Ang saya ko naman kanina dahil napagmasdan ko si harhar ng matagal. Salamat kay Eric dahil kundi dahil sa kanya hindi magiging totoo ang matagal ko ng pinapangarap. Alam ko iniisip ng iba mababaw lang ito pero para sakin hindi. Halos marating ko na ang ulap ng mamasdan ko ang kanyang mukha. Kung paano syang ngumiti at tumawa. Makwento pala sya at hindi boring na tao katulad ko. Masaya siguro syang kasama kasi makwela. Natupad din ang hinihiling ko kahit sa kahuli-hulihang sandali na gagraduate na sya. Maraming malulungkot alam ko at isa na ko dun. Sana hindi pa iyon ang huling pagkikita namin. Sa liit ng mundo tyak makakadaupang palad ko pa rin sya kahit hindi na ganun ang nararamdaman ko katulad ngayon para sa kanya. Kaya nga ko nagba-blog para maalala ko ang mga kabaliwan ko pero naging parte ng buhay ko. Ingat ka sa iyong paglalakbay harhar at umaasa akong maaabot mo ang mga bituing inaasam, hehe. ^_^
Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!