Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Tuesday, January 27

"Dalawa na pala kami!" pahayag ni manlalakbay

Nabanggit sakin ng isa kong kaibigan at manunulat na nung isang araw pa raw sya hindi nakakapaligo.. (Ganun daw talaga sya pag walang pasok.) Sabi ko bakit? Sabi nya hindi naman mabaho kasi wala ka namang ginagawa sa bahay, maghapong nakaupo lang. Sabi ko naman, kahit na... Kelangan pa rin nating pangalagaan ang ating katawan (base na rin sa nauna kong entry) dahil pahiram lang satin to ni God. Sabi nya napaka ispiritwal ko raw. Sabi ko dapat lang.. kagaya na lang ng simpleng pagligo mapapanatili natin ang ganda nito. Dagdag ko pa kung anong itsura nung hiniram natin dapat ganun din natin isasauli...

Ang lakas ng loob kong magbigay ng payo sa kanya eh ganun din naman ako, haha! Pero hindi naman nung isang araw pa, ako kahapon lang hehe. Ganito ang naririnig ko pag writer ka raw... madalas raw hindi naliligo at mahahaba ang balbas kakaisip. Buti na lang kahit papano may nakuha kaming sintomas nila. Yun nga lang mukang hindi na akma sa panahon ngayon, haha! Mag-enjoy ka sana! ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

2 comments:

  1. Grabe naman yang kaibigan mo at manunulat na yan! Dapat naliligo siya eberidei nu! Hehe... pero kung tutuusin nga naman, mas mabuti na yung hindi pa naliligo ng ilang araw.. di pa naman kasalanan yun... katamaran lang. kumpara mo naman sa ibang tao na ginagamit ang katawan para sa di kanaisnais na gawain [pangooink-oink na yun]. d^^b

    ReplyDelete
  2. Kung sa bagay may point ka, hehe! Galing! ^___^

    ReplyDelete

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.