- Give each dollar a purpose
- Cut back on extras
- Shed high-interest debt
- Find joy in spending
- Avoid extremes
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Bukod sa job, work o trabaho ay naghahanap pa ko ng extrang pagkakakitaan.
Hindi natin masasabi na stable ang ating trabaho sapagkat worldwide o globally na ang tanggalan o pagle-lay off ng mga employees. Magugulat at iiyak ka na lang kung sakaling isa ka sa kanila at hindi mo iyun napaghandaan.
Kaya kasalukuyan kong ginagawa ay nagtatabi at binubuo ko na ang Emergency Fund na katumbas ng 3 months ng expenses namin. Sa praktikal nga eh dapat atleast 6 months pero pasasaan ba at darating din tayo dun.
Sa ngayon, bukod sa natatanging work ko lang ang source of income ko, ay sinimulan ko ng mag-invest kahit noon pa sa Philippine Stock Market. Dati nag-iinvest lang ako sa mga kumpanyang gusto ko at alam kong di basta magsasara o malulugi pero ngayon nag-iba ako ng stratehiya.
Nag-iinvest na ko sa REITS para every 3 months or quarterly ay may makukuha akong cash dividends. Ayan ang isang paraan para kumita pa ko ng additional bukod sa aking trabaho.
Ang isa pa na bahagyang maliit at di talaga masasabing extra eh yung paglalaro ng games via ShopBack. Di lingid sa ating kaalaman na sa ShopBack ay pwede kang kumita ng cashback at pag nakaabot ka ng 200 pesos na threshold ay pwede mo itong i-transfer at i-withdraw sa iyong e-wallet or bank account. Ginagamit ko lang dati ang ShopBack sa tuwing may bibilin ako sa Shopee or Lazada pero ngayon sa simpleng pag-iinstall ng partner games nila sa smartphone mo eh kikita ka na ng pera.
Ang isa pang paraan para makabawas-bawas sa babayaran sa mga bibilhin mo sa Shopee ay ang pag-accumulate ng Shopee coins. Marami kang pwedeng gawin sa Shopee na tasks araw-araw like mag-check in, mag-browse ng stores/products, mag-claw ng random prizes at s'yempre manood ng libre at free short dramas. Sa ganitong paraan ay makakaipon ka ng coins na kung saan ay pwedeng magamit yun pang-less sa total na babayaran mo sa tuwing bibili ka sa Shopee platform.
Ano pa nga ba ang iba pang paraan? Nag-iisip ako na mag-invest sa global funds kung saan buwan-buwan ay bumibili ako ng worth 1,000 pesos na units. Nagiging posible ito sa pamamagitan ng pagclick ng Funds sa Maya, then proceed sa Seedbox Funds. At ang una kong nabili at nasimulan lang nitong September 1 ay ATRAM Global Equity Opportunity Feeder Fund. Kabibili ko lang uli nitong October 1 ng worth 1,000 pesos na units at kasalukuyang di pa nag-rereflect sa aking portfolio sapagkat may waiting period s'ya ng atleast 4 business days.
Kung umabot ka hanggang dito, tatanungin kita kung mayroon ka pa bang ibang alam kung paano kumita ng pera sa legal at safe na paraan?
Bago ko pala makalimutan, ang high-yield savings account or digital banks, ay isang mabisang paraan para madagdagan ang iyong ipon. Kung narinig mo na ang MariBank, Maya Savings, CIMB, GoTyme at iba pa, iyon ang aking tinutukoy.
Namiss kong kumain ng mais sapagkat madalas namin makita ng wife ko ang mais sa tuwing naggo-grocery kami.
Gusto ko sanang kumuha at bumili kaya lang sa tuwing maiisip ko ang proseso ng pagluluto ay napapaurong ako.
Naka induction stove kasi kami. Since need magpakulo ng tubig para lang makapagluto ng mais ay naiisip ko na magastos at malakas kumunsumo iyon ng kuryente kaya ang ending eh wag na lang.
Then recently lang eh bumili kami at sabi ko sa sarili ko, okay lang once lang naman namin yun gagawin. One time, binanggit sa akin ng asawa ko na pwede raw i-steam ang corn at isabay sa sinaing namin. Di ako naniniwala na posible yun kasi never pa ko nakakita ng ganun dati. Naalala ko pag nagluluto kami dati (nung mga panahong single pa ko) ng mais ay pinapakuluan namin ito hanggang sa maluto. At kung minsan, may mga nakikita akong naglalako ng lutong mais sa kalsada kung saan (base sa obserbasyon ko) ay waring naka-submerged ang mga mais sa loob ng isang malaking stainless na lutuan habang iniluluto.
Subalit iba naman ang obserbasyon ng aking asawa. Sa pagkakaalam nya ay parang ini-steam daw ang mga iyun. Hanggang sa sinubukan nga nyang isabay habang nagsasaing sa rice cooker namin at i-steam (may kasama palang extra utensil ang rice cooker namin na pinapatong lang sa ibabaw; ilagay ang ilang piraso ng mais sa loob pagkatapos ay takpan).
At laking gulat ko na pwede pala! Naluto ang mga mais at halos walang pinagkaiba sa inuluto sa mainit at kumukulong tubig.
Bagong kaalaman at natutunan mula sa aking asawa. Bukod sa pwede na kami makakain ng mais ng walang kahirap-hirap, ay laking tipid din sa pagkunsumo ng kuryente sapagkat isinasabay lang namin sa pagsasaing ng kanin.
Kayo mga kaibigan, matagal nyo na rin bang alam to o ngayon lang after mabasa ang blog post ko na ito?
Gusto mo bang maka-discount sa McDo?
Kung may Pag-Ibig Loyalty Card or Loyalty Card Plus ka, sureball na ang total amount ng food bill mo ay discounted ng 5%.
Given na dapat ang food bill mo ay minimum 200 pesos at hanggang 500 pesos lang (per transaction) maa-apply ang 5% off. Applicable rin ito mapa dine-in or take-out ang order mo.
Ang promo na ito ay hanggang November 5, 2026 na lang.
Ipakita mo lang ang iyong card at voila! Ibabawas na na nila yung 5% discount sa babayaran mo.
Kaya ano pang hinihintay mo? Kumuha na ng Pag-Ibig Loyalty Card or Loyalty Card Plus at sumugod na sa pinakamalapit na McDonalds sa inyo.
Hindi lang pala sa McDo may discounts ang paggamit at pagkakaroon ng Pag-Ibig Loyalty Card / Plus. Natry na rin namin ito sa Figaro Coffee dati (not sure kung kasama pa rin sila sa participating stores).
I-check ang kanilang website (Pag-Ibig Official Website) upang malaman san-sang stores pa pwedeng magamit ang nabanggit na card (including branches).
Enjoy!
May bago akong natuklasan na kung saan ay kikita ka ng extrang pera sa panonood lang ng short dramas.
Sa mismong ShopBack app ay mayroon dun na Drama tab na pwede kang manood ng already Chinese-subbed na K-Dramas, Asian Dramas at kung anu-ano pa na short and summarized na (with English or Filipino subtitle).
![]() |
| ShopBack Screenshot 1 |
![]() |
| ShopBack Screenshot 2 |
![]() |
| ShopBack Screenshot 3 |
Sa kada 5 minutes ay kikita ka ng 0.10 pesos at may maximum daily watch ka lang na 2 hours na may katumbas na 2.40 pesos kada araw.
Kung kukumpyutin natin, may 72 pesos ka sa loob lang ng isang buwan (2.40 x 30 days = 72 pesos). Pagkatapos, 72 pesos x 12 months = 864 pesos naman per year. Di na masama kung 2 hours a day ka lang manonood sa libreng oras mo, then may extra income ka na.
Kailangan ay aktibo ka at nakabantay sapagkat every now and then ay may ads na kailangang i-close o i-exit nang sa ganun ay tuloy-tuloy ang pagtrack ni ShopBack ng watching hours.
Extra income na rin ito para sa mga may ShopBack account na at sa iba na naghahanap ng dagdag kita.
Kung wala ka pang ShopBack account, heto at i-click ang referral link ko. Bukod sa may cashback ka pa sa kada bili mo sa Shopee o Lazada, ay marami ring stores na pwede mong pagpilian.
Tara at gamitin ang ShopBack either sa pagsshopping man yan o panonood ng short dramas.
Give each dollar a purpose Bigyan mo ng pangalan o gamit ang lahat ng perang pumapasok sa iyo. Kasi kung unnamed sila, malaki ang chance na ...