Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Sunday, September 15

Libreng Phone or Tablet Basta Mag-Avail Ka Ng Plan

Nagtataka ako kung bakit kabi-kabila ang promo ng mga Giant Telecommunications dito sa Pilipinas. Nandyan ang Globe na nag-ooffer ng mga kilalang brand ng cellphones at tablets at hindi naman pahuhuli ang SMART at Sun sa mga bago nilang pakulo.

Hindi ko alam kung paano ang sistema nila kung bakit ibibigay nila yung gadget sa'yo at magbabayad ka lang ng plan buwan-buwan. Base sa naririnig ko ay habang nagbabayad ka ng plan ay kasama o kinakaltas na doon ang bayad para sa halaga ng gadget. At pag nabayaran mo na ang gadget ay tsaka pwede mo ng i-cancel ang plan at sa iyo na ang telepono or kung anumang bagay ang in-avail mo.

Sa mga nakaranas at may sapat na kaalaman tungkol dito ay maaaring mag-iwan ng komento sa ibaba sapagkat interesado ako. Imagine, binabayaran mo ng unti-unti habang nagagamit mo na sa pang-araw araw. Isa pa ang kagandahan sa naka-plan ay anytime at anywhere pwede kang mag-online (without needing wi-fi hotspot) lalo na kung kinakailangan at emergency. Anyway, tila malabo ata ito na mangyari sa akin dahil may loading business ako at may disiplina sa pagtitipid. :D


Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.