Ang sakit naman makita ang isang pelikula sa isang bangketa lalo na kung pinagbibidahan ng artistang iniidolo mo. Hayun at naikalat na agad. Tatlong araw palang ang nakakalipas mula nung ipalabas sa sinehan meron na agad naglipana. Ang saya ko nung mga sandaling napanood ko ang movie na handog ng Star Cinema at Viva Films, ang "A Very Special Love", na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Ito'y idinerek ni Cathy Garcia Molina na kilalang-kilala sa pelikulang 'light romantic'. Minsan tuloy naisip ko kung walang piratang nagkalat sa pinas malamang sobra-sobra pa ang bilang ng mga nanood sa sinehan at doble-doble pa ang kikitain ng Star at Viva.
Mapunta nga tayo sa mga albums: sa ibang bansa pag sinabing platinum ang naabot ng sales more than 100,000 units ang nabenta samantalang satin 30,000 lang. Bakit kamo? Kasi nga dahil sa talamak na piratang makikitang nakalatag sa bangketa. Gusto ko sanang ireport kay chairman Edu Manzano para kumpiskahin ang mga nakita ko kaso naisip ko hindi rin papaawat ang mga ito kung hindi ang source ang titirahin. Sila kasi ang nagpoprodyus ng mga cds, vcds at dvds na walang binabayarang tax at taliwas sa benepisyo ng mga totoong gumagawa nito. Kawawa naman ang mga artista, film companies at mga staff na nasa likod ng bawat pelikula kung mauuwi lang sa wala ang kanilang pinagpaguran dahil sa panlalamang ng ilan nating kababayan. Oo nga't pangmasa ito at abot-kaya sa mga mahihirap nating kapatid pero kung magpapatuloy ang ganito baka dumating ang araw na wala na tayong pelikulang mapapanood o mang-aawit na gagawa ng album dahil natatakot silang (producer) makipagsapalaran at malugi. Kung titignan natin at paghahambingin magkano na lang ang manood ng sine ngayon ipagpalagay na lang natin na 120 (hindi kasama ang mga magaganda at bigating sinehan) habang ang mga piratang ipinagbibili ay bababa ng setenta pesos (70 php). Ang panget ng kalidad pag pirata at di ka kuntento sa patalon-talon nito di gaya ng pag sa sine, komportable ka pa sa kinauupuan mo at sulit pa ang binayad mo. Di nalalayo ang presyo ng dalawa kung ating titignan kaya ineengganyo ko po ang lahat na mas piliin na lang ang manood sa sinehan.
Inis at lungkot ang nadama ko ng makita ko ang pekeng pelikula sa bangketa subalit wala akong magawa dahil ang iba ring pelikula ay gano'n din ang naging kapalaran. Kaso kung hindi tayo kikilos, magsasalita at magkokomento baka dumating ang kinatatakutan kong bagay (na nabanggit ko na kanina). Okey lang sanang piratahin yung mga gawang foreign wag lang ang local products kasi atleast yun di tayo maaapektuhan. Maaaring tanggapin ko ang katotohanan subalit hindi ko pipiliing manahimik na lang at hintayin ang kahihinatnan nito. Kikilos at magsasalita ako lalo na kung alang-alang sa aming prinsesa Sarah. Malakas daw sa takilya ang movie at umaasa kaming mahigitan pa nito ang ibang pelikula noon, ngayon at sa mga darating pa.
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!