Pambungad sa mga reader (meron kaya... haha!)
"Saleslady, ano kaya kung sa mall na lang kayo magbihis ng damit pantrabaho..."
Nais ko lang sanang isapubliko ang topic na ito. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero malamang marami rin wala lang pakialam.. agaw atensyon kasi sila at mukang normal na sa kanila ang manamit ng ganun.
DAHILAN NG PAGSULAT NG ENTRY NA ITO:
Naaawa ako sa kanila lalong-lalo na sa pagsakay sa pampublikong sasakyan. Hindi mo malaman kung anong ayos ng upo ang gagawin nila dahil nag-aalangang baka masilipan sila. Kung dalhin
na lang kaya nila yung damit pantrabaho at umalis ng bahay kung saang damit sila komportable, hindi ba mas maganda. Kaso ang pinagtataka ko bakit walang gumagawa at nakakaisip nun (siguro may iilan pero nasan?). Siguro mas maiintindihan ko kung may sasagot sa akin na saleslady o kung sino man ang may mga kakilala at kaibigan, please pakipunan naman ang paghahanap ko ng kasagutan. Isa pa pala hindi maiiwasan ninuman ang hindi mapatingin sa nakakasilaw nilang hita (o legs sa ingles) kaya hindi ninyo masisisi ang mga kalalakihan (damay na ko kahit iniiwasan ko ang tumingin). Kaya payo lang mga kapatid naming saleslady, pakinggan ang suhestyon ko.. para sa inyo rin ito...
Malamang maraming dahilan na hindi ko nalalaman. Maaaring yun talaga ang itinakda ng namamahala o boss nila bago pumasok ng mall o kaya ay tinatamad lang sila (saleslady) na magbitbit ng dalahin. Alangan namang may bitbit-bitbit silang plastic o bag tuwing papasok ng trabaho. Kung sa bagay naiintindihan ko sila babae sila. Ayaw nila ng may maraming dala.. Pero kapakanan naman nila ang iniisip ko at ang dangal nila bilang babae. Masama ba kung mapansin ko ang sakit ng lipunan?? I'm sure may sasabat dyan na bakit hindi sarili mo muna ang pansinin mo bago ang sa iba!!?? Ouch it hurts! Sige na nga sarili ko muna pero ginagawa ko naman.. sana kayo din...
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!