Wednesday, May 26

Sugarfree FEVER!

Iba talagang gumawa ng kanta ang Sugarfree.. at sa bawat album na nilalabas nila ay talagang nagmamature yung songs nila... and I like the change!

  • Sa Wakas (First album nila na napansin sila)
  • Dramachine (Their second album na talagang halos lahat ng kanta eh gusto ko)
  • Tala-arawan (Very emotional yung mga songs at makatang makata ang dating)
  • Mornings and Airports (Dito malaki ang pinagbago ng tugtog nila pero hindi pa rin nawawala ang tunog sugarfree)

Saturday, May 22

Parang Nalibot Ko Na

Nitong isang Linggo tila naging manlalakbay
Parang nalibot ko na ang aking sinilangan
Paroo't parito ang aking pakay
Mga papeles sa trabaho'y aking inaplayan

Mula Taguig ay nakarating ng Pasig
At sa Pasig, napuntahan ang Quezon Ave.
Ito ang pinakamalayong lugar na aking binaka
Na ako lamang mag-isa

Saturday, April 24

Paalam Kahapon

Di ko akalaing kay bilis ng panahon
Dumaan lamang ba ang apat na taon
Ngayon at heto katatapos ng graduation
Sinusulat ko ang aking kahapon

Ang isang bagay na ating hinihintay
Inasaam noon at minamadali ang buhay
Ay darating din naman sa ating kamay
At magiging pang habambuhay, nakaraang sumilay

Wednesday, March 17

Reaksyon Sa Aking Nabasa13...

Si Rizal Bilang Magsasaka
p.285 (P.B.)

Sa aking palagay, ang pagiging magsasaka ay tunay na bayani ng bansa dahilan ang tingin sa kanila ng karamihan (lalo na sa atin) ay isang mababang uri ng trabaho. Subalit hindi natin nalalaman na sila ang mas nagbibigay sa atin ng mga kailangan sa pang araw-araw at mas binibigyang prayoridad (ang mga ganitong uri ng trabaho o "blue collar jobs") ng ilang bansa sa pamamagitan ng mas mataas na sweldo kumpara sa "white collar jobs". Hindi lang sa dalawang uri pumapasok ang kahalagahan nito.. (ang isa ay ang simbolismo na nagtatanim ng karunungan at ikinakalat sa iba, pagkatapos ay mamumunga at may halaga na sa lupang tinubuan). Ang isang halimbawa nito ay ang mga guro na patuloy na naghahandog o nagbabahagi ng kaalaman sa mga panibagong usbong na utak. Sa pagdaan ng araw, ay unti-unti itong mahahasa at malaki ang maiaambag sa bansa.. Si Rizal nga ay tunay na magsasaka na maraming naipunla..

Wednesday, March 10

Cleared Unclear Things..

Awts! Hindi ako natanggap dun sa kumpanyang tinawagan ako isang Linggo ng nakakalipas.. Nakakalungkot sa una pero sadyang ganun lang talaga.. I know this kind of situation will make me a better and stronger man in the future kaya nothing to regret it about.. Atleast I experienced being interviewed in a real job. I think I just failed today but failure is part of life that we can never escape.. If failure sometimes hits us, I know somewhere down the road success awaits.. And what I must do is to look for it.. Happy blogging! ^^,

Tuesday, March 9

Reaksyon Sa Aking Nabasa12...

Nilagdaan ni Polavieja ang Pagbitay kay Rizal

Walang tama o mali sa mundong ito. Tayo lang mga tao ang nagpapalagay na tama ang isang bagay o mali base na rin sa impluwensya ng relihiyon. Maaaring tama para sa kanya ang kanyang ginawa subalit mali sa paningin ng iba.. May mga rason din na pilit tayong pinakikilos na wala sa ating bukabularyo. Hindi nila alam ang buong kwento at natatabunan lamang sila ng kanilang kwento. Tanging ang kasalukuyang larawan ang kanilang ginagawang batayan. Sang-ayon ako sa ginawa ni Polavieja, datapwat hindi na natin mababago iyon, kahit na naging masama o kontrabida ang tingin sa kanya ng mga Pilipino. Kung hindi nangyari ang ganon, malamang hanggang ngayon nasa kamay pa rin nila tayo.. Masama man o mabuti, kita't naisulat pa sya sa kasaysayan at naging tanyag ang pangalan. Mahirap magpakabuti dahil kahit anong gawin mong kasantahan, sa sandaling makagawa ka ng kasamaan agad-agad makikita ito ng tao. Kagaya din yan ng isang puting papel na kapag nilagyan ng malaking tuldok sa gitna ay ito agad ang unang makikita.

Tuesday, February 23

Pag-inom ng Tsaa..

Ang pag-inom ng tsaa ay isang bagay na nakasanayan ko na mula nung hayskul pa ko. Sa dahilang mabuti ito sa katawan at tradisyon na rin ng mga tao sa Asya.. Ngunit namimili lang ako ng iinuming tsaa sapagkat merong matatapang at kumukulay sa puting tasa... Kung kumukulay sa puting tasa malamang kumulay din ito sa ngipin.. Kaya minabuti ko na limitahan at piliin ang tsaang iinumin at ito nga ay ang "green tea". Sinasanay ko na ang aking sarili sapagkat dati ay napapaitan ako sa lasa nito ngunit lumipas ba naman ang ilang taon siguradong masasanay ka rin sa pait na dulot nito.. Kagaya din yan ng buhay, kung puro sarap at ligaya lang ang hanap mo maaaring mauwi sa hantungan ang lahat subalit kung matitiis natin ang hapdi at pait na ibinibigay nito asahan mong sa bandang huli ay may makakamtang ginhawa at ligaya..

Maganda ang Sistema ng Watsons Stores Nationwide

Sa tuwing bibili kami ng gamot sa Watsons at wala o di sapat ang bilang ng gamot na kailangan namin, ay pwede namin ipa-check sa cashier ku...