Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Monday, July 14

Lasenggo

Eto na naman sila
Naririnig kong papalapit na
Ang lalakas ng mga tinig
Talagang dinig na dinig

Samot saring kwentuhan
Ang maririnig galing sa kanila
Kanya kanya ang bida
Pagbigyan mo na lang sya

Nakakatuwa ang mga lasenggo
Pag nakainom ay loko loko
Pero pag hindi'y matitino
Daig pa ang tupang maamo

Lumalakas ang kanilang loob
Nailalabas ang nasasaloob
Sabi nila mabuting paraan
Para maipahayag ang nararamdaman

Pero kahit na ganon sila
May mapupulot kang aral sa kanila
Makinig ka lang kahit patawa
Wag lang silang kakanta.

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

2 comments:

  1. Hi! I was just bloghopping and I saw your blog. I see that you've just started out. I really like it that your site is in Filipino. Kudos.

    Kungrats, at happy blogging!

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat naman at nabasa mo ang post ko. Buti nahanap mo kala ko walang makakabasa ng mga pinopost ko. Thanks and happy blogging!

    ReplyDelete

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.