Karanasan Ko Nung September 12...
May ilang bahagi dun na aking nabanggit tungkol sa aking pagkainteres na tumakbo sa aming organisasyon. At ngayon ay isa na ako at ganap ng napabilang sa sinasabi kong organisasyon subalit tila nawalang lahat ang pagiging determinado ko at pangarap na nabuo.. Totoo ngang ang lahat ng bagay maging ang tao ay nagbabago.. Walang permanente sa mundo na magtatagal at walang tao o bagay na mananatili sa kanyang lugar at pinaniniwalaan.. Ang lahat ay posibleng magbago kahit gaano ka pa kadeterminadong isulong iyon noon.. Mare-realize mo na bakit ko ginawa yun ngayon.. Gusto ko lang humingi ng tawad sa mga taong napangakuan at nabahagian ng pangarap na magkaroon ng pagbabago.. Mahirap sumagwan ng isang bangka kung ang ilan ay may sariling layunin at kagustuhan at di man lang pinapakinggan ang suhestyon ng ilang kasamahan.. Hindi kayo makakarating sa paroroonan kung palagi na lang ganun dahil sa tingin ko ako ang lumalabas na hindi sumusunod sa kanyang kagustuhan... Napansin ko ang mga maling pamamalakad at nag-decide na kong tumalon at languyin ang karagatan pabalik sa pampang kaysa makarating sa paroroonan na hindi naman naging ganap na tagumpay sa aming mithiin.. Kung ang iba ay madali nyang napapasunod sa pamamagitan ng mainam nyang pananalita at matatamis na animo'y kendi ako ay iba sa kanila.. Mahirap ang ako ang makisama sa kanya o kanila pag alam kung hindi tama ang kanilang gusto.. Ayokong paalipin sa isang tao na alam kung walang mabuting maidudulot sa akin at sa bayan kundi ang sumunod at sumunod na lang (sa mataas) sa kung ano ang kasalukuyang nangyayari na tanggap na sa lipunan.. Ang lipunang ito ay babad na sa sakit at may iilang gustong makaahon ito habang ang mga katulad nila ay patuloy na pinalulubog ito.. Oo nga't may pagkakataon kung minsan ay kailangan mong sumunod yun nga lang dapat alam mo kung alin at ano ang makapagpapaligaya sayo at naaayon sa kabutihan mo at ng lahat.. Kaya mas madaling sabihin na lang na walang ibang aalipin sakin kundi ang aking sarili..

Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!