First Song
Sa ngayon nakagawa na ko ng kauna-unahan kong kanta. May pagka-rock ang dating n'ya. Tungkol iyun sa paglisan ng isang tao sa kanyang mahal dahil hindi n'ya alam o maintindihan ang damdamin n'ya sa taong iyun. Kung may pagkakataon ay irerekord ko ulit yung song na kinompose ko pero meron na kong nairekord kaso hindi pa final dahil sinubukan ko lang kung anong kalalabasan. Ipo-post ko nga rito yung download link para mapakinggan nyo pati na rin yung lyrics nung kanta. Sana magustuhan n'yo, hintayin n'yo na din yung pinal na rekord at pagtyagaan n'yo na lang muna ito. NOTE: Panget boses ko, hehe! ^^ Keep on reading!
Advance Study
Ano bang pinagkakaabalahan ko ngayon? Nalalapit na naman ang pasukan mga isang buwan na lang kaya nagsisimula na kong mag-aral (advance study). At s'yempre tinatapos ko na din yung pina-project samin ng aming adviser sa java at yung nakaatang sakin na RDBMS (Relational Database Management System) which is Oracle. Dahil nga sa tingin ko mahihirapan ako at wala pa kong experience dito ay sinubukan ko muna ang available saking pc, ang MS Access 2003. Ang susunod pala naming Programming ay VB.NET. Isa s'yang programming language katulad ng C, C++, Cobol at Java. Mas nadadalian ako dito dahil available na ang interface drag mo na lang code na lang ang poproblemahin mo. Maraming bagay pa kong hindi alam at gustong-gusto ko yun matutunan hangga't maaga. Sige tigil muna ko sa pagtatayp at kaya ko naisipan to ay hinihintay kong lumamig yung modem nakalimutan kasing i-off ng kuya ko. Hanggang dito na lang muna mga readers (haha! kung meron. ^__^ I hope so). Enjoy life as if it is the last day given to you by God.
Meron pa, sige basa lang!
Taglish Site
Ano ba 'tong blog ko? Taglish na taglish, tayong mga Pilipino lang ata ang magkakaintindihan eh haha! Pano naman kaya ang mga hindi nakakaintindi gaya ng mga aliens hehe. I mean mga kano o yung nasa labas ng ating bansa (pwera na lang yung mga OFWs). Hirap kasing mag-english. Kung dito nga lang sa blog ko itutuloy ang sasabihin ko in english kayang-kaya bakit hindi! Haha! pero pag sa personal na naku baka maubusan ako hehe. Hindi naman kasi ako amerikano para mag-english maghapon tsaka isa pa ito na ang kinamulatan ko (tagalog) simula nung sanggol pa ko. Pano ba ko kikita kung ganito ang blog ko... Hindi naman pera ang habol ko dito ang sakin lang libangan lang naman at para na rin may ma-share sa ibang mahilig magbasa ng may buhay ng may buhay, hehe. Peace! Thanks for giving your time! ^^,
Free WEB Hosting!
I made this blog to post everything I'm interested in like poetry, software reviews, my beliefs/opinions and topics that catch my attention. Usually, everything that you can find here is related to me but I'll try to make it diverse as much as possible. I try to use English as the main language of this blog but it is unavoidable for me to use Tagalog as I'm most comfortable with it. Start browsing and enjoy reading. Welcome to my blog!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
No comments:
Post a Comment
Hi and hello!
I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.