Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Saturday, December 6

Mahal Mo o Ang Taong Gusto ng Puso Mo?

"Bakit ang puso minsan naliligaw kahit may mahal na?
Bakit nagkakagusto pa sa iba?
Ganun ka ba?
Just in case, sino ang pipiliin mo?
mahal mo... or.. ang taong gusto ng puso mo?"

Ganun talaga ang tao. Hindi nakukuntento. Hindi lang sa ganitong bagay kundi sa lahat ng pagkakataon. Sa tanong na kung sino ang pipiliin ko: ang mahal ko o ang taong tinitibok ng puso ko... Parang ang gulo ata ng tanong.. Parang magkadugtong sila.. Pag mahal mo dahil gusto ng puso mo. Pero meron din namang tao na nagsasabing mahal nya ang isang tao (para may masabi lang) ngunit hindi naman tapat at seryoso. Marahil dito naman nagkakaiba at nagkakaroon ng tsansa ang tanong na ito. Kaya hindi ko rin masasabi ng ganap na magkaugnay ang dalawang ito.

Ngunit sagutin na natin at wag ng magpaligoy-ligoy pa.. Simple lang ang sagot ko! Syempre dun ako sa taong gusto ng puso ko dahil alam kong hindi ito nagsisinungaling bagkus ay nagsasabi ng totoo.

Ikaw anong sa tingin mo? Comment na!

Happy blogging! ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

3 comments:

  1. For me, either sounded the same. Parehas pwedeng para may masabi lang. "Mahal kita" o kaya "Gusto ka ng puso ko e." talagang parehas lang. depende sa tao kung gano siya kasinungaling o kasincere sa mga bagay na sinasabi nya. Masasabi mo bang mahal mo ang hindi mo gusto? O gusto mo ang hindi mo mahal? e di parang sapilitan yun diba? hehe. Anyway, nice post!

    ReplyDelete
  2. For me, either sounds same. "Mahal kita" o kaya "Gusto ka ng puso ko." Parehas kasing pwedeng para may masabi lang. It depends on the person kung gagamitin lang niyang excuse yon para masabi nga namang may nararamdaman siya para sayo o kung magiging sincere siya.

    Masasabi mo bang mahal mo pero hindi gusto ng puso mo? o kaya naman, gusto mo pero hindi mo mahal? lumalabas na sapilitan. Hahaha

    Pero agree ako, mas gusto ko nang sabihing "Gusto ng puso ko." It's the passion.

    Nice post. :)

    ReplyDelete
  3. For me, either sounds same. "Mahal kita" or "Gusto ka ng puso ko."

    It all depends on the person who will use it whether sasabihin niya ito to his/her loved one para lang may masabi na may feelings siya sa kanya, or sasabihin niya ito with pure sincerity.

    Kasi hindi mo naman pwedeng sabihing mahal mo pero hindi gusto ng puso mo or gusto ng puso mo pero hindi mo mahal. Oxymoron, irony, o baka synonym lang sila sa tagalog ng passion o kaya love.

    Anyway, kung papipiliin ako, 'gusto ka ng puso ko' is better. It has a deeper sense. Gasgas na kasi yung salitang 'mahal kita' tsaka yung salitang mahal, ang pagkakaintindi ko jan e expensive… hehe

    Nice and Lovin' it.

    ReplyDelete

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.