Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Thursday, July 25

Ang Digital Product o Course Mo Ba ay Ginto?


Lahat na lang ng natatanggap kong emails, lahat nagbebenta. Hindi ba sila nagsasawang kulitin ang nananahimik kong mundo?

Lahat sila gusto ng aking atensyon. Feeling ko tuloy artista ako na ang dami-daming pera o kaya'y Oppa sa isang Kdrama. :D

May pa-free webinar pa si Mayor o Mayora and guess what sa huli bebentahan ka ng pagkamahal-mahal nilang produkto. Di ako tutol dun as long as ang main goal nila eh ang makatulong, hindi yung pera lang namin ang habol. Buti sana kung mura at affordable. Kaso kung maningil daig pa ang interest ng bumbay na 5-6. Kung gusto mo talaga makatulong, sell your products or services like Chinkee Tan at affordable price! Hindi yung 5 digits ang presyo ng digital product o course mo. Ginto?

Benta-benta na lang ba ang labanan at ang pera namin ay gusto n'yong mapasakamay?

Inuulit ko di ako tutol sa kanilang negosyo. Baka kasi iniisip nyo naiinggit ako dahil kumikita kayo samantalang ako zero. Kasi kahit ako rin naman nagbebenta ng product at services ko. Ang pagkakaiba lang hindi ako over-pricing magpatong at ang nais ko ay makatulong.

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

2 comments:

  1. ...nice one po..keep it up!🙂

    ReplyDelete
  2. Until now nag-eemail pa rin sila sakin. Nag unsubscribe na nga ko sa iba pero mukang kailangan ko na ring mag unsubscribe dun sa natitira. Hehe!

    ReplyDelete

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.