Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Saturday, August 21

Namiss Ko Ng Magsulat Dito

Grabe 7 months na pala ang nakakalipas mula nung huling nakapagsulat at nakapagpost ako dito sa aking personal blog site.

Namiss ko ng bumalik at magsulat muli. Napakalaki talaga ng pagbabago sa buhay natin mula ng tamaan ang buong mundo ng COVID-19. Grabe at sobra ang idinulot nito sa pang araw-araw nating pamumuhay. Nagkaroon bigla ng tinatawag na new normal at ang mga tao sa labas ay nakasuot ng facemask at faceshield. Naroon na palaging dala ang kani-kanilang alcohol at mahigpit na ipinapatupad ang social distancing.

Ang dami ko ngang namimiss na simula ng nagka-pandemic. Namiss kong manood ng sine, magbowling at mag-ice skating.

Pero may kwento ako sa inyo. Mukang nakaganda pa sa akin ang pandemic na ito sapagkat nahanap ko na sa wakas ang aking love of my life. Finally, nagkagirlfriend na rin ako. Yun nga lang hindi na naabutan nina mama at papa pero alam ko na masayang masaya sila sa akin. Soon, sa simbahan na ang tuloy at ihaharap ko sya sa dambana. Magsusumpaan sa harapan Nya na magmamahalan habang buhay.

Excited na ko sa buhay. Di na rin ako bumabata kaya mas mabuting i-enjoy ko na ang buhay na kasama sya.

Kaya ikaw na nagbabasa, wag mong i-take for granted ang buhay mo. Ang mga tao sa paligid mo na tunay na nagmamahal sayo. Iparamdam mo sa kanila kung gaano mo sila kamahal. Maikli lang ang buhay kaibigan kaya habang andyan pa sila, ibaba mo muna ang cellphone mo or itigil ang kung anumang ginagawa mo. Puntahan at kamustahin mo sila. Baka mamaya huli na pala ang lahat. Ikaw din magsisisi ka.

Masingit ko lang din, oo importante ang pera pero hindi mo dapat ito ginagawang mas importante pa sa lahat ng bagay. Ang relasyon pa rin ang dapat bigyan ng halaga. Dahil kahit gaano pa karami ang ating naipong yaman dito sa lupa, kung oras na natin, wala na. Finish na. Di ka pwedeng makiusap o makipagnegosasyon na pwede pa bang bumili ng ilang minuto ng buhay ko?

Mag ipon ka habang bata ka, walang masama dun. Kasi mahirap tumanda ng wala kang pera.

Stop na muna at kung anu-ano ng random thoughts ang na-iblog ko. Basta babalik pa rin ako dito pag na-inspire uli at may maisipang isulat. Tsaka habang libre pa si blogger/blogspot. Mga minsan di natin masasabi, baka maging mala Friendster or Multiply ang mangyari rin dito.

Kaya salamat sa pagbabasa (kung may nagtiis mang magbasa :D)

Personal Blogs - Blog Top Sites

1 comment:

  1. February 2022, pandemic is still here but don't be afraid to move forward. Don't let it hinder you. Life is short so enjoy every moment with your loved ones. :)

    ReplyDelete

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!