Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Monday, July 14

Pagod at Puyat

Nanghihina na ang katawan ko
Inaantok na rin ako
Unti unti ng napapapikit
Ang mga matang kulang sa tulog

Dahil sineseryoso ko na
Ang nakuhang kurso
Pagod at puyat nga
Ang kalaban ko

Pero ang lahat ng sakripisyo
Ay may nakalaang kapalit
Kahit ano pa yun
Wag munang pakaiisip

Basta maghirap ka
Kung desido ka
Magtyaga ka
Kahit tumulo ang luha

Mahimatay ka man
Ay okay lang yan
Mahalaga'y naranasan mo
Ng hindi ka manibago

Masanay na tayo
Sa ganitong sitwasyon
Pagkat sa hinaharap
Kelangan kang tumugon...

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!