Saturday, September 19

I-steam Ang Corn Pwede Pala

Namiss kong kumain ng mais sapagkat madalas namin makita ng wife ko ang mais sa tuwing naggo-grocery kami.

Gusto ko sanang kumuha at bumili kaya lang sa tuwing maiisip ko ang proseso ng pagluluto ay napapaurong ako.

Naka induction stove kasi kami. Since need magpakulo ng tubig para lang makapagluto ng mais ay naiisip ko na magastos at malakas kumunsumo iyon ng kuryente kaya ang ending eh wag na lang.

Then recently lang eh bumili kami at sabi ko sa sarili ko, okay lang once lang naman namin yun gagawin. One time, binanggit sa akin ng asawa ko na pwede raw i-steam ang corn at isabay sa sinaing namin. Di ako naniniwala na posible yun kasi never pa ko nakakita ng ganun dati. Naalala ko pag nagluluto kami dati (nung mga panahong single pa ko) ng mais ay pinapakuluan namin ito hanggang sa maluto. At kung minsan, may mga nakikita akong naglalako ng lutong mais sa kalsada kung saan (base sa obserbasyon ko) ay waring naka-submerged ang mga mais sa loob ng isang malaking stainless na lutuan habang iniluluto.

Subalit iba naman ang obserbasyon ng aking asawa. Sa pagkakaalam nya ay parang ini-steam daw ang mga iyun. Hanggang sa sinubukan nga nyang isabay habang nagsasaing sa rice cooker namin at i-steam (may kasama palang extra utensil ang rice cooker namin na pinapatong lang sa ibabaw; ilagay ang ilang piraso ng mais sa loob pagkatapos ay takpan).

At laking gulat ko na pwede pala! Naluto ang mga mais at halos walang pinagkaiba sa inuluto sa mainit at kumukulong tubig.

Bagong kaalaman at natutunan mula sa aking asawa. Bukod sa pwede na kami makakain ng mais ng walang kahirap-hirap, ay laking tipid din sa pagkunsumo ng kuryente sapagkat isinasabay lang namin sa pagsasaing ng kanin.

Kayo mga kaibigan, matagal nyo na rin bang alam to o ngayon lang after mabasa ang blog post ko na ito?

Tuesday, September 15

Why Is “Cancel” on the Left and “OK” on the Right in Android?

This post is the answer to my previous entry I wrote here.

Here’s another little tech thing that I’ve always found interesting.

Whenever an Android app shows a confirmation dialog, you’ll often see something like:

[ CANCEL ] [ OK ]

But if you’re used to using Windows, this arrangement can feel a little weird. I personally remember being more accustomed to seeing:

[ OK ] [ CANCEL ]

So naturally, I wondered: Why does Android do it differently?

After looking into it, I found out that Android doesn't really think of these buttons simply as “left” and “right” buttons.

Instead, Android gives buttons different roles. There are Positive, Negative, and Neutral actions.

In a typical confirmation dialog, OK is considered the Positive action because you're confirming or proceeding with something. Cancel is the Negative action because you're rejecting the action or backing out.

Android's standard design convention places the Negative action before the Positive action. And that's how we end up with:

Cancel → OK

So, Android isn't necessarily saying, “Cancel should always be on the left.” It's more like saying, “This is the Cancel action, this is the OK action, and here's how our standard interface arranges them.”

Of course, different Android versions, manufacturers, and apps can sometimes arrange their buttons differently. Developers can also create completely custom dialogs.

Still, I found this interesting because it's one of those tiny differences between platforms that you don't really think about until you notice it.

Maybe I'm just easily amused by little UI details—but now whenever I see Cancel on the left and OK on the right, I'll know there's actually a reason behind it! 😄

Saturday, September 12

Discount sa McDo Dahil sa Pag-Ibig Loyalty Card

Gusto mo bang maka-discount sa McDo?

Kung may Pag-Ibig Loyalty Card or Loyalty Card Plus ka, sureball na ang total amount ng food bill mo ay discounted ng 5%.

Given na dapat ang food bill mo ay minimum 200 pesos at hanggang 500 pesos lang (per transaction) maa-apply ang 5% off. Applicable rin ito mapa dine-in or take-out ang order mo.

Ang promo na ito ay hanggang November 5, 2026 na lang.

Ipakita mo lang ang iyong card at voila! Ibabawas na na nila yung 5% discount sa babayaran mo.

Kaya ano pang hinihintay mo? Kumuha na ng Pag-Ibig Loyalty Card or Loyalty Card Plus at sumugod na sa pinakamalapit na McDonalds sa inyo.

Hindi lang pala sa McDo may discounts ang paggamit at pagkakaroon ng Pag-Ibig Loyalty Card / Plus. Natry na rin namin ito sa Figaro Coffee dati (not sure kung kasama pa rin sila sa participating stores).

I-check ang kanilang website (Pag-Ibig Official Website) upang malaman san-sang stores pa pwedeng magamit ang nabanggit na card (including branches).

Enjoy!

Naghahanap Pa Ng Extrang Pagkakakitaan

Bukod sa job, work o trabaho ay naghahanap pa ko ng extrang pagkakakitaan. Hindi natin masasabi na stable ang ating trabaho sapagkat worldwi...