Gusto kong maging songwriter kagaya ni Mr. Ogie Alcasid o ni Ebe Dancel ng Sugarfree. Sa ngayon nakahanap ako ng article sa net on how to improve my craft in writing lyrics. Nakakasulat ako ng lyrics at nalalagyan ng melody pero walang instruments na gamit. Sa oras na to may kaunti na kong alam sa pagsusulat dahil sa mga nabasa ko at kung paano mag-submit ng demo sa isang kompanya.
Makailan lamang ay may nabasa ako sa website ng isang kumpanya na nangangailangan sila ng mga kanta para sa bago nilang female artist at naging interesado ako. Nakasaad doon na magsubmit lang daw ng demo na its either in cd or attachment sa e-mail. Mali pala ang ginawa kong pagsa-submit ng aking kanta sa kumpanyang ito nung isang araw (hindi ko na babanggitin kung anong label) dahil ang ginawa ko basta makapag-submit lang ni hindi ko man lang inisip kung anu-ano ang mga guidelines na dapat kong malaman o alamin. Na ang demo pala ay hindi yung basta nairekord mo lang sa iyong mp3 player o ipod na boses lang kundi ginagawa iyun sa isang studio. Hindi na ko umaasa na matatanggap yung kantang sinend ko basta ang mahalaga nai-share ko yung lyrics ko with them. Yun lang naman ang gusto ko in the first place ang ibahagi ang ginawa kong lyrics sa iba at tignan kung anong mangyayari. Masaya ang feeling ko nun nung nakapag-submit ako at balak ko pang mag-submit ng ilan ko pang lyrics to them. Ang mahalaga nae-enjoy mo ang mga ginagawa mo habang nabubuhay ka.
Free WEB Hosting!
I made this blog to post everything I'm interested in like poetry, software reviews, my beliefs/opinions and topics that catch my attention. Usually, everything that you can find here is related to me but I'll try to make it diverse as much as possible. I try to use English as the main language of this blog but it is unavoidable for me to use Tagalog as I'm most comfortable with it. Start browsing and enjoy reading. Welcome to my blog!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
We each have our own dreams and if we take it one at a time and pursue on one thing, we can achieve it and be happy about it. Besides, you will feel it in your heart if it is the right track that you are walking onto.
ReplyDelete