Sunday, April 7

Nagsasayang Nga Ba Ako Ng Oras?

Di ko alam kung sinasayang ko lang ang oras ko sa paglalaro ng Ragnarok M: Eternal Love sa phone ko pero nag-eenjoy ako.

Sabi sa mga articles na nababasa ko about sa usaping pera ay imbis ubusin ang oras sa paglalaro ng online games (sa computer man o cellphone) ay bakit hindi na lang magbasa ng mga makabuluhang bagay na magpapalawak ng ating kaalaman.

May punto din naman sila at may kanya-kanya tayong opinyon pagdating sa mga bagay-bagay. Sa bawat gawaing ating pinagtutuunan ng pansin at oras, hindi ba nila alam na may mapupulot din tayong aral buhat doon. Nasa sa atin na lang kung ano ang gusto nating gawin sa ating buhay.

Panda Express Fortune Cookie

- Be bold, try something new. - Success will be yours. - You will find yourself at a happy crossroads. - You are in the company of exception...