Madalas kong marinig at bumili sa mga store outlets, kumpanya o bilihan ng pagkain.
Napapansin ko na madalas mali, may kulang o minsan sobra ng letra ang pangalan ng kanilang kumpanya.
Kagaya na lamang ng Watsons at hindi Watson; Amber at hindi Ambers.
Kahit ako madalas malito at magkamali sa tuwing binibigkas ko ang pangalan nila.
Kaya heto at minabuti kong gumawa ng blogpost nang sa gayun ay hindi ko malimutan at para maging aware na rin kayo.
Ang tinutukoy ko palang Watsons ay yung pharmacy na madalas nating nakikita sa loob ng SM Malls at Amber naman yung kilala sa kanilang pitchi-pitchi at masarap na pancit at spaghetti.
Sana ay may napulot uli kayong aral sa blog entry kong ito.