Dati sa tuwing tatanungin ako ng ate ko kung anong mas gusto ko sa dalawa, araw o gabi, lagi kong isinasagot ang gabi sa kadahilanang magandang pagmasdan ang mga bituin sa langit, pati na ang buwan bukod pa sa katahimikang idinudulot nito.. Kabaligtaran naman kung araw na talagang abalang-abala ang mundo sa kani-kanilang buhay.. ni hindi nga natin marinig ang tawag ng ating kalikasan. Pero ang lahat ng ito'y biglang nagbago simula ng may pumanik na tarantado at lintik (dapat nga isang malutong na PI kaso panget naman tingnan) na magnanakaw sa bahay namin nung kaarawan ng kapatid ko... (nito lang Setyembre ng taon). Sa susunod na entry ko na lang ikukwento ang buong detalye dahil di ko pa feel ngayon.
Nais ko lang itatak sa isipan ninyo na change is the only thing that is constant. Tanging pagbabago lang ang hindi nagbabago sa mundong ito bukod pa kay God at sa isa pa nakalimutan ko lang... Ang dating paniniwala mo ay pwede pang maiba maging ang mga pinaninindigan mo sa ngayon habang naglalakbay ka sa mundong ibabaw. That's life ika nga nila so lets move on and make those experiences as lessons to be learned from. It will make us a really true person as time goes by. Happy reading! ^_^
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!