Akala ko talaga tuluyan nang nanghina memorya ko dahil sa tuwing may quiz kami ay palaging mababa ang nakukuha ko unlike before na matataas. Pero nung naging determinado ako kanina dahil napag-isip isip kong parang di na ako to (isa sa mga dahilan ang dalawang prof ko at kaklase ko) ay kinabisado ko talaga ang lahat ng sa tingin ko ay lalabas sa exam. Nagkaroon ako ng idea dahil sa nauna naming long quiz ay nanlumo ako. Nagulat na lang ako ng tuloy-tuloy ang paglabas ng sagot mula sa utak ko patungo sa dilaw na papel na wari mo'y sing bilis ng tren kong
magsulat. Para bang isang robot na hindi nakakaramdam ng pagod. At dun ko napagtanto na pwede palang mangyari ang isang bagay kung gugustuhin mo...
Paalala: Iwasang kumain ng pagkaing sobra sa msg (monosodium glutamate) o mas kilala na vetsin, isang uri ng pampalasang ginagamit natin. Nakakahina ng memorya ayon sa librong nabasa ko at napatunayan ko na ito..
Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!