experiences above but that was last year.

      Right now, tumaba na ko. Dati kasi ang payat ko din. Ang ginawa/ginagawa ko lang para tumaba at ma-maintain ung current body ko is, basta kumain ka lang ng maraming kanin. Ako kasi nakakadalawang cup ako ng kanin tuwing tanghalian lalo na nagtatrabaho ako. At don't forget to exercises every morning. Yung mga supplement eh dagdag lang un para mapagana tayong kumain. Right now ang supplement ko is vitamins from USANA (I don't know if you already heard it basta any kind of vitamins you preferred naman). Ang mahalaga before you take any kinds of supplement, you must consult with physician first.

      Thank you sa pagbabasa ng blog ko. ^_^

      Delete
    2. Ahmm pwede bang b4 bedtime itake ang Myra E?

      Delete
  5. Sir, kakabasa ko lang po ng blog nyo na ganto, gusto ko lang dn po tumaba. Tanong ko lang po bago po ba mag breakfast uminom ng vits. Or pagkatapos na po kumaen ? Delikado po ba pag gabi po ako uminom ? Salamat po sa inyo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Sir. Kung nabasa nyo na po ang blog post kong ito at ilan sa mga sagot ko sa komento ng ibang readers ay mas maganda kung pagkatapos kumain uminom ng vitamins (breakfast man o lunch).

      Kagaya nga ng palagi kong sinasabi ay mas mainam magpa-konsulta muna sa isang physician baka kasi take tayo ng take ng vitamins eh allergic pala tayo at may side effect.

      Kung ako ang tatanungin depende kasi sa vitamins kung day time or night time ka iinom. Yung essentials kasi ng Usana pwede sya both. Pero yung mga multivitamins since bibigyan ka nito ng dagdag lakas at enerhiya mas mabuti kung araw mo iinom.

      Ayun lang. Sana nakatulong sa iyo ang suggestion at opinyon ko. Salamat sa pagbabasa kaibigan.

      Delete
  6. Pano po ang pag inom ng vits ? First time ko lang po kasi sa ganito. Pano inumin sa umaga bago po ba kumaen or pagkatapos ng kumaen ng almusal? Di po ba pwede pag gabi po iinom bago matulog?Salamat po sa inyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same answer sa itaas ang sagot ko sa katanungan mong ito, sir.

      Delete
  7. Kung vitamin E po ang itatake ko anong oras sya magandang inumin? May nakapagsabi po kasi sakin sa umaga daw po before magbreakfast? Hindi po ba masama yun kasi wala pang laman ang sikmura? Pero sabi kasi nila mas effective daw po yun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang pag-inom ng kahit anong vitamins ay mas maganda kung pagkatapos kumain at hindi bago kung saan wala pang laman na kahit ano ang ating tiyan. Kagaya ng sinasabi ko mas okay syang inumin ng araw kesa matutulog na kasi mas kailangan ng ating katawan ng extrang energy na magagamit natin sa araw-araw.

      Kung di ako nagkakamali ang isang naidudulot ng pag inom ng vitamin e eh para sa skin natin.

      Muli inuulit ko na mas mabuti pa ring kumunsulta sa isang eksperto dahil sila ang mas may kaalaman at makakapagbigay payo sa inyong suliranin. Maraming salamat sa pagbabasa at pagbisita sa aking munting blog. :)

      Delete
  8. Salamat sa blog n2. Tanong q lang o kc 1st time q magtatake ng centrum ano po ung best time nya para inomon?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sinasabi ng centrum na complete vitamins sila from a - zinc, meaning mas dapat mo syang inumin ng araw or mas maganda pagkatapos ng breakfast mo sa umaga. Dagdag lakas at enerhiya sya lalo na sa panahon ngayon na puro polusyon na ang paligid.

      Anyway, inuulit ko ulit na mas maganda kung kukunsulta ka sa isang eksperto dahil sila ang mas nakakaalam sa kahit anumang katanungan ang mayron ka.

      Ang sakin lang ay nagbibigay lang ako ng advice base sa experience ko. Iba-iba tayo kaya mas nararapat na lumapit tayo sa isang eksperto.

      Maraming salamat sa pagbisita sa aking mumunting blog. :)

      Delete
    2. anu po pinakamgndang vitamins pra s stress at kulang sa tulog.salmt sa ssgot ng tnung ko ..

      Delete
    3. By the name itself na stress, marahil pwede mong subukan ang stress tabs. Though di ko pa nasusubukan, mas mainam na kumunsulta sa isang eksperto. Maraming salamat sa pagbisita, pagbasa at pag-iwan ng iyong komento. :)

      Delete
  9. Hi po.pwede po bang pagsabaying inumin ang vitamins.? Cherifer tsaka nutroplex.?

    ReplyDelete
  10. malaking tulong itong blov mo sir, kasi nagtetake ako ng centrum pero sa gabi, ngayon alam ko na mas maganda pala pagkatpos mo mag breakfast para may extra energy lalo na ngayon eh nagtra-trabaho ako, salamat po sayo ng marami sir, ipag patuloy mo lang po itong blog at ishare sa mga tao ang ibang alam mo sir, salamat po

    ReplyDelete
  11. sir anong USANA supplement yong tini take mo ? salamat...

    ReplyDelete
  12. Sir. Ano po ang magandang vitamins para sa may singaw.. .Tnx

    ReplyDelete
  13. Hi po. Tanong ko lang po kung kailan po mainam na i-take ang Propan with iron capsule? Nakakaantok daw po kasi yun eh, so okay lang po ba na after dinner? Hoping for your prompt response. Thank you po :)

    ReplyDelete
  14. sir ask ko lang po...kasi umiinom po ko ng myra e mga isang oras pagkatapos kumain, mabagal kasi yung metabolism ko kaya hindi ko alam kung sa tuwing umiinom ako baka kapag nagdudumi ako sumasama yung myra e, iniisip ko baka nasasayang

    ReplyDelete
  15. Hi sir ano po maganda na vitamins n hindi makaapikto sa ulcer ung pampataba? Tnx

    ReplyDelete
  16. hello sir, good day po. ask ko lang kung walang problema uminom ng vitamins kung may ubo o sipon? salamat

    ReplyDelete
  17. ilang tablet po ba iinumin ang vitamins?

    ReplyDelete
  18. Nag take napo ako ng vitamins pero diman efective

    ReplyDelete
  19. Pa helpnaman napainum ko kc baby ko ng tiki tiki star syrup eh dapat tiki tiki plus drops palng xa mga 2 weeka cguro worry ako bka my masamang epekto husband ko kc nagbili so dko naman tinignan huli kuna nakita

    ReplyDelete
  20. Effective rin po ba ang propan with iron na vitamins?

    ReplyDelete
  21. Gud evening okay lang kaya kung after ko kumain ng dinner uminom ako ng b complex Hindi.ba masama yun nireseta ng doctor sakin yun pero di ko alam kung kelan ko ba dapat sya inuman

    ReplyDelete

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!