Nang mapakinggan ko ang usapan sa pagitan ng ate at papa ko ay nagliwanag bigla ang isip ko. Bumukas sa ipinupunto nya sa akin dati pa at iniwang nakatiwangwang ang dating paniniwalang inakala kong tama. Wag mong iisipin ang sasabihin ng iba sa lahat na gagawin mo dahil hindi ka magiging masaya. At isa pa opinyon lang nila yun sa yo at none of their business. Kagaya nga ng palaging sinasabi ko na maikli lang ang buhay ay tila pinapayagan ko pang maging malungkot ito dahil sa paniniwalang lumamon na sakin noon. Wag kang magpapadikta at magpapakontrol sa iba dahil kung magkagayun ay maihahalintulad ka sa isang robot kung saan walang sariling pag-iisip. Sabi pa ng papa ko nasa demokratiko kang bansa kaya may karapatan kang sabihin ang nasasaloob mo. Pero in a nice way and right choice of words. Kung papairalin mo ang emosyon mo at puro emosyon na lang ay maaaring mauwi sa malawakang di pagkakaunawaan. Kung puro isip lang ganun din. Kaya mahalagang ibalanse ang lahat ng bagay para maging masaya sa pananatili sa mundo. Sa ngayon nahaharap ako sa isang malaking hamon... Whether sasabihin ko ba ang personal feelings ko or mananatili pa rin akong takot at bahag ang buntot..
Free WEB Hosting!
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!