- Give each dollar a purpose
Bigyan mo ng pangalan o gamit ang lahat ng perang pumapasok sa iyo. Kasi kung unnamed sila, malaki ang chance na magastos mo lang kung saan-saan ang perang walang pangalan o purpose kaya ugaliing ilagay sila at bigyan ng kanya-kanyang trabaho.
- Cut back on extras
Hindi naman na totally ihihinto ang paggastos sa mga extra o luho. Kung may malinaw na plano at kung saan-saan mapupunta ang iyong pera, ay hindi ka magi-guilty sa mga ginagastusan mo. Be mindful kumbaga at disiplinado sa paggasta.
- Shed high-interest debt
Kung nakapag-swipe ka ng credit card mo, siguraduhin na mabayaran ang kabuuang utang bago o sa mismong araw ng due date nang sa ganun ay hindi na magka-penalty at tumubo pa ang iyong inutang. Kung may ibang loan ka, again babalik tayo sa unang teknik na bigyan ng pangalan ang ating kinikita nang sa ganun ay unti-unti mong mabayaran ang lahat ng iyong pinagkakautangan.
- Find joy in spending
Hindi lang tayo nabuhay para magtrabaho at kumita lang ng pera. Kailangan din nating i-enjoy ang fruit of our labor. Basta may naitabi ka na bago ka pa man gumastos, safe ka. Hindi ka magi-guilty kung bakit ka ba bumili o gumastos sa isang produkto o serbisyo sapagkat nasa maayos na allocation at may purpose lahat ng iyong kinita.
- Avoid extremes
Iwasan ang negosyo na nangangako ng biglaang yaman o nag-aalok ng malaking interes. Kung too good to be true ang business at daig pa ang legal na binibigay ng mga legitimate investments ay lumayo at tanggihan mo na kaagad sila. Iwasan rin ang mabilisang pagyaman gaya ng sugal at super risky na investment. Imbis na nakakaipon ka na eh doon lang napupunta ang pera na iyong pinaghirapan. Again, financial literacy at tamang paghawak ng pera ang iyong kailangan para maiwasang matukso ng sari-saring investments o negosyo na naglalayon lamang na makuha ang iyong pera at sa huli, it turns out na scam pala.
Disclaimer:
This is not a financial advice at hindi ako financial planner. Base lamang sa aking opinyon at mga karanasan ang impormasyong aking ibinahagi sa itaas. Kaya ugaliing magsaliksik pa rin at humingi ng legal advices from financial planners.
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!