Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Wednesday, March 25

Babano-Bano sa Market-Market

Aba kahapon eh nanggaling kami ni Dice sa Market Market para maghanap ng mapapasukang kumpanya for ojt. Nanggaling kaming Telus dun sa 5th floor (upper ground ng nasabing mall) at kumuha ng form of application. Nalaman namin na hindi sila tumatanggap ng ojt at kung sakaling may bakanteng posisyon na programmer ay kukuha sila ng may experience. Na-hurt kami pero inoffer-an kami kung gusto namin mag call center agent. Sakin tutol agad ang isip ko dahil unang una ojt ang hanap namin hindi trabaho at ikalawa bulol ako hehe. Ewan ko lang sa kasama ko mukang gusto nya eh kaya lang gaya nga ng sinabi ko priority ang una kong nasabi. Matapos ang Telus eh kinontak na lang namin ang mga kumpanyang nasa listahan namin (actually pahiram lang samin yun ng isang kaibigan na nagngangalang lou, hehe) gamit ang payphone. Ang hirap makipag usap lalo na pag nasa mataong lugar. Hindi mo marinig kung galit ba ang kausap mo o sadyang ganun lang talaga magsalita. Nagpasya na kaming umuwi pero bago yun nagtungo muna kami ng cr. Nauna akong matapos umihi at nagpunta agad sa harapan ng salamin na may hugasan ng kamay. Aba'y dito ko napagtanto na ano na namang pauso meron ang mall na ito. Marami akong kasabay na naghuhugas at pilit kong pinagmamasdan kung paano gamitin ang gripong iyon ngunit patago lamang. Tinatanong ko ang sarili ng mejo malakas nang sa ganun marinig naman nila ang hinaing ko ("paano ba ito??") Inikot ikot ko na yung gripo at yung nasa kanan na tubo ngunit wala pa ring nangyari. Pinagtitinginan na ko subalit wala pa ring aksyon. Sa bandang huli natuklasan ko rin kung paano gamitin ang high tech nilang gripo, haha! Grabe ang kahihiyan ko nun mga wala man lang concern. Sabi ng kasama ko autodetected daw yung gripo dun gaya nung patuyuan ng kamay. Walang jo! Ganun lang pala yun pinahirapan pa ko, haha! Eto ang karanasan ng mga taong bibihirang maggagala sa mall. Taong bahay kasi ako, malay ko ba haha!

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!