Tuesday, June 30

Importance of Beep Card

Ang laki ng benepisyo ng pagkakaroon ng Beep card para sa aming mag-asawa.

Lalo ngayon na nakatira kami dito sa Boni, Mandaluyong ay kitang-kita ang dulot nitong ginhawa sa amin.

Gamit na gamit namin ito sa pagsakay ng MRT patungo sa aming pupuntahan (Ayala Station, Taft Station o Shaw Station).

Dati pumipila pa ko para bumili ng single-journey card doon mismo sa loob ng MRT Station subalit may mga times na sobrang haba ng pila at napapansin ko na bakit ang iba dire-diretso lang sa pagpasok at pagtap ng kanilang kulay asul na card.

Doon ako nagpasya at naimpluwensyahan ng asawa ko na kumuha na rin ng sarili kong Beep card (sya kasi may sarili at hinihintay pa nya kong makabili ng single-journey card).

Hindi lang sa MRT nagagamit ang Beep card, kundi pati sa pagsakay sa BGC Bus.

Sana mas lumawak pa ang sakop nito nang sa ganun cashless na ang lahat ng transaksyon at napaka-convenient na rin.

Sa mga Beep card users, sumasang-ayon ba kayo sa blog post kong ito?

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!

Importance of Beep Card

Ang laki ng benepisyo ng pagkakaroon ng Beep card para sa aming mag-asawa. Lalo ngayon na nakatira kami dito sa Boni, Mandaluyong ay kitan...