Mula ng maging tagahanga nya ako maraming nagbago sa buhay ko. Mas lalong naging meaningful kumpara dati na parang palaging naghihintay na matapos ang araw at titingin sa panibagong bukas... Ngayon bawat araw may saysay.. may kwenta.. Isa nga syang mabuting ehemplo at modelo sa mga kabataan. Nagkaroon din ako ng madaming kaibigan dahil sa kanya kung tawagin ay popster. Hindi ako palakausap na tao at lalong hindi palakibo pero nabagong bahagya iyun dahil sa aming iniidolo. Wala palang kaso kahit mapalalaki o babae ka man pagdating sa tinitingala mong tao. Hindi nakakapagpababa ng pagkalalaki kung babae man ang idolo mo dahil maling mali iyun.. Ganun ako dati pero ngayon proud akong masabing sarah fan. Oo aminado ako na mas maraming babaeng fan si sarah at kakaunti lang ang lalaki pero ang ipinagtataka ko bakit ako nahila dati naman ayaw ko sa kanya at niloloko ko pa yung kapatid kong gusto sya. Tsaka ko lang napagtanto na gusto ko sya nung mapanood ko yung MMK nila ni jlc. Napabilib talaga ako kasi bukod sa mahusay ng kumanta eh magaling din palang artista. Marami pa syang talento na bibihira sa mga performer natin sa pinas. Marunong din syang sumayaw, maghost ng isang palabas, endorso ng napakaraming produkto at modelo sa mga kabataang tulad ko. At hindi lang pala sa kabataan malakas ang karisma nya pati mga bata, matatanda at yung mga nanay at tatay natin ay idolo sya. Isa pa pala, kaya mahal sya ng madaming tao e dahil sa kanyang mabuting pag-uugali. Napaka humble nya as in super kaya hindi maipagkakailang pati mga fans nya ganun din. Hindi sya plastic. Kung anong nakikita natin sa kanya sa tv eh ganun ang tunay nyang personalidad. Walang halong kaplastikan at wala sa bukabolaryo nya ang salitang inggit, away at gimik. Yan ang nagustuhan ko sa kanya at mananatili akong popster forever. Inspirasyon na talagang pinagpapasalamat ko dahil nagkaroon ng kulay ang aking buhay. Palagay ko pinadala sya ni GOD upang ilagay sa tamang landas ang mga kabataang naliligaw at hindi alam ang ganda ng buhay. Buti nahanap ko sya kundi 50% ng buhay ko ang kulang kung hindi. Bilib din ako sa galing nya sa pag-awit dahil hindi lang sa isang genre ng music ang alam nya. Kaya nyang mag rock, ballad, opm, rap, jazz, rnb at madami pang iba na hindi mo aakalaing magagawa nya.
Yan si Sarah Geronimo, isang bibihirang nilalang sa panahon ko! ^_^
Yan si Sarah Geronimo, isang bibihirang nilalang sa panahon ko! ^_^
Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!