Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Monday, July 14

Buhay Programmer/I.T.

Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng buhay I.T.
Dumaan ang 1st yr. at 2nd yr. pero parang ordinaryo lang
At ngayong sandali ko lang talaga naramdaman
Kung ano ba ang kursong kinuha ko

Ngayon pa lang kinakabahan na ako
Kung ano ba ang naghihintay na kapalaran ko
Sunod sunod ba naman ang major subjects
At sinamahan pa ng katakot takot na projects

I.T. I.T. binabalewala ko lang dati
Ngunit ngayon bakit tila bigla akong nagising
Nagising mula sa pagkakahimbing ng tulog ko
At namulat na sa tunay na mundo

Easy easy ka lang pare
Yan ang binabanggit ng isa sa mga kaibigan
At ngayon pinakilala na N'ya sa kin
Kung ano ba ang katotohanan

Pag sinabing I.T. ang course mo
Walang tulog tulog pagkat matrabaho
Totoo nga ang mga nabanggit
Ng aming mga seniors at professors

Ngayon magsisipag na ko
Seseryosohin ang field ko
Inaamin ko ako'y kabado
Pero dapat maging kalmado..

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!