Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Thursday, December 31

Resulta sa post na...

Karanasan Ko Nung September 12...

May ilang bahagi dun na aking nabanggit tungkol sa aking pagkainteres na tumakbo sa aming organisasyon. At ngayon ay isa na ako at ganap ng napabilang sa sinasabi kong organisasyon subalit tila nawalang lahat ang pagiging determinado ko at pangarap na nabuo.. Totoo ngang ang lahat ng bagay maging ang tao ay nagbabago.. Walang permanente sa mundo na magtatagal at walang tao o bagay na mananatili sa kanyang lugar at pinaniniwalaan.. Ang lahat ay posibleng magbago kahit gaano ka pa kadeterminadong isulong iyon noon.. Mare-realize mo na bakit ko ginawa yun ngayon.. Gusto ko lang humingi ng tawad sa mga taong napangakuan at nabahagian ng pangarap na magkaroon ng pagbabago.. Mahirap sumagwan ng isang bangka kung ang ilan ay may sariling layunin at kagustuhan at di man lang pinapakinggan ang suhestyon ng ilang kasamahan.. Hindi kayo makakarating sa paroroonan kung palagi na lang ganun dahil sa tingin ko ako ang lumalabas na hindi sumusunod sa kanyang kagustuhan... Napansin ko ang mga maling pamamalakad at nag-decide na kong tumalon at languyin ang karagatan pabalik sa pampang kaysa makarating sa paroroonan na hindi naman naging ganap na tagumpay sa aming mithiin.. Kung ang iba ay madali nyang napapasunod sa pamamagitan ng mainam nyang pananalita at matatamis na animo'y kendi ako ay iba sa kanila.. Mahirap ang ako ang makisama sa kanya o kanila pag alam kung hindi tama ang kanilang gusto.. Ayokong paalipin sa isang tao na alam kung walang mabuting maidudulot sa akin at sa bayan kundi ang sumunod at sumunod na lang (sa mataas) sa kung ano ang kasalukuyang nangyayari na tanggap na sa lipunan.. Ang lipunang ito ay babad na sa sakit at may iilang gustong makaahon ito habang ang mga katulad nila ay patuloy na pinalulubog ito.. Oo nga't may pagkakataon kung minsan ay kailangan mong sumunod yun nga lang dapat alam mo kung alin at ano ang makapagpapaligaya sayo at naaayon sa kabutihan mo at ng lahat.. Kaya mas madaling sabihin na lang na walang ibang aalipin sakin kundi ang aking sarili..

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Wednesday, December 30

First Time Makapagburn ng dvd...

Sa wakas nagbunga ang ilang gabi kong pagsasaliksik at paglalaan ng oras tungkol sa isang bagay na nagkainteres ako.. Nagbrowse ako sa net at nagtanong-tanong sa mga kaibigan ko kung anong softwares ang pwede nilang irekomenda sakin. At sa huli ay nagawa ko nga ang isang bagay na hindi ko aakalaing magagawa ko. Basta magtyaga ka lang at magtiwala sa iyong sarili. Eto nakapagburn ako ng dvd with menu like ung mga pirated dvd na binebenta sa bangketa. Yun nga lang hindi sya ganun kaganda pero alam ko na ang basics.. Gumagana rin pala ito sa mga dvd player at sana magustuhan nung dalawa kong kaklase na unang makaka-experience ng pinaghirapan ko. Magaling manlalakbay! Keep it up! =)

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Tuesday, April 7

Sony Ericsson C510 TV Commercial feat. Sarah Geronimo



The New Face of Unica Hija: Sarah Geronimo!



Sarah is the new endorser of Unica Hija. First, what is Unica Hija all about?
Unica Hija is a Filipino retailer of stylish casual and business apparels for women. Proponent of smart dressing, it offers designs inspired by the latest international and local fashion trends. Unica Hija is owned by LC Star Power Ventures Inc. I copy and paste this news posted from their site here into my blog. Here it is:

"After 16 years, Unica Hija is ready to flip the old pages and welcome a new beginning in February 2009. Gone are the days of very safe and passé styles, dull prints, ho-hum colors and too match-y coordinates. Expect more daring, fashionable and age-defying silhouettes, more exciting colors and style-compatible fractional designs from us. Unica Hija has definitely evolved.


Sunday, April 5

Wednesday, March 25

Babano-Bano sa Market-Market

Aba kahapon eh nanggaling kami ni Dice sa Market Market para maghanap ng mapapasukang kumpanya for ojt. Nanggaling kaming Telus dun sa 5th floor (upper ground ng nasabing mall) at kumuha ng form of application. Nalaman namin na hindi sila tumatanggap ng ojt at kung sakaling may bakanteng posisyon na programmer ay kukuha sila ng may experience. Na-hurt kami pero inoffer-an kami kung gusto namin mag call center agent. Sakin tutol agad ang isip ko dahil unang una ojt ang hanap namin hindi trabaho at ikalawa bulol ako hehe. Ewan ko lang sa kasama ko mukang gusto nya eh kaya lang gaya nga ng sinabi ko priority ang una kong nasabi. Matapos ang Telus eh kinontak na lang namin ang mga kumpanyang nasa listahan namin (actually pahiram lang samin yun ng isang kaibigan na nagngangalang lou, hehe) gamit ang payphone. Ang hirap makipag usap lalo na pag nasa mataong lugar. Hindi mo marinig kung galit ba ang kausap mo o sadyang ganun lang talaga magsalita. Nagpasya na kaming umuwi pero bago yun nagtungo muna kami ng cr. Nauna akong matapos umihi at nagpunta agad sa harapan ng salamin na may hugasan ng kamay. Aba'y dito ko napagtanto na ano na namang pauso meron ang mall na ito. Marami akong kasabay na naghuhugas at pilit kong pinagmamasdan kung paano gamitin ang gripong iyon ngunit patago lamang. Tinatanong ko ang sarili ng mejo malakas nang sa ganun marinig naman nila ang hinaing ko ("paano ba ito??") Inikot ikot ko na yung gripo at yung nasa kanan na tubo ngunit wala pa ring nangyari. Pinagtitinginan na ko subalit wala pa ring aksyon. Sa bandang huli natuklasan ko rin kung paano gamitin ang high tech nilang gripo, haha! Grabe ang kahihiyan ko nun mga wala man lang concern. Sabi ng kasama ko autodetected daw yung gripo dun gaya nung patuyuan ng kamay. Walang jo! Ganun lang pala yun pinahirapan pa ko, haha! Eto ang karanasan ng mga taong bibihirang maggagala sa mall. Taong bahay kasi ako, malay ko ba haha!

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Friday, March 20

Ang Tao Talaga..

Bakit nga ba ang nature ng tao ay ganito.. ganyan.. Pilit na naghahanap ng makakasira ng kapwa tao na hindi nya gusto. Kahit hindi obvious ang pagpapasaring o ang kanyang motibo eh talagang mararamdaman mo. Ano kung ganun ang narating o natatanggap nya ang mahalaga marami syang napapasayang tao at masaya sya sa ginagawa nya. Why don't we be happy for her? Umiiral na naman ang pagka crab mentality natin. Maging masaya tayo kung anong meron tayo at wag ng mainggit sa iba. Pana-panahon lang ang pag-unlad ng isang tao at hindi panghabambuhay. Kaya habang nararanasan mo ang kaginhawaan matuwa ka na.. eh ano kung maliit lang ang bayad kay Sarah sa bawat movie na ginagawa nya at sa ibang nagsisimula pa lang e milyon na kaagad. (200,000/movie kay sarah). Natuwa ako sa sinabi ng ate ko na dahil sa Box Office Queen (2008) na sya (Sarah) e siguradong tataas ang ibabayad sa kanya (Go ate!) at sa komento ng isang popster na hindi naman nakukuha yan sa pataasan ng pera kundi sa gaanong kalaki ang naibibigay na kasiyahan sa bawat manonood. Be happy for everyone at maniwala na lang tayo sa goodness. Wag obvious ang pagtatanggol sa iniidolo dahil nakakairita pag paulit ulit na ang lumalabas sa bibig, okay?

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Thursday, March 19

Sakit Ko Na..

Sakit ko na ata ang makalimot. Sa kaunting panahong nagkasama tayo ay tila kulang ang espasyo sa isip ko. Kaya malamang ang dating sa kanila e suplado ako. Hindi naman sa matapos kong pakinabangan ang bait ng isang tao babaliwalain ko na kundi dahil sa mahina lang talaga akong umalala ng itsura. Pero kung isang linggo o buwan tayong nagkikita.. nagkakasama.. dun maaalala na kita. Sama na rin natin ang mga usapan ng nakaraan. Subukan mong umutang sakin ng pera at talagang makakalimutan ko na. Hindi ko alam kong nakakalimutan ko ba o sila lang ang nangtitrip. Kaya sinasabi ko na lang sure ka? Sagot naman nila oo kaya... Hehe ewan! basta aminado ako na ganito ang sakit ko. Sakit na hindi naman pisikal na palagay ng tao. Kundi sakit na ako lang ang nakakaalam na taglay ko...

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Monday, March 16

2009 Summer...

Malapit ng magbakasyon. Ano kayang naghihintay na future sakin? Alam ko na ang mangyayari ngunit hindi ko alam ang eksakto at detalye. Alam ko ngayong bakasyon ay kelangan kong makahanap ng mapapasukang kumpanya para sa ojt ko. Nauna na ang Infoman sa Makati kaya lang hindi ko type ang ino-offer nilang position sakin: troubleshooting. Wala pa naman akong alam dun pero kung wala na talaga baka pasukin ko na para matuto. Kaya lang dapat kahit papano may alam talaga dahil syempre kaya mo nga kinuha ang posisyong iyun dahil gusto mo. Pangalawa at binabalak namin ng mga kaibigan ko ay puntahan ang TESDA dito sa Taguig. Mamaya ay papapirma kami kay mam a at m ng recommendation letter para ipasa namin kasama ng resume sa nasabing kumpanya. Maganda ang ino-offer nilang posisyon dahil ang isa kong kaklase eh tanggap na. Programming ang pinapagawa sa kanya at vb pa ang language. Maganda sya dahil may background na kami dun. Yun nga lang hindi kami mag-iimprove o mag-go grow pag puro alam na namin ang bagay na gagawin namin. Wala ng challenge. Pero mas gusto ko na dun kesa dun sa nauna dahil may alam talaga ako. Eto na ang huling linggo ng klase namin kaya kelangan makahanap na talaga ako ng stable company na magha-hire sakin. Mahirap na! hehe! Wish me luck I mean us pala. Ikaw may nahanap ka na ba? ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Lady's Choice TV Commercial - Sarah Geronimo w/ Mommy Divine



Wednesday, March 4

Mga Estudyanteng PUPIANS..

Ngayon ko lang napagtanto na tunay ngang matatalino at magagaling ang mga estudyante sa PUP lalo na dito sa Taguig. May kanya-kanyang galing na kailangan ng bawat isa. Kaya pala ang hirap ng exam (entrance exam for incoming first year) para masala ng husto. Kagaya nga ng palagi kong sinasabi, may katangian sila na wala ako at ganon din naman sila. Nawala ang kaisipan ko dati na merong mas magagaling kesa sa iba o mas nakalalamang. Tama ito ngunit kung lahat ay paiiralin ang kagalingan na may kasamang pride (ego) tyak na magkakaroon ng di magandang ugnayan at pagkakaunawaan. Marahil may ilang (isang) tatayo upang mangasiwa sa kanila upang maipakita ng husto ang kani-kanilang kakayahan at talento. Pagkakaisa at pagtitiwala ang mabuting sandata upang makamit ang isang layunin o adhikain. Kaya sa mga fellow PUPIANS ko hanga ako sa inyo, nabuo ang salitang respeto at nabura ang paniniwala ng isang manlalakbay...
Thanks for reading! ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Sabi Nila...

"Sabi nila ang Disneyland daw ang happiest place on earth... sabi ko naman... try mo sa piling ko baka magbago isip mo.."

Usapan With Kuya Miah... (part 2)

(for security purposes I will change his yahoo id as well as mine.)
me = manlalakbay
kuya miah = miah

...
miah: si mikel soryano
manlalakbay: si kuya ung org president?
miah: uu
miah: malogic cia
manlalakbay: kahit comedy pala un magaling din pala
manlalakbay: talagang hindi nakukuha sa itsura ang galing ng isang tao
miah: me kse. maraming lam n language, tpos syntax, experience at logic. kaya aun.
miah: kung logic lng kulng din eh
manlalakbay: so kelangan talaga ang paggawa ng website ng grupo hindi pwedeng isang tao lang ang gumawa
miah: uu
miah: tsaka mali ung kakanyahin lng
manlalakbay: kaya pala nagtataka ako.. magaling naman si sir arlan
miah: dapat hinahati pra matututo ang iba
miah: tsaka mas mbilis un
miah: dapt may team leader ung mag plaplano
manlalakbay: ngayon alam ko na kahalagahan ng team
manlalakbay: may kanya kanya rin kasing galing ang bawat isa
manlalakbay: na pwedeng makatulong o makadagdag sa ginagawang bagay
manlalakbay: :)
miah: tsaka dpat d k papahuli kung may bagong IDE un gmitin u. kunyare Visual studio 2003 gmt u tpos may visual studio 2008, un nlng gmitin u.

Thursday, February 26

Usapan With Kuya Miah...

(for security purposes I will change his yahoo id as well as mine.)
me = manlalakbay
kuya miah = miah

manlalakbay: kuya kumusta?
miah: OK lng
manlalakbay: nandito mga kagrupo ko nagawa ng project
miah: cra p build in speaker q
miah: ah
miah: may cam ka?
miah: kala ko b d kau mrunong ng gui ng java panu kayo gagawa?
manlalakbay: wala kuya
miah: ah
manlalakbay: headphone lang
manlalakbay: bakit?
miah: ano ano b gagamitin ng iba niong klasm8
miah: kala ko b d kau mrunong ng gui ng java panu kayo gagawa?
miah: kse kung meron k mas mgnda
manlalakbay: hindi ako marunong
manlalakbay: kasi ung mga naincomplete samin dati kay sir paul nagkaroon ng special class para makapasa
manlalakbay: yun tinuruan sila ni sir kung papano
manlalakbay: ung mga pumasa hindi naturuan

Monday, February 23

Atlast I See Sarah in Person!

I saw Sarah Geronimo yesterday at SM Bicutan. She, together with JLC, promoted their second movie entitled You Changed My Life. I saw Sarah 3 meters away and that made me realize that she is really beautiful. She looks like a barbie doll. I think she is 5'6" in height coz she is taller than me. I'm only 5'5". It seems that all of my dreams were gradually achieved. Nothing is impossible if you believe. I become more inspired than before and I will never stop supporting her through my life. I admit that everything about me changed after I knew that not so ordinary girl. My life becomes wonderful and alive. I don't care what others will think of me, all I know is I'm happy in what I am doing. I learned that from my friends. I write this so I will not forget this very special moment.^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Tuesday, February 17

Mischievous Princess The Best!

It is a chinese series that revolves around love and affair of two persons from different worlds. It's a combination of chinese history and fiction that made it realistic and unique among the rest (from what I have seen so far). One of its main characters captivated me and grabbed my attention. I really hooked to her so I google it out to know more about her. And her name is no other than Jang Nara, a korean actress but can be considered as a chinese actress because she can speak mandarin fluently. She is funny that made us (with my sister) like her. Another reason is I like her face too and the way her eyes respond whenever she smiles. Very charming and innocent look. She can sing and the song I really like from her is Sweet Dreams. Try to search it in youtube and hopefully you will start to like her too.


Friday, February 13

Grabe Ang Saya Ko!

Ang saya ko naman kanina dahil napagmasdan ko si harhar ng matagal. Salamat kay Eric dahil kundi dahil sa kanya hindi magiging totoo ang matagal ko ng pinapangarap. Alam ko iniisip ng iba mababaw lang ito pero para sakin hindi. Halos marating ko na ang ulap ng mamasdan ko ang kanyang mukha. Kung paano syang ngumiti at tumawa. Makwento pala sya at hindi boring na tao katulad ko. Masaya siguro syang kasama kasi makwela. Natupad din ang hinihiling ko kahit sa kahuli-hulihang sandali na gagraduate na sya. Maraming malulungkot alam ko at isa na ko dun. Sana hindi pa iyon ang huling pagkikita namin. Sa liit ng mundo tyak makakadaupang palad ko pa rin sya kahit hindi na ganun ang nararamdaman ko katulad ngayon para sa kanya. Kaya nga ko nagba-blog para maalala ko ang mga kabaliwan ko pero naging parte ng buhay ko. Ingat ka sa iyong paglalakbay harhar at umaasa akong maaabot mo ang mga bituing inaasam, hehe. ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Saturday, February 7

Epekto na Rin ng Daloy ng Panahon

Dahil sa instant na ang lahat ng bagay sa mundo pati tuloy relasyon kelangan instant na rin. Mula sa agarang pagsagot sa text, pagkain nang naghahabol sa oras at mabilisang komunikasyon sa internet ay mukang tuluyan na rin naapektuhan ang pag-iisip ng mga kabataan. Lalo na ang mga lalaki na tila nawawalan na ng tyagang maghintay, gustong marinig agad ang oo mula sa labi ng kanilang nililigawan. Teka ligaw pa ba ang tama at akmang salita roon.. mukang hindi na yun matatawag pang panliligaw na pamamaraan noon dahil ngayon parang laro-laro na lang ang isang relasyon. Kaya mahirap ng makahanap ng lalaking tapat sa kanyang hangarin ganun din naman sa kaisipan ng mapaglaro at mapiling babae...

Friday, February 6

Ako Na Nag-iisip...

Akala ko talaga ako lang nakararanas ng sakit
Marami rin pala
Akala ko talaga kaawa-awa na ko
May mas malala pa pala

Tinitingnan ko lang kasi ang sarili
At hindi ang sa iba
Iniintindi ay kung paano
Ako liligaya

Kaawa-awang Nilalang

Nakalulungkot isipin na ang dating nilalang na nakikita ko araw-araw ay biglang wala sa paligid ko.. Hindi ako sana'y lalo na napamahal na sa akin ang bagay na iyon. Kani-kanina lang alam kong nariyan pa sya pero matapos ang isang pangyayari ay hayun agad binawian ng buhay. Hindi ko alam kung may foul play na nangyari sa kanyang pagkalunod sa isang malaking timba na may lamang kalahating tubig o sadyang tinulutan Nyang mangyari.

Thursday, January 29

Pustahan!

Naiinis ako sa mga taong nagsasabing may totoong multo. Yun bang eksaj kung magkwento. Ako nung una palang hindi na ko naniniwala sa multo siguro nung bata pa oo pero ngayon hindi na. Haler! matanda ka na para magpapaniwala sa ganyan. Ang nakikita ko kasi sa mga nagsasabing may multo ay sila ang may problema. Marahil sa sobrang dami ng iniisip nila kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan nila, isama pa natin ang sobrang panonood ng horror movies. Pwede rin namang epekto ng kakulangan sa tulog o stress sa trabaho. At ang pinakamalala ay ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi ko naman inaakusang drug addict o mga baliw ang mga taong para sa kanila ay may multo dahil ang mga ito'y opinyon ko lamang. Bago ko tapusin ang entry-ng ito, makikipagpustahan muna ko. Pag napatunayan nyo sakin na may totoong multo maniniwala ako at magpapakumbaba. [kahit sa pictures lang o kaya'y isama nyo ko, haha!]

Tuesday, January 27

"Dalawa na pala kami!" pahayag ni manlalakbay

Nabanggit sakin ng isa kong kaibigan at manunulat na nung isang araw pa raw sya hindi nakakapaligo.. (Ganun daw talaga sya pag walang pasok.) Sabi ko bakit? Sabi nya hindi naman mabaho kasi wala ka namang ginagawa sa bahay, maghapong nakaupo lang. Sabi ko naman, kahit na... Kelangan pa rin nating pangalagaan ang ating katawan (base na rin sa nauna kong entry) dahil pahiram lang satin to ni God. Sabi nya napaka ispiritwal ko raw. Sabi ko dapat lang.. kagaya na lang ng simpleng pagligo mapapanatili natin ang ganda nito. Dagdag ko pa kung anong itsura nung hiniram natin dapat ganun din natin isasauli...

Monday, January 26

Taon Ko Na!

Grabe dalawang beses akong nagnu- new year sa loob ng isang taon. :-) January 26, 2009 pumatak ang New Year ng mga Chinese. "Kung Hei Fat Choi!" ang batian nila na kung sa atin ay katumbas ng Happy New Year! Nagsimula lang ito kaninang 12 ng madaling araw. Eto ako at nangangarap na kaisa ng kultura nila, hehe! Pero hindi malayong mangyari yun lalo na't nakapagpasya na ko sa desisyon kong ito. Hope walang humarang habang tinatahak ang daan patungo roon... Happy reading! ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Thursday, January 22

Siya Muna Bago Kayo..

Ngayon lang naging malinaw sa akin ang kaibahan ng mga application na mayroong .NET sa dulo. Like paint.NET and vb.NET. Na ang mga ito ay hindi pwedeng mag-run ng walang .NET na framework na nakainstall sa computer. Dahil nung mag-iinstall sana ako ng paint.NET eh required daw iinstall ang .NET na framework. At nung pinapa-run ko ung .exe na ginawa ko sa vb.net (visual studio) dati ay ayaw din mag-run. Yun pala kelangan pala munang iinstall ang .NET para gumana ang mga ito. Ang .NET kasi ay isang framework kung saan nandito lahat ng mga function, classes at kung anu-ano pa na ginagamit ng mga .NET application. Ngayon ko lang talaga napagtanto ang kaibahan nito sa ibang mga software na ordinaryo lang. Ngayon nalaman ko rin na required pala itong mauna bago sila. Hope you learn. Happy reading!

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Wednesday, January 21

Bakit Halos Lahat ng Kanta ang Pinakatarget Love?

Pansin ko sa lahat ng kanta na nag-eexist sa henerasyon ko o kahit noon pa man ay mas nangingibabaw ang tungkol sa pag-ibig.. Nagkakaiba lang sa genre pero ganun at ganun pa rin. May tungkol sa pagkabigo, nangangarap, inlove, nagmamakaawa but still pag-ibig pa rin ang sentro at tema. Wala bang pangkaibigan? Oo meron nga pero mabibilang mo lang. Isama na rin natin ang mga kantang pumupuri sa Panginoon at yung nakaka-inspired. Try mong makinig ngayon ng radyo, sigurado matatanto mong tama ako, hehe. ^_^ Happy blogging! ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Sila Lang..

Tanging Dalawa lang ang mahal ko
Isa doon at isa rito
Isang may lahi at isang katulad ko
Na palaging nasa isip ko

Monday, January 19

Sex: Nakakaadik Parang Droga

Marahil ang sex ay nakakaadik parang droga base sa obserbasyon ko sa paligid. Katulad na lamang ng mga mahihirap nating kababayan.. Naghihirap na nga parami pa ng parami ang anak. Pero mas malala yung pagamit ng pagamit pero inilalaglag naman... Yan ang mga walang halang ang konsensya at buhay pa eh sinusunog na ang kaluluwa nila sa impiyerno. Isa pang simpleng halimbawa ay ang kapanahunan ng pagkahilig ng mga pusa. Panahon yata ng mga muning ngayon, hehe!

Format again!

Katatapos ko lang mag-format ng pc ko dahil hindi gumagana ang Visual Studio.NET 2003 at Microsoft SQL Server 2000 sa kasalukuyang Operating System na gamit ko, ang Windows XP Professional SP2. Hindi ko malaman kung aling cd ang pinang-install ko.. Dalawa kasi windows OS ko yung isa pulot at yung isa samin talaga. Yung nawawala pa yata yung ginamit ko nung pang-install. Kaya ngayon heto na naman ako ipo-format ang pc ko at i-install ang natitirang OS para lang mapagana ang mga application na nabanggit sa itaas dahil kailangan namin sa isang subject. Ganito rin problema nung dalawa kong kaklase at yung isa ay naayos na nya sa pamamagitan ng solusyong gagawin ko pa lamang. Hope maayos at mapagana ko... ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Thursday, January 8

Paliparan

Hindi na ko makapaghintay sa muling pagdating at pag-alis (kahit kararating pa lamang hehe) ng papa ko.. Bakit? Dahil dun lang ako nakakakita ng mga chinese kung saan napagmamasdan ko talaga ng matagal. Sa mall kasi saglit ko lang silang napagmamasdan.. Matatangkad pala sila at mapuputi. Makikinis ang mukha na sinamahan pa ng kahinaan ko - ang kanilang singkit at maamong mata. Excited na talaga akong bumalik doon. Kumailan lang inihatid namin ang papa ko sa airport at nagbalik sa aking alaala nung isang taon na susunduin namin ang papa ko. Ang pagsasalita nila ng intsik ay isang malaking hamon para sa akin dahil yun ang unang baitang na dapat kong matutunan upang matupad ang aking pangarap. Marami akong pangarap na isa-isa ng nakalinya sa utak ko..

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Monday, January 5

MS-DOS Batch Files ni friend...

Sa wakas nabasa ko na yung librong pinahiram sakin ng isang kaibigan. Ang title ng libro ay "Concise Guide to MS DOS BATCH FILES" ni Kris Jamsa. Dapat nung bago pa mag christmas ay naisauli ko na sa kanya kaya lang sinadya kong patagalin sa akin dahil hindi ko pa nababasa kaya napilitan syang kunin na lang sa susunod na taon (2009). Galing ko talaga haha! Nung mabasa ko na ay tsaka ko napag-alaman na kulang ang aking kaalaman (kung it student/programmer ka kapag hindi mo ito nabasa). Dahil basic na basic ang nilalaman nito at dapat na gawing panimula (unang pag-aralan) kesa sa ibang lengguahe. Ako binasa ko lang ngunit hindi ko in-apply ang mga natutunan ko dahil nga sa limitadong oras na meron ako. Siguro tsaka ko na lang iaapply pag meron na. Ang mahalaga nalaman kong mahalaga rin pala ang mga ganitong bagay na kung iisipin ay lumang-luma na. Kung hindi mo alam ito wala kang karapatang tawaging programmer lalo na't laganap ang pagggamit ng windows ni Gates sa Pinas kahit na pirata haha! Enjoy blogging! ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!