Bukod sa job, work o trabaho ay naghahanap pa ko ng extrang pagkakakitaan.
Hindi natin masasabi na stable ang ating trabaho sapagkat worldwide o globally na ang tanggalan o pagle-lay off ng mga employees. Magugulat at iiyak ka na lang kung sakaling isa ka sa kanila at hindi mo iyun napaghandaan.
Kaya kasalukuyan kong ginagawa ay nagtatabi at binubuo ko na ang Emergency Fund na katumbas ng 3 months ng expenses namin. Sa praktikal nga eh dapat atleast 6 months pero pasasaan ba at darating din tayo dun.
Sa ngayon, bukod sa natatanging work ko lang ang source of income ko, ay sinimulan ko ng mag-invest kahit noon pa sa Philippine Stock Market. Dati nag-iinvest lang ako sa mga kumpanyang gusto ko at alam kong di basta magsasara o malulugi pero ngayon nag-iba ako ng stratehiya.
Nag-iinvest na ko sa REITS para every 3 months or quarterly ay may makukuha akong cash dividends. Ayan ang isang paraan para kumita pa ko ng additional bukod sa aking trabaho.
Ang isa pa na bahagyang maliit at di talaga masasabing extra eh yung paglalaro ng games via ShopBack. Di lingid sa ating kaalaman na sa ShopBack ay pwede kang kumita ng cashback at pag nakaabot ka ng 200 pesos na threshold ay pwede mo itong i-transfer at i-withdraw sa iyong e-wallet or bank account. Ginagamit ko lang dati ang ShopBack sa tuwing may bibilin ako sa Shopee or Lazada pero ngayon sa simpleng pag-iinstall ng partner games nila sa smartphone mo eh kikita ka na ng pera.
Ang isa pang paraan para makabawas-bawas sa babayaran sa mga bibilhin mo sa Shopee ay ang pag-accumulate ng Shopee coins. Marami kang pwedeng gawin sa Shopee na tasks araw-araw like mag-check in, mag-browse ng stores/products, mag-claw ng random prizes at s'yempre manood ng libre at free short dramas. Sa ganitong paraan ay makakaipon ka ng coins na kung saan ay pwedeng magamit yun pang-less sa total na babayaran mo sa tuwing bibili ka sa Shopee platform.
Ano pa nga ba ang iba pang paraan? Nag-iisip ako na mag-invest sa global funds kung saan buwan-buwan ay bumibili ako ng worth 1,000 pesos na units. Nagiging posible ito sa pamamagitan ng pagclick ng Funds sa Maya, then proceed sa Seedbox Funds. At ang una kong nabili at nasimulan lang nitong September 1 ay ATRAM Global Equity Opportunity Feeder Fund. Kabibili ko lang uli nitong October 1 ng worth 1,000 pesos na units at kasalukuyang di pa nag-rereflect sa aking portfolio sapagkat may waiting period s'ya ng atleast 4 business days.
Kung umabot ka hanggang dito, tatanungin kita kung mayroon ka pa bang ibang alam kung paano kumita ng pera sa legal at safe na paraan?
Bago ko pala makalimutan, ang high-yield savings account or digital banks, ay isang mabisang paraan para madagdagan ang iyong ipon. Kung narinig mo na ang MariBank, Maya Savings, CIMB, GoTyme at iba pa, iyon ang aking tinutukoy.
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!