Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Sunday, August 20

Isang Daang Tula Para Kay Stella



Napanood ko na yung 100 (Isang Daang) Tula Para Kay Stella.

Sobrang nakarelate ako sa character ni JC Santos na si Fidel sa pelikula dahil sa mga sumusunod:

- lahat ng emosyon ko pagdating sa babae ay idinadaan ko sa tula. Yun ang dahilan kaya nung mapanood ko palang yung trailer, sinabi ko sa sarili ko pagshowing nito papanoorin ko talaga to.

- ikalawa, may speech defect ang bida sa pelikula which is di nalalayo sakin at aminado naman ako.

Maganda ang pelikula at nirerecommend ko ito para sa mga taong mahilig din magsulat at magbasa ng mga tula.

Madalas (at di lang naman siguro ako ang nakaranas), ang taong gusto natin sa buhay ay talagang di sya ang nakalaan para satin. Minsan sa kakahanap natin ng tamang tyempo na ipahayag ang damdamin natin sa taong iyon, madalas nauudlot at di na nangyayari. Maaaring naunahan ka na ng iba o sa ibang tao nya naramdaman yung pagmamahal na hinahanap nya.

Suportahan natin ang mga pelikulang kagaya nito. Yung Kita Kita nga nina Empoy at Alessandra, panalo (pinanood ko rin sa sinehan yun).

At dahil sa movie na ito, napaisip ako. Sino kaya ang magagawan ko ng isang daang tula? :D

Ang swerte naman nun kung magkataon, haha! Pero at the back of my mind, bakit di ko simulan ang pagsusulat ng tula kahit isa, dalawa o kahit lima para sa mga taong mahal ko sa buhay? Napapansin ko kasi halos lahat ng tula ko parang patungkol sa ibang tao na minahal ko noon.

Salamat sa 100 Tula Para Kay Stella. Nagkaroon ako ng ideya na sumulat ng tula para sa kanila naman. ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!