Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Monday, September 15

Karanasan ko nung September 12...

Ang lungkot ko naman ng mabalitaan ko na hindi ako pinalad na makapasok sa Chronicler, official paper ng school namin, malamang dahil sa mga katha kong sagot nung nag-eksam kami. Pero lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na "everything happens for a reason". Malamang may mas magandang nakalaan sakin si God why He didn't give it to me, why He let that thing happen.

Of course at first nanlumo ako pero masaya ako dahil nakapasa ang isang kaibigan na nakasabay kong mag-exam. Sayang talaga pero atleast alam ko na ang experience. Ganun talaga kelangang tanggapin. Isa pa busy naman ako sa binubuo naming club ng kaklase ko. Marahil dito ako talaga nilagay ni God at hopeful kami na magiging successful ito. Sa susunod na school year tatakbo kami ni class president sa pagiging officers ng aming organization at sisiguraduhin namin ang isang malaking pagbabago. Mahirap kasing kumilos ngayon dahil may ilang mga hadlang. Ngayon pa lang nangangampanya na ko sa mga kaibigan ko sa 2nd year at I hope di pa din sila nagsasawa sa kakayahan ko. Talaga lang may panahon pero every second counts when it comes to change. Kaya nga sa bagong club ko muna nilalaan ang oras ko. Hanggang dito na lang muna.

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!