Lalo akong ginanahan nang marinig ko ang mga pangungusap na ito:
"Wohoo! Ang galing ng idol ko. Parang si Celine Dion..." ang nasambit ng isang babae habang paparaan ako sa karinderya sa Pamilihang Bayan ng Taguig (Lower Bicutan). Pag kasi narinig nating karinderya halos lahat sila ay mayroong telebisyon. Gusto ko sanang huminto sandali para mapanood din ang idolo ko subalit tinubuan na naman ako ng makahiya sa ulo. Yun, ang ending tuloy-tuloy ako sa paglalakad habang ang isip ay naiwan doon.
Pero hindi na yun importante ang mahalaga na naging sanhi ng paglitaw ng ngiti sa labi ay kahit pala sa labas ng tahanan ang mga kabataang masasabi kong lamang lang ako ng kaunti sa estado ng buhay ay nagkakapareho kami sa interes at gusto (ganun din naman ang mga matataas pero mababait na popsters na nakilala ko ng personal). Di maipagkakailang isa nga sa mga maimpluwensyang nilalang si Sarah Geronimo sa mga kabataang tulad ko. Susuportahan ko siya hanggang sa pagtanda ko.
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Searching for something, i-google mo na!

Custom Search
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!