Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Sunday, October 16

Problemang Damdamin..

Totoo kaya ang nararamdaman ko o sadyang paghanga lamang ito? Di ko lubos maintindihan kung tunay ang nararamdaman ko o humahanga lamang ako.

Kapag nakakakita ako ng magandang babae at nagkaroon ng pagkakataong mapalapit ng bahagya ay tila nagsisimula ng umusbong ang aking damdamin. Di ko tayp pero parang nagugustuhan ko. Ayaw ko pero bakit tila kumakaba ang dibdib ko. Pinipigilan ko pero parang lalo pang lumalala. Napapansin ko kapag gusto ng iba ay parang nagkakagusto na din ako. Ewan ko ba. May mga pangarap naman ako at nakaplano na kung sino ang babaeng papakasalan ko pero bakit tila dumarating ang mga tukso. Siguro sinusubukan lang tayo ni God kung gaano katatag ang paniniwala at sinumpaang pangako. Kaya tuloy ang ginagawa ko eh iniiwasan ko na lang ang mga mapang-akit na babae kaya lang sa tuwing iniisip ko na dapat iwasan ay tila nababaliktad ang nangyayari. Siguro ang mabuti kong gawin eh gawin kung ano talaga ang nararapat. Kung gusto ng iba wag ng umeksena pa. Hayaan na lang silang dalawa at maging masaya sa kanila. Para tuloy ako ang lumalabas na kontrabida. At napag-isip isip ko ako lang ang gumagawa ng malisya.. Haay.. itong malaking bagay na to ang talagang suliranin ko hanggang sa ngayon:

Is it really love or just an infatuation?

Learn to face what life could offer. What you feel now is just temporary, still focus on what your mind has already decided.


Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.