Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Saturday, December 13

Paboritong Linya...

Dalawa sa mga paborito kong linya na madalas ng ibinabato ng mga artista sa soap opera at pelikula ay ang:

"Ano to?! Anong gagawin ko dito!???"
"Para san pa?! Para ano pa?!"

Yan ang dalawang linyang nagpapabalik-balik sa aking isip. Yung una ay sinabi ni John Lloyd Cruz sa pelikulang A Very Special Love kung saan katambal nya si Sarah Geronimo. Napakagaling ng pagkakabitiw nya ng linyang iyon na tyak na tatamaan ka sa kaloob-looban ng iyong buto. At ang huli ay linya ni Hero Angeles sa pelikulang Can This Be Loved kung saan katambal naman niya si Sandara Park.

Maganda ang mga linyang nabanggit sa itaas at pakiramdam ko malaki ang epekto nito sa akin. Paliwanag ko isa-isa.

Ano to?! Anong gagawin ko dito?!


Tungkol sa isang lugar na hindi ka nasisiyahan o nakukuntento... Binabalewala ang halaga ng isang bagay kahit hindi pa nasusubukan o natitignan ang tunay na ganda nito. Pinupuna kaagad base sa panlabas na kaanyuan at hindi binibigyan ng pagkakataong magpakita ng buhay sa saradong malay.

Pangalawa ay ang pinakapaborito ko sa lahat,

Para san pa? Para ano pa?!

Halimbawa ay may nagpayong sabihin mo na sa kanya o ipagtapat ang tunay na nararamdaman. Pero magandang isagot sa kanya ang linyang ito (Para san pa? Para ano pa?!) kung alam mo namang wala kang pag-asa, na pag-aari na sya ng iba, na masaya na sya sa buhay nya. Guguluhin ko lang isip nya pag umeksena pa ko.

Ngayon ang tanong ko ano to?! anong gagawin ko dito?! -> mukang di na matapos-tapos ang pagbalik ko dito, umalis sa totoo kong mundo at magsulat ng ganito;
at para san pa? para ano pa?! -> kung alam ko naman sa una palang kung san ako sasaya...

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!