Sa wakas ay ayos na ang aming computer
Hindi na ko magmumukang kawawa
Makakatipid na rin ako
Makakabawi sa mga nagdaang mga gastos
Ilang araw at linggo ding nagtiis
Hinintay pa na magkapera ang kuya ko
Di bale makakabawi din ako
Maghihintay hintay na lang kayo
Sa wakas ay makakapag advance study na din
Nahuhuli na kasi ako sa palagay ko
Maraming mga bagay pa ang dapat kong malaman
Pero kelangan ng kaunting pag-iingat
Pakakaingatan ko ang aming computer
Sa mga virus at pag-iinstall ng software
Pero tingin ko'y walang pahinga
Ang sarili sa pag-aaral
Tama na muna ang pagba-browse ng kung anu-ano
Unahin ko muna ang studies ko
Dahil napansin ko na din ang kahalagahan
Ng bawat oras na dumadaan
Ako heto't tuloy-tuloy lamang
Di iniinda ang tulang nasusulat
Dati-dati'y sa papel lang
Pero tila nag-iba ang ihip ng hangin
Sa harap na ko ng computer nagta-type
Mas mabilis kasi at di sayang sa tinta
Yun nga lang sa kuryente ang banat
Pero ganun talaga ang I.T.
Sa darating na Miyerkules ay Acquaintance Party
Mukang mapapakanta pa ata ako
Pero ayos lang ng masubukan
At malaman na rin kung may karapatan
Maraming bagay pa kong aasikasuhin
Pagkatapos kong ma-install ang mvb2008
Yung presentation namin sa feasibility study
At paggawa ng SA at RA sa Philisophy
Dati-dati hirap lumikha ng tula
Gusto malalalim ang nalilikha
Pero ngayo'y balewala na kung anong resulta
Ang mahalaga'y maipahayag ang sarili
Dati-dati sobrang haba ng tula ko
Umaabot pa ng 20 stanza
Binago ko kasi nagmumukang kwento
Pero tila nanunumbalik ata ngayon
Pasensya na kung naiiba ang paksa
Para na rin sigurong blog o diary di ba
Ang mahalaga'y maipahayag ko
Subalit tayo lang nakakaintinding mga Pilipino
Sa susunod susubukang kong mag-english
At nakikinita-kinita ko na ang kalalabasan
Bali-baliko't mali-mali ang grammar
Pero ayos lang basta't binigay ang best
Maganda din kung makikipag-usap ka
As in yung straight english sa kausap mo
Mapalad kami at na-meet si pastor Jang
Natututo tuloy kaming mag-ingles
Dapat ko na sigurong tapusin to
Sobrang haba na ng kwento ko
Maraming salamat sa pagbasa n'yo
Hintayin nyo lang ang pagbabalik ko.
Free WEB Hosting!
I made this blog to post everything I'm interested in like poetry, software reviews, my beliefs/opinions and topics that catch my attention. Usually, everything that you can find here is related to me but I'll try to make it diverse as much as possible. I try to use English as the main language of this blog but it is unavoidable for me to use Tagalog as I'm most comfortable with it. Start browsing and enjoy reading. Welcome to my blog!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
nabasa ko na ung kahit ano nalang at iba apng tula, parang nabasa ko na rin sila dati.. tungkol san nga pala yung kahit anu nalang?.. daming nabanggit eh.. haha.. pero nyz,, gnawa mo nalang tula ang diary mo.. haha ,,
ReplyDeleteGumawa ako ng blog, www.literario.blogspot.com // pki edit na rin,, hahaÜ
baka gumawa rin ako ng pang IT, the Technologist ang pangalan. join ka? lagyan natin ng batch file tutorial, movie review at kung ano pa...
bale nakasave yung iba mong pages sa USB.. kuha din ako kay jennierose.. meron pa ba tayong classmate dito sa blogger? hanapin mo nga pala si Koffi Beans, Di ako sure sa spelling ng name nya sa blogger pero mapapacomment ka sa mga post niya..
At gaya ng sinasabi lagi ni John Lloyd..
ingat!
xa nga pala,, babasahin ko ung jars of clay.. cnu nga pala un?