Mabilis magbago ang isip ng tao. Mapa segundo o minuto man ay may mga bagong kaisipan na dumadating sa atin. Nawawala kaagad ang dating paniniwala. Kumbaga napapatungan ng karanasan ang dati at luma na. Mapa-interes man, paniniwala, at sa lahat ng bagay ay may puwang ang pagbabago sa isang tao. Walang hanggang 'satisfaction' o 'contentment' ang bawat isa sa atin. Kagaya na lang nitong kowts na ito ng cellphone.
"kala ko,
pag mahal mo sya
at mahal ka rin nya,
ok na..
di pa pala..
masakit pero..
pwedeng..
ngayon mahal ka nya,
pero bukas,
hindi na..
ganyan kabilis magbago ang isip ng tao.."
Walang kasiguraduhan sa mundong ito dahil lahat nagbabago.. nag-iiba.. Subalit lagi nating tatandaan na lahat ay may hangganan kaya kahit ano pa ang panibagong bagay na pumaloob sayo darating ang araw na babalik-balikan mo ang nagdaan. Nanghihinayang at nagbabakasakali na kung nanatili kaya sa dating buhay ano kaya ang kahihinatnan? Alaala na lang ng matatamis at masasakit na kahapon ang patuloy na sumasagi sa isip na kahit kelan ay hindi na pwedeng maibalik pa. Hindi pwedeng hindi tayo magkamali sa ating mga desisyon at mga napiling daan pagkat kung magkagayon hindi tayo matututo at hindi natin maiisip na mali o tama ang ating pinaggagawa. Ika nga "Experience is the best teacher". Ako makalimutan man kita o sa di sinasadyang nagbago ang pakikitungo ko sayo, lagi mong pakakatandaan na naging parte ka ng buhay ko na kahit kelan ay hindi makukuha o mananakaw sakin. Nagpapasalamat ako dahil kung ano ako ngayon ay dahil sa mga taong nakasalubong, nakasabay ko sa aking paglalakbay. Hindi pa tapos ang misyon ko sa mundo dahil madami pa kong dapat matutunan at malaman at malamang baka makalimutan din kita... (present acquaintances)
Free WEB Hosting!
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!