Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Sunday, January 22

First Time - Hugot Poem

First time kong kumanta sa isang babae sa telepono
First time kong panabikan ang uwian para makasama sya
First time kong kiligin tuwing kachat sya habang nasa opisina
Subalit ang mga first time kong yun ay panandalian lang pala

Di ko alam kung mararamdaman ko pa ulit ang mga ito
Sapagkat nasaktan ng husto nung piniling iwasan ako
Kaya kahit masakit sakin ay ginawa ko
Ang isang bagay na labag sa gusto ng puso ko

Thursday, January 12

Hindi Pa Pala

Kumusta na ba ang estado ng puso mo
Akala mo'y sya ang lalaking para sayo
Tinalikuran ka nya't nasisi ka pa
Rason ay baluktot at walang kwenta

Isipin mo nga ang sakripisyong binigay mo
Naging tapat ka at minahal mo ng totoo
Ang tanong anong isinukli sayo
Ang ningas ng pag-ibig ay nauwi sa abo