Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Thursday, November 6

Ang Mayayaman Lalong Yumayaman?

Dati sang-ayon ako sa normal ng namumutawi sa labi ng mga kababayan natin pero nang marinig kong muli mula sa bibig ng mama ko, agad tumutol ang isip ko...

"Ang mayayaman lalong yumayaman at ang..."


Dito na lang muna tayo magpokus at wag na sa karugtong na sadyang pinutol ko sapagkat dito sa bansa natin ay di maipagkakailang totoo. Biglang isinigaw ng isip ko hindi rin lahat ng mayayaman lalong yumayaman... It's just a matter of good choice and decision why they are in that state of life. Determinado sila at may pagsisikap sa kanilang sarili kung bakit nila natamasa ang ganoong uri ng buhay. May mga mayayamang galing sa kahirapan at dapat lang natin silang tularan. Wag ng lagyan pa ng kung anu-anong negatibong kaisipan ang anumang katayuan meron sila... Siguro yung iba kaya lalong yumayaman ay dahil na rin sa kasipagan habang ang iba (gaya nga ng iniisip ng karamihan) ay dahil sa panlalamang sa kapwa. Pero don't get me wrong dahil alam nating lahat kung sino ang dapat na unang sisihin sa kabila ng pagsasakripisyo ng bawat isa sa atin, at yun ay walang iba kundi ang mga nakaupo sa gobyerno.. Sila ang mas yumayaman dahil sa walang tigil na pagnanakaw sa kaban ng bayan. Mabibilang mo lang sa kanila ang tapat sa kanilang tungkulin... the rest buwaya na! Para san pa ang paghihirap natin kung silang gahaman ang nakikinabang. Kahit anong gawin mong uri ng pamumuhay kung ngayong buhay ka pa eh nilalamon ka na ng buo tiyak na mahihirapan ka tungo sa kaunlaran dahil sa walang tigil na pagtaas ng bilihin habang nakapirmi ang sweldo sa minimum wage na 280php (as of 2008). Patuloy ka pa ring nakalugmok sa putik na iyong kinalalagyan. Tayo ang bomoto sa kanila subalit bakit parang di pa rin tayo natututo. Ngayon nababalitaan kong magsasagawa ng protesta ang mga nasa kampo ng simbahan at humihingi ng pagsuporta sa taong bayan. Bakit ngayon lang kung kailan huli na! Nung dating mga mamamayan ang magsasagawa ng kilos protesta silang mga taong simbahan naman ang ayaw lumahok at mga walang pakialam. Sa nakikita ko kahit anong gawing hakbang ng gustong magpabagsak sa gobyernong-Arroyo ay tyak na hindi magtatagumpay.. Bakit ko nasabi? Dahil sawa na ang mamamayan at nasanay na rin siguro. At jan ko nakikita na nagtagumpay nga si Pangulong Arroyo sa kanyang planong panloloko.

Ano sa tingin nyo mapapaalis ba si Arroyo bago mag 2010 o mananatili pa rin sya sa kanyang pinakamamahal na trono? Kahit na sa kabila ng mga kontrobersyang kinasasangkutan noon, ngayon at (posibleng mayroon pa) sa hinaharap..

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!