Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Thursday, October 23

Hindi Pa Rin Nagbabago!

Napakabagal ng sistema ng enrollment sa PUP-???. Kahit computer system na at hindi tradisyunal ang pamamaraan eh ganun pa din. Kelan kaya bibilis ang pag-usad ng pila nang sa ganun hindi na maperwisyo ang mga estudyante?? Hindi lang naman kami ang makikinabang doon pati mga faculty staff ay giginhawa ang gawain at hindi na mangangailangan ng S.A. (Student Assistant) na dagdag gastos pa sa bulsa nila (kung sa bagay hindi naman talaga sa kanila galing ang pera kundi sa mga estudyante din at kalimitan na kinukurakot). Binabansagan kong mga dakilang sipsip ang mga S.A. dahil sunud-sunuran sila sa kanilang among walang ibang alam kundi ang magpahirap kahit wala naman sa lugar (kagaya ni penguin).

Wala na kong ibang masabi kundi nasira ang araw ko pagkat dalawang beses akong pinabalik dahil sa sobrang kaartehan (as in super) ni Lobo. Kung bakit ba kasi nataon pang wala si mam guidance. Sige hanggang dito na lang muna. Bad mood oh...

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!