Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Thursday, April 9
Panda Express Fortune Cookie
Sunday, April 5
Murang Promo, Pero May Hidden Agenda
Ang dami sa Facebook na ads na nagpapakita ng promo sa ganito sa ganyan lalong lalo na sa beauty treatment like facial or hair. Maeengganyo ka na mag-avail at pumunta tapos pag andun ka na, ang serbisyong ibibigay sayo hindi kaparehas nung serbisyo pag regular rate. Nakakatawa at nakakatakot kasi habang ginagawa pa lang ang serbisyo, bigla ka nang ino-offeran ng sobrang mahal na package. Sasabihin na discounted pa pero wag ka 12 months or 1 year na facial or treatment, tumataginting na lagpas 100k+ in pesos.
Natuto na kami at napasubo dun sa isang facial salon sa may Makati. Nadenggoy kami at ngayon nagbabayad ng monthly amortization na 10k+. Kaya pag may nakita ulit kami at gusto lang namin masubukan eh ginagrab pa rin namin pero pag yung offer part na eh mariin naming sinasabi na pag iisipan pa.
Never again na sa mga ganitong scheme. May time pa nga na na-offer-an pa kami ng products na pagkamahal-mahal. Lesson learned na lang at charge to experience. Magagamit pa rin naman namin yung mga products at yung services na na-avail namin. May walong buwan pa kami para bayaran sa bangko yung na-avail namin, chinarge ko kasi sa credit card ko at bayad na straight sa kanila yung presyo.
Kahit gaano ka pa kaingat sa pera, may mga scheme talaga na nakaka-loko. Diyan sila kumikita.
Kaya ingat sa mga promo na parang too good to be true—madalas pera lang ang habol. Lesson learned na namin, at sana magsilbing babala na rin ito sa iba.
Panda Express Fortune Cookie
- Be bold, try something new. - Success will be yours. - You will find yourself at a happy crossroads. - You are in the company of exception...