Hay... di ko alam kung ilang beses na akong nakaranas sumakay sa LRT pero sa tingin ko nakatatlo na ata. Una nung bumili kami ng damit pang CAT officer nung highschool, ikalawa nitong buwan lang ng Setyembre at yung ikatlo nakalimutan ko na.. :P Samantalang sa MRT naman ay madalang din ngunit palagi kong nakikita dahil malapit lang sa lugar ng mga pinagtrabahuhan ko.
Ano bang pinagkaiba nila? S'yempre bukod sa umpisa ng letra at ng ibig sabihin nito (Light Rail Transit sa LRT at Metro Rail Transit sa MRT). Ang LRT ay mas nauna at matagal na kesa sa MRT.. samakatwid ito ay noon pa at luma na ng nakalatag sa kahabaan ng Maynila habang ang MRT ay mas bago ng kaunti na nakalatag naman sa Edsa. Magkakalapit ang mga istasyon sa LRT habang sa MRT ay magkakalayo (batay sa aking karanasan at obserbasyon).. Ang dalawang ito ay nagkakasumpong sa bandang Taft station (Pasay Rotonda LRT-MRT). Doon ko nalaman na hindi pala magkaribal ang dalawang ito pagdating sa mga pasahero dahil may kanya-kanya silang destinasyon at lugar na okupado. Ng dahil na rin sa pagiging mausisa ko ay nalalaman ko ang mga bagay na dapat noon pa'y alam ko na, hindi kung kelan nagkatrabaho na.. Salamat sa kuya ko. Ngayon nga may naririnig pa akong LRT 2 at hindi ko alam kung saan yun.. Di bale malalaman ko din yun, dahil walang bagay na naililihim habambuhay..
Free WEB Hosting!
haha, oo naman! (Bukod sa spelling ha!)
ReplyDeleteAhahaha! Thank you for reading, Fred. :)
DeleteLRT 2 Recto to Santolan yun right?
ReplyDeleteYes, tama po kayo, sir/ma'am. Recto to Santolan station ang LRT 2. You may check it here for more info http://www.lrta.gov.ph/index.php/17-business-development/52-lease-of-lrt-lines-1-2-stations-terminals-structural-facilities-train-areas-spaces-for-advertising-medium. :)
Delete