Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Thursday, December 11

Natapos Na Rin!

Grabe! Ang saya ko sa araw ko. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa eskwela ay kakaunti pa lang ang may alam. Tanging mga kaibigan at kabarkada ko lang ang malakas ang memorya, hehe. Lumipas ang maghapon ay nanatiling sikreto ang pilit na tinatago at nanguntsaba pa ng iba na wag ipagsabi at manahimik na lang. Hanggang sa umabot sa klase namin sa ecology ay nagulat na lang ako nung ako na ang magsasalita sa harapan. Biniro ko lang si Abbey na "More pa raw oh" dahil sa request nila na isa pa ay may isang naglakas loob na umawit ng "Happy Birthday to you... Happy Birthday to you...". Syempre nahawa na rin ang iba at sunod sunod na ang pagkanta ng happy birthday. Nagtangka pa nga kong umiwas dahil hindi ko inaasahan ang ganong pangyayari. Haha! Yun ang di ko malilimutan dahil kahit papaano pala ay importante rin ako sa mga kaklase ko. Kahit isa lang akong normal na nilalang sa mundo. Pero hindi ko na ipagpipilitan pa dahil napag-isip isip ko na ang sinabi ng isang taong mahalaga sa akin. Wag nating ibaba ang sarili dahil tayo ang gumagawa ng kahihinatnan ng buhay although nakalatag ng lahat sa harapan natin ang mga pwedeng maging resulta. Ikaw na lang ang bahalang pumili base sa'yong kilos, gawa at pag-iisip. Maraming salamat sa inyo mga kaklase ko lalo na sa mga kaibigan ko at syempre dun sa dalawang naging sanhi ng kasiyahan ko. Yun ay walang iba kundi sina mondz at navz. Happy blogging! ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

2 comments:

  1. wuzhu! (mackaroo, hehe)

    nice naman da comment, haha. special mention ang hwala.. wee! xD

    you deserve a surprise as that jet.. neksyir ulet! :D

    ingat partner! ^^,

    ReplyDelete
  2. Nakanang! padeny-deny ka pa nung umaga... akalain mu? hehe. Ang drama mo naman.. normal na nilalang. I hated it. may kanya-kanya tayong karakter na kaiba sa lahat kaya don't treat yourself as just an ordinary lad. Abnormal ka rin tol!

    ReplyDelete

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.